Chapter 46 ASTRID “B-Baby girl.” Lumingon kaagad ako kay Papa Cody na nakatingin sa akin. Hawak niya ang cellphone niya at alam kong nakita niya ‘yung post na ‘yun. Malungkot ‘yung mga mata niya kaya ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Busy ka yata ah.” Nakangiti kong sabi sa kanya. “C’mon. Don’t act as if masaya k—” Hindi ko na siya pinatapos at kinurot ko ang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko at nilapit ng kunti ang mukha ko para asarin siya. “Ang daldal mo! Uwi nalang ako.” Nakangiti kong sabi sa kanya at umalis na kaagad ako kahit may klase pa ako. Wala akong pake. Last place naman ako sa prob-stat kaya walang silbi kung papasok pa ako. “B-Baby girl.. ihahatid nalang kita.” Hinabol pa ako ni Papa Cody at hinawakan ang kamay ko pero tinanggal ko lang ‘yung kamay

