Chapter 47 ASTRID “Ma’am, I want to take the exam again.” Tumingin kaagad sa akin ang prof namin na nakataas ang kilay. “Pero Miss Torres, the exams will be easy dahil nakita mo na ang mga questions.” “Then change the questions. Gusto ko pong i-take ulit ‘yung exam.” Pagpupumilit ko. I can’t go over prob-stat na naging 231th placer ako. Nakakasira sa pagiging matalino ko—este sa records ko. “Pero—” “Ma’am, alam ko pong hindi pa napapasa ang final result sa department. Just let me take the exam at aalis na ako.” Nakangiti kong sabi sa kanya dahilan para kumunot ang noo niya at tsaka na humarap sa akin. “Teka, paano mo nalamang hindi pa napapasa ang test results?” “Connections.” Tipid kong sagot habang nakangiti. May silbi naman pala si Hyeji at Ken Ken at hindi lang puro

