Chapter 3

1507 Words
Chapter 3   ASTRID   I woke up with the beam of sunlight flashed my face. s**t! Sino namang naglakas-loob para magbukas ng kurtina dito sa kwarto ko?! Bumangon kaagad ako at tiningnan ang taong nagbukas ng kurtina. Alam kong hindi si Mama ‘to. Kasi alam ni Mama na ayaw kong binubuksan ang kurtina ng kwarto ko. “f**k! Close that f*****g curtain?!” I really don’t care about cursing early in the morning. I want the curtains closed. Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot. The light. Aish!   “9 AM na. Gumising ka na.” Ayan nanaman ‘yang kalmadong boses niya. Nakakabwisit! Bahala siya diyan. Nagtago ako sa ilalim ng kumot ko at pinikit ang mga mata ko pero bigla niya nalang hinila ang kumot ko. “Sh*t! My blanket! Ano bang problema mo?!” Inis kong sigaw sa kanya at tinakpan ng unan ang mukha ko.   “Ikaw? Anong problema mo at hindi ko pa gumigising? Wake up!” Kalmado niyang sabi at tsaka kinuha ang unan ko. Why the hell is he taking my stuffs? Wala ba siyang unan at kumot?! Hindi parin ako makamulat kasi nga sumasakit pa ang mata ko sa liwanag. Bawal akong diretsahang ma-expose sa sunlight. Dahil sa paghablot niya ng unan ko kanina ay naibuka ko ng wala sa oras ang mata ko, letting sunlight get into my eyes. At dahil doon ay pinikit ko kaagad ang mga mata ko, letting out a whine.   “Open your eyes, Astrid.” Nagluluha na ang mata ko at hindi parin ako tinatantanan ng lalaking ‘to. Suminghot na ako habang tinatakpan ang mga mata ko. Ang sakit. “M-Mama!” Sigaw ko na parang batang inaaway ng kalaro niya. But I’m not joking anymore. My eyes really hurt. Humiga ako sa kama at tinakpan ang mga mata ko. Kailangan kong i-adjust muna mga mata ko sa liwanag.   “What is i—Astrid!” Narinig ko ang boses ni Mama at ni Tita Margie. Ang sakit ng mata ko. Narinig ko ang pagsara ng kurtina at nararamdam kong nilalagyan na ni Mama ng cold compress ang mata kong nakapikit parin.   “It’s dark now sweetie.” Rinig kong sabi ni Mama at dahan-dahan ko nang ibinuka ang mata ko at tumingin sa paligid. I adjusted to the lights at nung okay na ang mata ko ay ini-on na ni Mama ang ilaw sa kwarto ko. Dun ko nakita si Troy na hawak-hawak parin ang unan at kumot ko at nakatayo lang sa gilid na parang naguguluhan pa.   “Anak, bawal ang diretsahang sunlight exposure sa mga mata ni Astrid. Ganyan na siya nung bata pa siya. Kailangan ko pa palang sabihin sa ‘yo ang lahat ng bawal kay Astrid.” Rinig kong sabi ni Tita Margie habang palabas sila. Nilingon ko naman si Mama na inaayos ang drawer ko na puno ng contact lens. It’s a shame I have to wear them every day. Bakit ba kasi ganito ang mata ko? Hindi ako pwedeng diretsahang ma-expose sa sunlight. At araw-araw, kailangan kong suotin ang mga lenses na ‘to para makalabas ako ng bahay. Hay. Sanay naman ako.   Minsan napapa-isip ako. Am I a Vampire?   Hay, Astrid. Gutom lang ‘yan.   ✥✥   “Astrid! Let’s go!” Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at sakto naman nung pagbukas ko, bumukas din ang pinto ng kwartong kaharap ko tsaka lumabas ang lalaking ‘to na nakaheadphones at parang hindi ako nakita. Inunahan ko nalang siyang bumaba at pumasok sa kotse ni Mama. Nasa harapan na kasi si Tita Margie kaya malamang sa likuran ako umupo. Pumasok naman ‘tong lalaking ‘to at umupo sa tabi ko habang nakatingin sa cellphone niya. The whole ride, nakatingin lang ako sa labas pero napapansin ko namang sinusulyap kami ni Mama sa rear-view mirror, checking if I’m well-settled or whatever.   “Astrid, may dried mangos diyan sa bag ko.” Kinuha ko agad ang dried mangos at binuksan. Kilala na talaga ni Mama ang tiyan ko. Syempre, ako lang ang kakain nito.   Dumating na kami sa mall at mas excited pa sina Mama magshopping kesa sakin. Well, it wasn’t my idea to go shopping anyway. Sumunod lang ako kina Mama at nakikita kong katabi ko ring sumusunod ang lalaking ‘to. Ngayon ko lang napansin, hanggang balikat lang pala ako dito. Ang tangkad niya ah. In my years of existence, ngayon ko lang nalaman na kinapos pala ako sa height—ay hindi hindi! Matangkad lang talaga siya. Oo, matangkad lang talaga siya.   “Uy! Si Troy ‘yun diba?” “Waah! Oo nga! Troyyie! Hey!” “Ano ka ba?! Hindi ka papansinin niyan!” “Naman eh! Sino ba ‘yang kasama niya?!” “Baka girlfriend niya!”   Muntik na akong matawa sa narinig ko. Oo, girlfriend ako nitong Troy na ‘to. Tsh! Whatever. Sikat ba ‘tong lalaking ‘to? Binilisan ko nalang ang lakad ko at nagcling kay Mama. “Sweetie, magpapasalon na agad kami para makapagdinner pa tayo mamaya. Ikaw na bumili ng mga bibilhin natin.” Great. Tiningnan ko lang ang listahan at card na binibigay sa akin ni Mama.   “Inuutusan mo ako, Ma?” Tanong ko sa kanya. And I swear, I literally saw the devil in my Mom’s eyes. Sometimes, I dig my grave too early. “Katy Astrid!” Ngumisi kaagad ako kay Mama at kinuha ang card at listahan niya. Ayoko pang mamatay.   “Ikaw rin Troy anak. Ikaw na bumili nitong mga bibilhin ko.” Tumango lang ‘tong Troy na ‘to at sinabayan ako paalis. Ano ba ‘tong nasa listahan ni Mama? Puro naman hygiene stuffs ‘to tsaka kunting pagkain. Kunti lang?! Hmp! Dadamihan ko ‘to! Kumuha ako ng cart pero bigla nalang may humawak nito. Oh? Tiningnan ko agad si Troy na nakahawak sa cart na kinuha ko.   “Kumuha ka ng sarili mong cart Tr—” Hindi na niya ako pinatapos at pinakita niya agad sa akin ang listahan ng pinapabili ni Tita Marg—oh, wow!   “Ikaw magdadala ng cart. Tulungan mo si Astrid.   Kaloka ‘tong si Tita Margie. Hindi talaga nagmana ‘tong lalaking ‘to sa Mama niya. Hindi nalang ako nagsalita pa at hinayaan si Troy dun sa cart. Pumunta kaagad sa food section at pumili ng ilalagay ko sa cart. Habang pumipili ako ng peanut butter ay bigla nalang nagsalita si Troy. Akala ko napipi na ‘to.   “Astrid..” Hindi ko siya nilingon pero tumango lang ako para sabihing nakikinig ako sa kanya.   “I’m sorry.” Dun na ako lumingon sa kanya. In my whole life, siya palang ang lalaking sinabihan ako ng “I’m sorry”. Ang weird ng feeling. Tumango nalang ako at kumuha ng noodles at nilagay ito sa cart na tulak-tulak ni Troy. “Hindi ko naman alam na ganyan pala ang mata m—”   “Apology accepted.” Lumayo kaagad ako sa kanya at pumunta dun sa canned goods. Ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang mata ko. Namana ko kasi ‘to sa Papa ko. Tss. Sa lahat ng pwedeng ipasa sa akin, ito pa. Ipasa niya kaya sakin ‘yung Lamborghini niya ‘wag ‘yung eye defect niya. “Skating tayo mamaya?” Kumunot agad ang noo ko sa sinabi ni Troy. Anong bang nakain nito? Umatras agad ako kasi bigla nalang siyang lumapit sa akin. P-Problema nito?   “H-Ha?” Parang tanga kong tanong.   “I felt sorry driving you off last night. Pinapauwi ka na kasi ni Tita Katherine.” Nakangiti niyang sabi. Sh-t. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Ah basta! Galit parin ako dito! Galit ka diyan, Astrid. Galit ka diyan.   “Hindi ka pwedeng magalit sakin ng matagal Astrid. Just remember, makakasama mo ako sa bahay.” Angat-labi niyang sambit at kinuha niya ang listahan ng bibilhin ko at siya na mismo ang bumili. Damn! Why do I have to be so marupok? Ah, basta nga! Galit nga ako dun. Ang sarap sampalin ng sarili ko.   ✥✥   Nasa canteen kami ng mall ngayon. 6 PM na kasi, which means, eight hours already passed. For sure, tapos na sina Mama. Marami kaming ginawa ni Troy habang naghihintay kaming matapos sina Mama sa ginagawa nila. Like naglaro kami sa arcade, nanood ng movie tsaka kumain. Hindi naman siya madaldal pero hindi rin siya masungit. Pero nagbabangyan parin kami. Tch! Him and his mood swings. Ito kasing lalaking ‘to, sa eight hours na nakasama ko siya dito sa mall, nalaman ko na sikat siya sa Vernon High. Ewan ko kung bakit. Malamang dahil dun sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Nalaman ko rin na mainitin ang ulo niya. Obvious naman diba? Marami siyang barkadang g-go. Nakita ko na naman kasi kanina sina Chad at ‘yung tabachoy na ‘yun na may kasamang iba pang lalaki at binati nila si Troy. Ang tatangkad nilang lahat at siguro mga basketball player ‘to. Oh, whatever. Maya-maya, dumating na sina Mama na bagong rebond ang mga buhok nila at halatang pumunta pa sa spa. I should just be happy that my Mom is happy.   “Nag-enjoy kayo?” Tanong ni Tita Margie.   “No/Nope” Sabay naming sagot ni Troy. Of course. Hindi kami nag-enjoy. Puro nalang kasi kami bangayan kung saan kami mapunta. Ang pinakabobo pang ginagawa namin ay kung ayaw naming kasama ang isa’t-isa, bakit magkasama parin kami kanina? Eh ang sabi niya kasi kailangan niya akong bantayan. Luh~ Baby sitter ko ba ‘to?   “Bukas ka na papasok sa Vernon High, okay?” Tumango lang ako sa sinabi ni Mama habang naglalakad na kami palabas ng mall. “Be good okay?” Tumango lang din ako sa sinabi ni Mama.   “Bukas narin pala kami aalis ng Tita Margie mo.” Tumango lang ako sa sinabi ni Mam—wait, what?! -- - end of chapter 3 -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD