CHAPTER 5

1700 Words
  CHAPTER 5         KAGAT-kagat pa ni Larrah ang labi nang makababa siya sa motosriklo ni Ghuix. Pinapanood niya ang binata at ewan niya pero mukhang obvious na obvious na siya na crush niya ito, pero pilit pa rin naman niyang itinatago ang kilig at mukhang hindi pa rin naman siya buking. Bossy pa rin kasi ito sa kanya at mukhang manhid naman na parang tinarakan ng tatlong litro ng anaesthesia sa pagkamanhid. Buti na lang din, at least 'di siya napapansin. Napakurap siya nang tingnan nito ang mukha niya tapos at tumitig sa labi niya. "Stop biting your lip, it's swollen. Baka sabihin na lang ni Tita Monica hinalikan kita kahit hindi naman." salubong ang kilay na sabi nito sa kanya at saka binawi ang tingin. Sana nga hinalikan mo na lang ako. She pressed her lips together. Bigla niyang naalala noong gabi ng dinner date nila na nakita niya itong nakikipaghalikan sa may kotse na inggit na inggit pa siya sa babaeng hinahalikan nito. Pero biglang nawala ang kilig niya nang maisip na may ibang babae nga itong hinahalikan pala, tapos siya ay inuutusan na ‘wag sasagot ng tawag galing sa kung kani-kaninong lalaki at pinagbabawalan na siya kaagad. Ang unfair lang nito pero totoong gentleman naman pala. Pinaandar na nito ang motor at mukhang handa ng umalis pero biglang itinaas ulit ang gear ng helmet saka tumingin sa kanya. "How many years did you and that guy spend together?" biglang tanong nito at nahulaan kaagad niya na si Kurt ang tinutukoy nito. "About a year po." magalang na sagot niya. Ghuix removed his helmet again. "Do you know the reason why I ordered you to breakup with him?" he asked with his stern face. Nanulis ang bibig niya. "Sabi mo po kasi ayaw mo ng cheating wife." painosenteng sagot naman niya rito. Nakakaramdam na naman siya ng pagkailang dahil hindi nito inaalis ang mga mata sa mukha niya habang nag-uusap sila. Para na tuloy siyang kriminal na napapaiwas ng tingin. Natutunaw kasi siya at habang tumatagal ang titig niya sa mukha ng matandang kaharap niya ay mas lalo yata itong pumupogi talaga.  He's so really handsome talaga and so very mabango pa. Gusto niyang matutop ang sariling mukha pero pinigil niya nang todo, kaya ramdam niya na nanginit ang mukha niya. "He's a regular costumer of de Lorenzo Hotel." imporma nito sa kanya. Napapormal siya at naging seryoso ang aura ni Larrah. Regular costumer ng de Lorenzo Hotel? Ano namang gagawin ni Kurt sa hotel? Mag-aaral? Her lips pursed innocently. "May ibang babae ang ex mo kahit may relasyon pa kayo or are you the woman he had been dating in one of my hotels, regularly? MWF, I think?" tanong pa nito sa kanya. Hindi siya nakasagot kaagad. Parang hindi siya okay. Kahit break na sila ni Kurt, ang maisip na may iba palang babae ang kumag na ‘yon kahit girlfriend pa lang siya ay ‘di hamak na masakit mapakinggan. Ginaga siya ng bwisit na lalaking ‘yon. Kaya pala walang oras sa kanya at naaalala lang siya ay kapag gustong makahalik. At alam ng pulis na ito ang pambababae ni Kurt? Kaya siya pinahiwalay ng pilit? Ganoon ba? O baka siya ang tingin nito na nakikipag-s*x sa lalaki sa hotel? "H-Hindi po a-ako." aniya rito pero naiinis siya. Parang gusto niyang sampalin si Kurt para makabawi sana siya, kaya lang takot na siya sa lalaki, baka kasi kung anong gawin sa kanya kaya huwag na lang. Break na naman sila at ngayon kapag humarang ‘yon ay may maiisumbat na rin siya. "Then, better stay away from him. Tumawag ka ng pulis kapag ginulo ka." bilin nito sa kanya. "Wala po akong number ng pulis, Inspector." aniya naman dito as she made puppy dog eyes. Ghuix stared at her for a moment then pursed his lips while glancing at his wristwatch.  Nangislap na naman ang mga mata niya nang matingnan ang nanunulis nitong bibig. "Anong wala? May number ako sa'yo 'di ba? GRDL, it's me. Am I not a cop?" ibinalik nito ang mga mata sa mukha niya at nakaangat pa ang mga kilay. "P'wede ko po k-kayong i-text po?" hihihi! "T-Textmate na po tayo?" She beamed beautifully. Ano na bang kilig niya. Naiihi na yata siya sa sobrang kilig. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya rito? "You can text me if you need my help. ‘Wag mo lang akong iistorbohin sa trabaho ko, dahil ‘di kita rireplayan." isinuot nito ulit ang helmet. Napalis ang kilig niya. Hmmp! Ang sungit. Bwisit! Napaismid pa siya pero maya-maya ay namilya ang utak niya. Eh kung araw-araw niya kayang sapakin si Kurt para araw-araw din silang magkita ni flying Ghuix. Tapos minu-minuto siya gumawa ng kalokohan. Ano kaya? Baka naman siya na ang ikulong nito dahil sa kakulitan niya at katarantaduhan. "Get in. I'm going." utos nito sa kanya. Tumango siya at niyakap ang bag niya. "O-Opo." ngumiti pa siya pero hindi siya kumilos kaya pumihit ang ulo nito paharap sa kanya. At kahit na nakahelmet ito, alam niyang nakatingin ito sa kanya. "I said, get in. Now." pormal na utos pa nito kaya ‘di maiwasan na mairolyo niya ang mga mata sabay martsa papasok ng bakuran. Nang lingunin niya ito ay nakatingin pa rin ito sa kanya at saka ito umalis ay nang mabuksan na niya ang pintuan ng bahay. Napatakbo ulit siya papalabas ng gate at hinabol ng tingin ang binatang papalayo na naman. Grabe na ang tama niya. Naaadik na yata siya sa kagwapuhan ni Ghuix. Para siyang lutang sa alapaap nang pumasok siya sa loob ng bahay. Hindi niya makalimutan na nakayakap siya sa abs ng macho-gwapitong fiancé niya. Hmmp! Not to mention na may girlfriend naman si Ghuix na kahalikan sa restaurant. Padabog na napaupo siya sa sofa. Sigurado niya na maganda ang girlfriend ni Ghuix kahit na hindi niya nakita ang mukha. Hindi bale crush lang naman niya ang papalicious cop na ‘yon. "O, nandito ka na pala? Sinong naghatid sa'yo?" bungad ng Mommy niya sa kanya, kasusunod ang driver at ang ate Fely niya na may bitbit na groceries. Iniabot ng Mommy niya ang kanyang kisses chocolates. Hindi talaga siya nito nakalalimutan kahit kailan, kahit ang tanda na niya. "Anak, nag-taxi ka? Pagagalitan ka ng Daddy mo." humalukipkip si Monica sa harap niya. Nanulis ang bibig niya. "Hindi Mi." napakamot pa siya sa ulo. Hindi niya masisisi ang mga magulang niya. That time ay napahamak kasi siya sa taxi sa pagmamadali niyang makauwi dahil sa takot sa kulog at kidlat pero ang nangyari ay hinoldup lang siya at sa bandang huli na nagandahan sa kanya ang impakto ay kamuntik pa siyang gahasain. How lucky of her na dumaan ang kotse ng Daddy niya at napansin na may hindi magandang nangyayari sa loob ng taxi. Iyon pala ay meron nga pero na-spray-an naman na niya ng perfume ang mata ng lintik na r****t. Pero wala, sadyang ayaw na ng mga magulang at kapatid niyang sumasakay siya sa taxi. Kahit naman siya ay ayaw na niya rin. Na-trauma siya noon at talagang hindi natanggal sa isip niya ang kamuntikan na ikasira ng buhay niya. "Si ano ang naghatid sa akin. S-si Insp. G-Ghuix." naitago niya ang bibig nang sipatin niya ang reaksyon ng mukha ng ina niya. Ngumiti iyon at tumango. "Talaga anak? Matutuwa ang Tita Suzanne mo. I'll call her, baby. D'yan ka lang." aniyon at nagmamadaling umalis sa harap niya. Sinundan na lang niya ng tingin ang Mommy niya. Para lang nagpapa-asawa ang mga magulang nila ng mga puppies. Ang Mommy niya, ang laki ng tiwala sa pulis na ‘yon na magiging mabuting asawa. Ang tita Suzanne naman niya ay sa kanya, na magiging mabuting asawa rin siya. Hmmp! Magiging mabuti nga ba kung ni panty niya ay ‘di siya marunong maglaba? Napaitlag siya nang tumunog ang phone niya. Kaagad siyang umayos ng pagkakaupo. Flying Ghuix...  Iyon ang um-appear na pangalan sa screen. Ayiiiii! Hohooo! Napatayo siya mula sa sofa at nagtatalon sa tuwa pero may biglang bumuhos sa pagitan ng mga hita niya kaya napatigil siya. Napangiwi siya. May dalaw siya. Tumakbo siya paakyat sa kabahayan at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya pero binuksan na muna niya ang message ni Ghuix. Hey, is Tita Monic already home? May kasama ka na? Nag-type siya kaagad ng message. Yes po inspc2r. Worid po kau?☺ Hinintay niya ang sagot nito at mabilis naman ‘yon na sumagot. Babae ka, syempre, oo. Napatalon ulit siya pero bumuhos na naman ang regla niya. Jusko! Bakit ba kinikilig siya nang husto kahit parang ang sungit ng dating ng text ng pulis na ‘yon. Hihi. Tnx po. Naghintay pa siya ng ilang segundo pero wala ng sagot kaya napaismid na siya. Padabog na naglakad siya sa may kama at saka inilapag niya sa mesa ang cellphone niya. Kainis. Lumiku-liko ang nguso niya habang papasok sa banyo. She grabbed a sanitary napkin and fixed herself. Maligo na lang din tuloy. Naiinis siya kasi hindi man lang mag-reply ng, welcome. Iisang word lang naman ay ipinagdadamot pa sa kanya. Pagkatapos niya na asikasuhin ang sarili ay phone kaagad niya ang sinilip niya at napatalon ulit siya na may isang message. Hihihi! Siya na! She immediately opened it, ay kumabog talaga ang dibdib niya. Uhm, k. Officer's innocent wife. Diyos kopooo! Sumampa siya sa kama at doon nagtatalon habang tumitili bago siya nahiga at gumulung-gulong pa. "Larrah! Ano ba ‘yan tinitili mo?" lukot ang noo ng Mommy niya na nakasilip sa pinto niya nang agaran ‘yon na bumukas. Nakagat niya ang smartphone. "Wala Mi, ano lang. Nakapasa ako sa ano, e-exam." palusot niya. Tumango ang Mommy niya pero mukhang diskumpyado pa sa kanya. "Akala ko katext mo si flying Ghuix." nangingiti pang tudyo ng ina niya sa kanya bago tuluyang ilapat ang pinto sa hamba papasara. Katext ko nga Mi. Wife daw niya ako. Ayeee! Ibig sabihin mas lamang pa rin siya sa girlfriend. Siya ang magiging legal na asawa at walang tatalo sa kanya. Nahalikan pa niya ang phone sa sobrang kakiligan na nararamdaman saka siya pumasag-pasag na parang isda na nakawala sa batya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD