Chapter 48 ASTRID “Asan na si Max?” Tanong ni Troy. “Nasa closet ko. Kunin mo.” Sagot ko kaya tumayo naman siya kaagad at lumapit sa closet ko. Kinuha niya si Max sa loob at tiningnan ito ng maigi. “Ang dumi na nito ah. Ba’t ayaw mong labhan?” Tanong niya at tumingin lang ako sa kanya at ngumuso. “I promised myself na hindi ko lalabhan ‘yan hangga’t hindi ko nakikilala ‘yung nagbigay.” Sagot ko at natawa naman siya at tsaka lumapit sa akin. “Ngayon kilala mo na ang nagbigay nito, why don’t we wash it? Maalikabok na oh. Baka magka-infection ka kapag tinabi mo ‘to sa pagtulog. Oh, baka magkaroon ka ng mild allergies. Pwede ka ring mapuwing kapag hinawakan mo ‘to pataas. Madadamage ang contact lenses mo. Tsaka..” Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy siyang nagsasali

