Lisandra's POV Ilang araw makalipas simula ng nawala si Rose, naisipan kong sabihin na kay Chris na buntis ako. Mag iisang buwan na din kaya sasabihin ko na sa kanya. Ayaw ko namang ilihim sa kanya 'to ng matagal dahil anak din niya 'to. Nandito na din kami sa bahay namin at okay na din ang lahat. "Hon?" napatingin ako sa asawa kong tinawag ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Bakit lumalaki ang tiyan mo? Marami ka bang kinain?" nagulat ako sa tanong ng asawa ko. Ang ginawa ko hinubad ko ang damit ko at nag side view sa harap niya. Napatayo siya sa pagkakahiga niya at lumapit sa akin. "Are you p-pregnant?" utal niyang tanong and i nodded. "One month na." his jaw dropped. "W-what? Bakit ngayon mo lang sinabi, hon?" he said. "Mahabang kwento, basta ang mahalaga nasabi ko na sayo

