CHAPTER 6

2863 Words
CHAPTER 6 NAGKUKUMAHOG si Larrah Graine na makahanap ng uniform ng isang traffic enforcer. Gusto niyang makita si Ghuix kaya lang ay dalawang araw na ang lumipas pero wala ni anino ng lalaki. Wala rin si Kurt kaya kahit takot sya sa letseng ex niya ay hinahanap niya ang lalaki para naman gawan siya ng hindi maganda at magkaroon sya ng rason na itext o tawagan si Ghuix. Kaya ngayon ay todo panggap siya bilang isang traffic enforcer. Kapag nakulong siya ay magpapasalo na lang sya sa kanyang super macho poging husband to be. Ngayon heto siya at paseksing naglalakad sa may ilalim ng overpass. Magta-traffic siya. Buti na lang at may ate na pulis ang best friend niyang si Eloisa na nakatayo naman sa hindi kalayuan at ninenerbyos sa naisip niyang paraan para may moment sila ng kanyang flying Ghuix. Tumakbo ang kaibigan niya niya na si Eloisa papalapit sa kanya. "Umuwi na kaya tayo, Larrah naman please. Wala ka namang alam sa pagta-traffic eh." sabay hila nito sa braso niya pero hindi siya sumama. Mas matigas pa yata kaysa sa niyog ang bao ng ulo niya na kapag may nagustuhan ay hindi titigil hangga't hindi napapasakamay niya. Eloisa is her best friend since grade school, kaya normal na sa kanilang dalawa ang magsabihan ng kung anu-ano. Ni minsan ay hindi sila nag-away kahit na kailan. Siguro match talaga sila. Matured kasi ito at siya naman ay sobrang immature. Not to mention that she's really intelligent at AA ang kanyang I. Q, hindi lang halata. She hadn’t failed at any examination that she took, kaya nga kahit premed ay napasahan niya na parang kumakain lang ng popcorn, ‘yon lang sobra siya sa kulit at lahat ng maisipan niyang gawin ay ginagawa niya talaga. Like those times when she was already accelerated from grade three to grade five, pero ayaw niya kaya walang nagawa ang kahit na sino sa pamilya o teacher niya nang itali niya ang sarili sa silya at sabi niya ay hindi siya tatayo talaga kung ililipat na siya ng ibang grade. Natakot naman ang mga iyon at hinayaan na lang siya. Why would she even jump from three to five while she’s so really childish? Para sa kanya ay mawawala noon ang pagkabata niya kasi maaga na siyang tatanda kapag palagiang umaakyat ang grade niya tapos ang bata-bata pa naman niya. At siya ang nagsilbing tutor ng best friend niyang si Eloisa sa lahat kaya nakapasok din ito sa medicine. At kahit na anong hingin niya sa kaibigan ay hindi nito matanggihan dahil sa lalim ng pinagsamahan nilang dalawa. Like now, pilit niyang ipinanakaw dito ang uniform ng ate nitong pulis para lang makagawa siya ng paraan na makita ang kanyang future husband na kinalimutan na yata siya matapos niyang makatext noong nakaraang araw. Simot na lang ang regla niya, wala pa, hindi na siya sumagi na i-text man lang kahit na kuwit. At dahil doon ay ngayon siya babawi. Sexy siya sa palda ng ate Eloisa. Fitted sa kanya kasi mas malaki ng kaunti ang katawan niya sa ate nito. “Doon ka na.” nguso ni Larrah sa isang pwesto sa may ‘di kalayuan. “Kaya ko ito. I have to do this para naman magkita na kami no’ng asawa ko.” Lumaki pa ang ngisi niya at saka ipinagtabuyan ang kaibigan na walang nagawa kung hindi sumunod na lang habang napapakamot sa ulo. “Larrah talaga. Mapapahamak tayo nito eh. Patay ako kay ate nito talaga. Siguruhin mong hindi ka mabubuking ha.” Pangungulit pa ni Eloisa sa kanya habang tulak-tulak niya ang kaibigan papaalis. “Trust me Loisa, I can manage.” Buong kayabangan na sabi naman niya; kayabangan na dala ng kakulitan. “Good morning, Ma'am." bati ng isang traffic enforcer sa kanya kaya mas lalo niyang iniliyad and dibdib. Naitakip niya ang kamay sa bibig dahil natatawa siya. Tumingin ang lalaki sa baril niya. It's not real, high quality toy gun lang ‘yon na binili pa niya for thousands of pesos. At ewan niya lang kung anong gagawin niya kapag may humingi sa kanya ng saklolo dahil peke naman ang baril niya pero makakasakit naman, pellet gun kasi ang sukbit niya. Babarilin na lang niya sa mata kapag may nanggulo. “Good morning, too.” Sabay hagikhik niya. Pansin niya na naagaw na ng dibdib niya ang atensyon ng lalaki. Mababa pa naman ang butones ng blouse kanya dahil may kalakihan ang dibdib niya kesa sa kapatid ng kanyang best friend kaya lumitaw ang cleavage niya. “Bago ho kayo, Ma'am? Ang ganda niyo po. Ang bata pa.” sabi ng lalaki na palagay niya eh nasa kwarenta na pero mukhang mabait naman. “Bago lang po, Sir. Larrah po.” Sagot niya sa lalaki at kinamayan ito nang kusa. Kitang-kita pa rin sa pananalita niya ang kaartehan pero bumabagay naman sa bata at cute niyang mukha kaya sa halip na mainis ang mga kausap niya ay natutuwa pa sa kanya. "May dance moves ho Ma’am ang pagta-traffic dito." imporma ng lalaki sa kanya kaya naman napangiti siya. Sus, dance moves lang pala. "Ay, kayang-kaya po. Anong klaseng sayaw po ba?" binigyan niya ng sample moves ang lalaki na ala Michael Jackson kaya napangiti nang malaki ang traffic enforcer. Nakita niyang natawa si Eloisa kung saan iyon nakatayo kaya napahagikhik din sya. “Ready na Ma’am. Magaling naman ho pala kayong sumayaw.” Anito sa kanua saka iniabot ang remote ang radyo na nasa itaas na bahagi ng poste. Nakafix iyon at nakapad-lock pa ang grills na kumukulong doon. Ohh.. Iwas nakaw. Naisip niya tuloy na kung nakawin niya ‘yon ay baka ikulong siya at palalayain naman siya ni Insp. Ghuix niya. Next time nanakawin kita. Pinindot niya ang on button ng remote at automatic naman na bumukas ang radyo with speakers pa. Maya-maya ay umere na sa speakers ang kanta ni Vhong Navarro na, Totoy Bibo. Napakamot si Larrah sa ulo. Bakit naman iyon pa? Hindi ba pwedeng mag-request, iyong mga latest na kanta sana? “Doon na ako sa kabila, Ma’am.” Paalam pa ng lalaki na maangas naman niyang tinanguan. Sumulyap pa sya sa kaibigan bago niya inilagay sa bibig ang pito. Maanong dumaan si Ghuix para sana makita siya ay baka magalingan sa kanyang sumayaw ay di mainlove pa nang tuluyan. She tapped the previous button and the song played again from the very start. Pumosisyon siya at pumosing nang maganda. Career na ito. Nang tumunog na ang intro ng kanta ay nag-umpisa naman siyang gumalaw. Ang sayaw niya ay nasa timing pero ang pagpatigil ng mga sasakyan ay wala, pero smooth pa rin naman ang takbo. Wala talaga kasi siyang hiya. Siya ang babaeng sumalo lahat ng kapal ng mukha nang magsabog noon ang kalangitan. Eksakto pa naman na alam niya ang sayaw ng Totoy Bibo na ito kaya kering-keri niya. May paikot-ikot pa siya ng balikat at paurong-sulong na steps, at pakembot-kembot ng matambok niyang puwit na parang lalabas na sa ikli ng palda niya. She saw some of the motorists took videos while she’s dancing. Tumigil ang karamihan at pinanood siya. Natuwa pa siya sa lagay na iyon habang piping nagdarasal na sana ay dumaan si Ghuix, pero mas lalo niyang kinendengan. Hanggang sa senyasan siya ni Eloisa na kanina pa hindi gumagalaw ang nasa kaliwa niyang mga sasakyan kaya naman umikot sya at senenyasan ‘yon na lumarga na. Pero, nakalimutan niyang patigilin ang nasa kabilang linya kaya naman nagkabuhul-buhol ang lahat. Napatigil siya at nakagat niya ang daliri nang may mga magkabanggan pa at nagkagasgas ang mga sasakyan na alam niyang ubod ng mamahal. Oh my Mommy! Nakita niyang nayupi ang bumper ng isang Montero Sports Car, and knowing the price of a single scratch costs fifty thousand pesos. Patay! Hanggang sa magkagulo na at siya na ang sinisi sa lahat. Nagmumurahan na ang mga iyon habang nasa pinakagitna siya at napapalibutan ng mga sasakyan. Kapapasok pa lang ni Ghuix sa at naghuhubad pa siya ng suot na leather jacket nang mapansin niya ang umpukan ng mga kasamahan niyang lalaki na nakanganga sa CCTV monitor ng Ayala underpass kaya napatigil siya sa paghakbang. What do his men have? Celebrity ba na nakaposing sa Ayala kaya parang siyang-siya ang mga iyon na nakatunganga? Lahat kasi ng kalye sa Metro Manila na may CCTV ay may direktang konekta sa office nila para kapag may emergency ay madali silang makakapag-responde. "Tena pare, ang sexy!" sabi ni Quinn sa isa nilang kasamahan. "Oo, maganda. Bata pa p're ang tambok ng pwet." sagot naman ni Randy sa isa. Ni hindi napansin ng mga ito na nasa likod lang siya at nakikisilip. Pati presence ng Senior Police Inspector ay hindi nakita ng mga iyon at hindi man lang siya binati. "Hi love." bati ng girlfriend sa kanya na nakalapit na pala. Tumingin siya sa babae at isang halik ang sumalubong sa kanya. Kahit na si Venus ay hindi na niya pinansin nang halikan siya dahil parang pamilyar sa kanya ang babaeng sumasayaw. Medyo natatakpan lang ang mukha ng suot na sumbrero ng pulis at hindi niya gaanong malapitan dahil maraming lalaki ang nakakumpol sa may harapan ng monitor. Ipinilig ulit niya ang ulo at pinakatitigan ang monitor. f**k! Magaling ngang sumayaw ang babae. Maarteng kumilos pero parang ang kulit ng dating at parang hindi marunong mag-traffic. Suddenly, he felt so excited imagining how would that young lady dance on top of a man? Napangiti siya sa sarili niyang kapilyuhan na kahit nasa tabi niya ang girlfriend ay iba ang takbo ng isip niya. Hindi kasi sumasayaw si Venus sa harap ng tao na kasabay ng isang tugtog. Oo sumasayaw sa ibabaw niya kaya lang nakakatuwang tingnan ang babaeng pulis na malamang baguhan o naparusahan kaya nasa traffic. Magaling kasing gumiling ang bata. Baka sa kanya ay himatayin ‘yon, ulo palang niya ang nakapasok. He simply gulps when her body sways, pero parang batang-bata talaga ang pulis. Nakita niya ang ibang motorista na kumukuha ng video sa dalaga. He doesn’t wonder because her young look can't hide the fact that she is charming and sexy. Napakunot noo siya nang biglang magsalubong ang mga tuhod noon na parang iisang tao ang pumasok sa isip niya na ganoon ang kikilusin at ganoon ang hitsura. Larrah Graine? Is that you? Hanggang sa umikot iyon sabay kembot pero nagkagulu-gulo na ang traffic dahil nasensyasan ang kabilang kalye na umabante pero hindi naman napatigil ang kabila. Nawala kasi ang konsentrasyon at natuon sa pagsasayaw. Lalo siyang nabagabag nang maaninag ang mukha noon nang biglang nataranta at tinanggal ang suot na sumbrero, nang magbanggan na ang mga sasakyan kaya lumaylay ang mahabang buhok na may pagkakulot na nakaipit pala sa ilalim ng suot na sumberong kapartner ng uniform na suot. What the hell! Si Larrah Graine nga! Saan nagnakaw ng uniform ang batang iyon? Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Parang kargo niya ang makulit lalo pa at hindi niya maitatanggi na nakita niya at napanood sa monitor. Baka mamatay ang Tita Monica niya sa kunsumisyon kapag hinayaan niya ang future wife niya. "Motherfucker! Zoom it!" biglang utos niya sa mga kasamahan na kaagad naman na sumunod. Takang napahigpit ang hawak ni Venus sa braso niya pero hindi niya pinansin ang nobya. Nagsalubong ang mga kilay niya sa inis at napameywang siya nang wala sa oras nang totoong makumpirma niya na si Larrah nga ang pulis-pulisan. Anak ng tinapa! Anong kalokohan ng babae na ito at nagpanggap na pulis? Gigil na nahilot niya ang noo. "Jesus, ang kulit!" dismayadong bulalas niya. Nakagat niya ang labi sa pagkadismaya dahil nakita niyang nagkabanggan na nang tuluyan ang mga sasakyan. Hindi yata alam ng bata na pwede iyong makulong dahil nagpanggap na pulis ay hindi naman pulis. Shit! Binigyan pa ako ng problema. "Do you know her?" Venus asked and fondled his abs. Napatingin ulit siya sa babae saka tumango na salubong ang mga kilay. "Family friend’s daughter." Maikling sagot niya. That isn't the right time to tell Venus about Larrah. Naghahanap pa siya ng tyempo para sabihin na mag-aasawa na siya at dapat matigil na ang relasyon nila. Pero open siya sa intimate moments sa babae lalo pa at wala naman siyang kabalak-balak na bigyang katuparan ang pagiging mag-asawa nila ni Larrah sa kama. Sa papel lang sila makakasal ng bata na ‘yon at si Venus ang uuwian niya kapag gusto niyang magpalipas-oras. Baka naman kumaripas pa ang batang ‘yon ng takbo kapag inilabas niya ang kanyang naghuhumindig na p*********i. Ibinaling niya ang atensyon sa mga tauhan. "Call the station which will detain her, ipasa kamo sa akin ang bata na ‘yan." lintik! Nahilot niya ang noo sa inis saka siya naglakad papasok sa sarili niyang opisina. Nawala sa isip niya na yakap nga pala siya ng girlfriend niya. Sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili kung ganito na baka kapag nalaman ito ng Mommy niya ay atakihin pa iyon sa puso, knowing na ang kaisa-isang babaeng ginusgusto noon na makasal sa kanya ay pinabayaan niyang makulong? Kaya lang bakit ang kulit naman? Alam naman siguro ng ina niya na makulit si Larrah pero bakit ipinagtutulakan sa kanya? Kung sa ganda ay wala siyang problema kasi maganda talaga at hindi niya itatanggi na nakakaadik na titigan ang mukha noon, dangan lang na kapag bumuka na ang bibig at nag-umpisang kumilos ay lumalabas ang pagiging batang-isip. Jesus! Have mercy on me please ! Padaskol na naupo siya sa silya niya at natutop ang noo. Ano bang nakain ng babae na iyon at nagpanggap na pulis trapiko? Wala na. Naka-focused na kasi ang atensyon sa pagsasayaw kaya nawala ang isip. Maayos naman nang makita niya pero nang lumaon ay hindi na. Ano ba namang aasahan niya kasi? Studyante ng medicine, nagta-traffic? The nerve! Napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. “Come in.” Aniya sa taong nasa labas. Pumasok doon si Venus na nakangiti. He looked at the woman with his stern face. "Okay na raw. Ita-transfer dito sa’yo ‘yong bata kasama ‘yong mga may reklamo. Apat na luxury cars ang may damage at hinihingian daw ng malaking halaga ‘yong anak ng family friend mo. Hindi pala pulis. Baliw na bata. Why not tell her family to bring her to a mental asylum for a checkup?” Natatawa na sabi ni Venus. Umiling na lang din siya pero hindi naman sumagi sa isip niya ang tawagin si Larrah na baliw. Sobrang kulit, iyon ang laman ng utak niya na tamang salita na pwedeng sabihin. “So, walang quickie? Tulad ng hinihingi mo bago ka pumasok?” nakangising tanong ni Venus sa kanya saka umikot sa may likod niya at pinaglandas mga palad sa dibdib niya, saka siya hinalikan sa tainga. Bumuntong hininga si Ghuix. “None. I'll wait for the kid, she'll come any minute now.” sabay sulyap niya sa wristwatch. Umalis bigla sa likod niya si Venus at galit ang nakaguhit sa mukha nang lumakad pabalik sa harap ng mesa niya. “I must say that I should hate that kid for taking away the time that’s supposed to be mine.” sabay irap noon at layas sa harap niya. Hindi sya umimik nang ibalibag noon ang pinto papasara. Sumadal lang ang ulo niya sa headrest at pati paa sa mesa. Ganoon naman si Venus kapag nabibitin sa kung anong pangako na sinasabi niya, not unless call of duty na naiintindihan nito. At ang isang kakaharapin niya ay hindi naman call of duty. Biglaang obligasyon na hindi niya matatanggihan at hindi pwedeng balewalain, kahit na ikagalit pa ng girlfriend niya. And he won't say sorry for it. Hindi niya ugali na manuyo ng babae kahit pa mahal niya. Maya-maya naman sigurado ay lalapit din iyon sa kanya at isang o****m lang, sigurado bawi na ang tampo niyon. Kesa naman pabayaan niya ang makulit na batang si Larrah Graine at ika-ospital pa ng ina niya? Alin naman ang pipiliin niya? The last time kasi na kinontra niya ang ina sa pagpapakasal ay hinimatay iyon bigla sa sama ng loob kaya hindi na niya inulit. Malaki kasi ang utang na loob nila sa Mommy ni Larrah. Ang isang kidney noon ay nasa Mommy niya nang magkasakit ‘yon sa bato bukod pa sa may sakit din sa puso. At walang hiningi na kapalit si Monica o bayad. Noon iyong mga panahon na wala na silang pag-asa na makakuha pa ng donor. At ayaw naman ng ina niya ng mga inmates kasi baka hindi raw healthy ang mga kidneys. Mabuti na lang ay bumisita ang tita Monica niya that time, at nang malaman noon ang lagay ng Mommy niya ay hindi iyon nagdalawang-isip na mag-donate ng isang kidney. So now, alangan naman pabayaan niya ang anak ng taong dahilan ng pagkalasalaba ng ina niya sa kamatayan? Gasino na ang saluhin niya ang kasalanan ng batang iyon kung kaya naman niya. Pero ano bang sumanib sa babae na iyon at sumayaw sa gitna ng traffic? Kulit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD