Chapter 34 ASTRID “Sino?” Agad na tanong ni Tito Argon kaya napapikit nalang ako habang pinapaliwanag ni Lucy ang sarili niya. “Ahehe. Ganito kasi ‘yun Tito Arg—” “Astrid?” Yumuko nalang ako at kinamot ang ulo ko. Itong babae kasi ni Lucy eh. Ang daldal kung anu-ano sinasabi. Napasapo nalang ako sa mukha ko at tiningnan ko si Tito Argon with my puppy eyes. Please naman ‘wag kang magalit oh~ “With the—ewan! Jul! Ikaw humarap! Hindi ko kaya. Ang cute ng pusang ‘yan. Haist!” Inis na sabi ni Tito Argon kaya palihim nalang akong ngumiti nang umalis si Tito Argon. Sunod kong biniktima ay si Tito Jul. Nagpuppy eyes talaga ako sa kanya. Alam kong gagana ‘t— “Nope. Not working. Sino?” Agad niyang tanong kaya para akong binagsakan ng isang sakong semento. H-Hindi siya nadala sa k

