Chapter 67 ASTRID Tiningnan ko siya na walang masabi. Nawindang ka ba sa mga sinabi ko? Tss. Kinarga ko na ang luggage ko at pumasok na ako sa kwarto ko. With me in my room, pinunit ko lahat ang pictures ni Mama. Winasak ko ang mga gamit ko. Sira na buhay ko edi sisirain ko na rin kung ano mang meron ako. Binuhos ko ang galit ko sa mga gamit ko. Sinaktan ko ang sarili ko. I was screaming on the top of my lungs. Napa-upo nalang ako sa carpet at sinabunutan ang sarili ko. “M-Mama.. h-how can you leave me like this?” Tinapon ko ang picture frame na naglalaman ng picture namin ni Mama. “Sumama ka sa ibang lalaki?! Eh ako?! Iiwan mo lang nang ganito?! Hindi na nga ako tinanggap ni Papa! Sinong tatanggap sa akin?! Sinong bubuhay sa akin?! Pababayaan niyo nalang ba akong ganito?!

