Chapter 2

1649 Words
Chapter 2   ASTRID   Minulat ko ang mga mga ko at nilibot ang tingin sa paligid. Is this my new room? Lumingon ako sa kanan ko at ngumiti nung nakita ko si Max na nasa tabi ko lang pala. Kinuha ko agad si Max at pinagpag ang kunting pulbo na nasa mukha niya. Si Mama talaga, kung saan-saan nilalagay ‘tong si Max. Teka, ba’t nga pala ako napunta dito? As far as I remember, may bumuhat sa akin kagabi. And that voice.. that Troy guy. Right! Sino naman ‘yung Troy na ‘yun? Tsaka, sinong nagsabing gawin nilang pink ang kulay ng kwarto ko? I want black! Narinig kong may kumatok sa pinto pero tiningnan ko lang ito. Wala akong planong lumabas. E kasi, umalis na naman ako sa dating school ko. For sure, sa paaralang papasukan ko, aalis rin naman ako. Hay. Ganito nalang ba ako palagi? It’s fun!   “Wake up, sleepy head.” Boses ng isang lalaki. Teka, siya ba ‘yung Troy? Humiga lang ako sa kama ko at nung nakarinig ako nga mga footsteps palayo, dun lang ako lumabas ng kwarto ko at bumaba. Baliw ‘no? Habang pababa ako ay parang narinig kong may kausap si Mama.   “Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa anak ko, Margie.” Tumaas ang kilay ko nung marinig ko ang sinabi ni Mama. Nandito si Tita Margie? “Kaya mo ‘yan, mare. Nandito naman si Troy para tulungan ka.” I just snickered with the thought that someone is helping me. Helping me for what?   “Talaga bang mapapatino ni Troy ang anak ko?” Tanong ni Mama.   “Trust me, mare. Troy can.” Umismid lang ako dahil sa narinig ko. Troy? Siya na ba ‘yung magpapatino sa akin? For his information, walang nagwawagi sa pagpapatino sa utak ko. Will couldn’t even handle me. Ito pa kayang lalaking ‘to. This must be a joke.   “Move it!” Napadikit kaagad ang sa pader nung sumigaw ‘tong lalaking ‘to sa likuran ko. Dumaan lang siya sa harap ko habang may dala-dalang bola ng basketball. T-Teka, did he just order me to move?! A-And I moved?! Wtf?! Wala pang nakakapag-utos sa akin ah! Damn this guy! Napansin ko namang nakatingin pala sa akin si Mama at si Tita Margie at nakita kong nakangiti pa silang dalawa. Ano bang nakakatawa?   “See, mare? My son is the key.” Key? I just scoffed. What a joke! Nabigla lang ako kaya ko siya pinadaan. Tumayo nalang ako at naglakad palapit sa kanila. “Hi, dear Astrid. How was your sleep?” Lumapit ako kay Tita Margie at hinalikan siya sa pisngi. Para ko na rin kasing totoong Tita si Tita Margie. Kasama kasi siya si Mama dun sa Hong Kong. Office mate niya.   “Okay lang po. Ma? Anong lugar ba ‘to?” Tanong ko kay Mama matapos ko halikan rin sa pisngi. Matino naman akong tao. Diba? Diba? Matino naman ako. Matino kapag nandito Mama ko. “Pilipinas anak. Hindi tayo nag-abroad.” Diretso niyang sagot. Minsan iniisip ko, namana ko kay Mama ang ugali ko. Hindi ko nalang siya kinausap pa at tiningnan ang lalaking nagtatali ng sapatos niya. Maghanda ka sakin!   “Basketball muna ako, Ma.” Dumaan pa siya sa harap ko para halikan si Tita Margie sa pisngi. Oh? Anak ni Tita Margie ‘to? Ma nga, Astrid. Tanga mo talaga. Lumingo-lingo nalang ako at tinuon ang pansin ko sa kanilang dalawa. Parang hindi naman ‘to nagmana sa ugali ni Tita Margie. Ang sungit nito. Nung umalis na siya ay tiningnan ko ulit si Mama na umiinom ng juice.   “Ma, anong plano mo sakin?” Tanong ko habang ini-on ang TV dito sa sala. Feel at home.   “Dito ka titira sa bahay namin ng Tita Margie mo.” Saglit akong natigilan dahil sa sinabi ni Mama.   “Namin?” Tanong ko. “Yes, bahay namin ‘to ng Tita Margie mo. Pinagawa namin ‘to kasi—”   “Yeah yeah. Wala akong paki dun, Ma. Ano ngang plano mo sakin?” Tanong ko habang naglilipat ng channel. I may look like a very spoiled brat right now, but news flash, I’m already a spoiled brat. Huminga nalang ako ng malalim habang naghihintay ako ng sagot ni Mama.   “As I said, dito ka titira. Lilipat ka sa school nina Troy. Dun sa Vernon High.” Ang corny naman ng name ng school. Naalala ko tuloy si Vernon na myembro ng kpop group na Seventeen. Alright, whatever. Tumango nalang ako sa sinabi ni Mama. Sanay na kasi ako sa paglilipat-lipat ng school. Kinuha ko nalang ang camera ko na nasa gilid ni Mama at tiningnan ang mga pictures dun. I love taking photos. “Anak..” Hindi ko pinansin si Mama at pinagpatuloy ang pagtingin sa camera ko.   “Nag-usap kami ng Papa mo.” Aniya. “’Wag mong sabihing nagkabalikan na kayo.” Sabi ko habang sineset ang menu ng camera ko.   “Hindi, anak. Kukunin ka niya.” Natigilan kaagad ako dahil sa narinig ko. Kukunin ako ng lalaking ‘yun? Binaba ko agad ang camera ko at tiningnan si Mama. Bakit naman naisipan pang mangialam sa buhay ko ang Papa ko?! I don’t even like that military stuffed-up guy.   “I hate to say the truth, but your father has more money that I have. Plus, narinig niya pa na palagi kang nagtr-transfer ng school. Nalaman ‘yun ng court at sinabi nila na kapag nagtransfer ka pa, mapupunta ka sa Papa mo. Iniisip kasi nila na hindi kita inaalagaan at dinidisiplina kaya ipapakuha ka nila sa Papa mo kapag nag-transfer ka ulit.” Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Mama. Tama ang sinabi ni Mama. ‘Yun naman talaga ang mangyayari sa akin. For the first time in my life, hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Mama. Ayokong mapunta sa Papa ko. I hate my Father. Ginulo ko nalang ang buhok ko. What am I gonna do now?   “Kaya you have to promise me sweetie. Magtino ka na.” I just kept my cool at tiningnan si Mama. Tumango lang ako kaya niyakap niya ako.   “I don’t want to lose you baby. Do this for me okay, honey?” Tumango lang ulit ako at tinapik ang likod ni Mama. Mahal ko ang Mama ko kaya hindi ko siya iiwan. Pero hindi ko maiipangakong magtitino ako. Kaya sa ngayon pa lang, I’m sorry, Ma. But I’ll try my very best. Ang hirap kayang magpanggap na hindi ka baliw.   ✥✥   Gabi na at sinabi ni Mama na aalis raw kami bukas para bumili ng mga gamit ko tsaka magpapasalon raw sila ni Tita Margie. Saturday kasi ngayon tsaka Sunday bukas. Obvious ba? Sa Monday raw, mag-aaral na ako sa Vernon High. Ang panahon at tadhana ay isang malaking g*go. Ang sarap sapakin. Nawala saglit ako sa pagmumura when I heard a bark. Oh? May aso pala sila dito sa bahay? Tiningnan ko ang shih tzu poodle sa harap ko. Cute bastard. Hahawakan ko n asana ‘yung aso pero may pumigil sa akin.   “Don’t you dare touch Arsie!” Nilayo niya kaagad ang aso sa akin at naglakad paakyat. Seriously? Malaki ang problema ng lalaking ‘yun sa aso niya o talagang galit lang siya sa akin? Ewan ko dun. Bahala siya sa buhay niya. Mahulog sana siya sa hagdanan.   “Pasensiya ka na sa anak ko, Astrid. Mabait naman ‘yun.” Tinago ko nalang ang mukha ko para umirap. ‘Yan ba ang sinasabi niyong “key” para tumino ako. E parang kailangan ring tumino ng lalaking ‘yun. Ewan ko, naiinis ako. Sobrang naiinis ako.   “Here.” Binigay ni Mama sa akin ang skateboard ko kaya kinuha ko kaagad ito at walang salitang lumabas sa bibig ko nung umalis na ako sa bahay. I hate that guy! If he hates me, well, let’s hate each other then. Ugh! Bakit ba ako naiinis? Hindi naman ako madaling mainis ah. Ah basta! Lagot sa akin ‘yung Troy na ‘yun. Habang nagsk-skate ako papunta sa park ng villa, napapansin kong may mga lalaking nagsk-skate dun sa swimming pool na walang tubig. Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang mga galaw nila.   “Wooo!! Kung nandito lang si T!” “Babalik ‘yun! Haha!” “Sinong chachallenge sakin habang wala pa si T!”   Sino naman ‘yung T na ‘yun? Did his parents run out of names and decided to stick to the alphabet instead? Oh well, tinaas ko ang kamay ko kaya tumingin silang lahat sa akin.   “’Yun oh! Si Chad chinachallenge ng babae!” inirapan ko lang ‘yung matabang kasama niya at finlip na ang skateboard ko and rolled down. “Wooo! I-live niyo ‘to sa f******k guys! Si Chad chinachallenge ng babae!” Ang sakit sa tenga ng sigaw ng tabachoy na ‘to. Tinanggal ko ang cover blouse ko at tinali sa bewan ko. Nakablack shorts kasi ako tapos white sleeveless top samahan pa ng nike shoes. Say? Oo. Alam ko maganda ako. Ang sarap ng pinupuri. Unang nagpasikat ‘tong Chad na ‘to. Ang daming hiyawan sa kanya kasi parang magaling naman siya. Oh well, nung ako na. Hindi naman ako nagpadaig. Pinakita ko lahat ng alam ko. I even flipped triple times on air. Which mad me win. Easy.   “Woooo! Natalo ka Chad!” Tinawanan siya nung tabachoy at tinuro-turo pa.   “Tumahimik ka nga!” Inis niyang sabit at hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin ko. Finlip ko ang board ko para masalo ito at aalis na sana ako pero natigilan ako dahil sa sinabi nila. “Andiyan na si T!” Oh, I won’t leave this place without challenging that T. Lumingon ako at nung nakita ko kung sino ang lalaking nagpapasikat sa board niya. He even flipped five times on air. Ang hirap gawin nun. Damn! He’s good! Nakacap kasi siya kaya nung tinanggal niya ang cap niya at lumapit sa akin at parang nalaglag ang panga ko at kailangan ko pang pulutin ‘to at ibalik. It was Troy.   “Umuwi ka na.” Kalmado niyang sabi habang ang tahi-tahimik naman ng paligid at nakikinig lang sila sa amin. Napabuga lang ako ng hangin. “Ba’t ka nandito?” Tanong ko sa kanya at bigla nalang umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin siya sa akin.   “Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan. Ba’t ka nandito? This is my territory.” Parang sinapian ako ng masamang espiritu na gusto ko siyang bugbugin gamit ang skateboard na hawak ko. Fine! Territory niyang mukha niya. Maghanda ka talaga sa akin Troy! -- - end of chapter 2 -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD