Chapter 35 ASTRID Gusto kong asarin si Troy ngayon. Wala naman kasing pasok. “Troll! Gising!” Sigaw ko at niyugyog ko siya pero nagtalukbong lang siya ng kumot. “Mamaya na, Kitty. Pinuyat mo ako kagabi.” Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Luh? Ano bang ginawa ko?” “You were sleep talking. Please, let me sleep.” Hinayaan ko nalang siya at kinamot ang batok ko. I was sleep talking? Nangyayari lang naman ‘yun kapag stress ako o pagod. Anyway, tiningnan ko siya ulit at dahan-dahan na tinanggal ang kumot sa katawan niya. Nakita ko kaagad ang mukha niya. Tulog na tulog. Humiga nalang ako sa tabi niya at naglaro sa cellphone ko. Hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako na may mabigat na bagay sa beywang ko. Dahan-dahan ko itong tiningnan at nakit

