Chapter 68 ASTRID “If this was all an act? So meaning hindi sumama si Mama sa ibang lalaki?” Tanong ko kay Troy with high hopes na sasabihin niyang hindi totoo ‘yun. I was bracing myself kung ano man ang sasabihin niya. “A-About that.. I’m sorry. B-But it’s true.” Dahan-dahan na lang akong tumango at huminga ng malalim. “Pero hindi ako naniniwalang iiwan ka ni Tita. Let’s just wait for her call. Okay? For now, you need to rest.” Siniksik niya ako sa dibdib niya. I can hear his heart beating. And it’s beating fast. Kaya hinawakan ko ang dibdib niya at dinamdam ‘yung puso niya. Galit parin ako sa kanya. Gusto ko siyang itulak dahil ang bobo ng ginawa niya. Bakit niya pa kailangang gawin lahat ng ‘yun para lang dito? I wanted to curse him right in the face, pero ano bang maga

