Chapter 36 ASTRID It’s graduation day at hindi makaka-uwi si Mama. Busy rin si Papa. At hindi ko alam kung masisiyahan pa ako o magtatago dahil sa mga dumalo sa graduation ko. Tito Jack, First Lieutenant Tito Maddox, Second Lieutenant Tito Argon, Captain Tito Jack, Colonel Tito Mir at Lieutenant General Tito Jul. Limit of two people lang ang dapat dalhin sa graduation pero magpapapigil ba ‘tong mga ‘to? Nag-salute ako sa harap ni Tito Maddox kaya ginulo niya ang buhok ko. “Tito Maddox! ‘Yung buhok ko!” Sambit ko. “Oops! Sorry.” Pinalo naman siya ni Tito Jul kaya inayos ko nalang ang buhok ko at bumaba na kami sa van. Ang daming tao sa school. It really is graduation day. Last batch na kami at ang kasunod namin na batch, naabutan na ng k to 12 program. Sumalubong sa akin s

