Chapter Eight

1000 Words
Hindi nakapasok si Liza kinaumagahan,para kasing sinugod ng isang batalyong bubuyog ang kaniyang mga mata dahil sa pamamaga sanhi ng walang katapusang pag-iyak niya kagabi,..kaya ngayong umaga sa kaniyang paggising halos naubos na ata ang kaniyang mga luha.Tahimik na ang buong kabahayan,wala siyang ingay na naririnig,walang nagpapalitan ng maaanghang na mga salita na may kasabay pang pagmumura,iyun na kasi ang alarm niya tuwing umaga at ang maagang paalmusal sa kaniya ng mga magulang,pero ngayon sobrang nakakapanibago sa kaniya ang lahat dahil nasanay na kasi ang kaniyang tenga at hinahanaphanap na ng kaniyang pandinig ang ingay,bangayan na nakakagisnan na niya tuwing umaga.Ngayon namamayani ang katahimikan sa buong kabahayan,malungkot pala!dahil mas ramdam niya ang pag-iisa.Hindi katulad noon kahit na maingay alam naman niyang hindi siya nag-iisa kahit pa wala siyang makuhang atensyon mula sa mga magulang subalit ngayon mas nakabibingi pala ang katahimikan,mas gugustohin na lang pala niya na maingay nalang kesa sa tahimik..napakalungkot!Yung pakiramdam na nag-iisa kana lang talaga..ang hirap pala!kahit yung inihanda na niya ang kaniyang sarili na darating ang araw ay mag-iisa nalang talaga siya,masakit pa rin pala!Hindi kasi siya handa kagabi,nabigla siya sa mga pangyayari hindi tuloy niya naihanda ang sarili na kagabi na pala ang araw na iyun na lagi niyang inilalagay sa kaniyang utak na dapat handa na siyang maging mag-isa sa buhay. Nagulantang si Liza ng marinig ang malalakas na katok sa pinto,mabilis na nakarating siya sa pintuan para buksan iyun.Biglang nabuhayan ng loob si Liza,bumalik ang kaniyang ama, ibig sabihin hindi pa rin siya natiis nito na maging mag-isa na lang.May pakialam pa rin sa kaniya ang ama kung ganun dahil bumalik ito. "Pa,Salamat naman at umuwi pa rin kayo,akala ko tuluyan na rin ninyo akong iiwan katulad ni Mama."mababakas ang kaligayahan sa mukha ni Liza akmang yayakapin nito ang ama ng matigilan ito at mapansin ang babaeng nasa likuran nito. May kasama ang kaniyang ama?napakunot noo siya at pinasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa.Napaismid siya sa pormahan ng babae,mukhang kung saan bar lamang ito napulot ng kaniyang ama,sa sobrang kapal ng make up nito ay nagmukha na tuloy itong clown sa circus lalo na sa nagkukulay mais nitong buhok na hindi naman bagay, at ang damit nitong tubless na halos lumuwa na ang mala-papayang boobs nito at tinernuhan ng maikling skirt na kapag tumuwad na ay makikita na ang koyokot nito. Ito ba ang klase ng babae na ipinalit ng kaniyang ama sa kaniyang ina. "Siya ang Tita Susie mo simula ngayon dito na siya titira."wika nito na dirediritso na. ring pumasok sa loob ng bahay. "Hi!My Dear!"nakangiting bati nito sa kaniya na sumunod sa kaniyang ama sa loob. Wala man lang talaga itong pasintabi sa kaniya.Ang kapal ng mukha. Nanggagalaiti na naiwan si Liza,muling nawala ang saya na kaniyang naramdaman ng makita ang ama dahil bumalik ito,iyun pala ay may kasama na itong babae sa pag-uwi. Mas lalong bumigat ang loob na kaniyang nararamdaman,dahil nagawa pa nitong umuwi ng babae sa kanilang bahay tanda na ipinapakita lang nito na wala talaga siyang halaga sa bahay na iyun!ang buong akala pa naman niya kaya ito bumalik ay dahil sa kaniya,iyun pala uuwi ito na kasama na ang kabit. Gusto ng magcollapse ni Liza parang hindi na niya kakayanin ang bigat na dinadala sa kaniyang dibdib. "Liza,ano ba tutunganga kana lang ba diyan?Ipaghanda mo kami ng makakain."sigaw ng kaniyang ama. Mabigat man sa kaniyang kalooban ay tinungo pa rin niya ang kusina at naghanda ng mailuluto niyang pagkain. "Tulungan na kita."wika ng kasamang babae ng kaniyang ama ng lumapit pumasok ito ng kusina.Hindi niya alam kung pagmamagandang loob ba ang iniaalok nito na tulungan siya. "Hindi na,kaya ko na ito"seryosong sagot ni Liza gusto niyang ipinaramdam sa babae na hindi ito welcome sa kanilang bahay,at hindi niya gustong naririto ito at humalili sa puwesto ng kaniyang ina,ang kapal naman ng mukha nito kung ganun. "Alam ko galit ka,at alam ko na hindi mo gustong naririto ako?" Napaarko ang kilay ni Liza"Buti alam mo"walang paligoy-ligoy na sagot niya. "Kaya lang kahit ayaw mo sa akin,wala ka ng magagawa dito na ako titira..sorry!" Huh!saan kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha ang babaeng ito,at may nalalaman pa itong pa-sorry drama effect para ano?para makuha ang kaniyang loob at tanggapin niya ito,Aba!sinisuwerte naman ang babaeng ito.. "Tanggapin mo man ako o hindi,Ako na ang bagong asawa ng ama mo,mahal ako ni Leo." Napatiim-bagang si Liza at padabog na inilapag ang hawak na kutsilyo sa ibabaw ng mesa,kailangan pa ba talaga nitong ipamukha sa kaniya na ito na ang bagong asawa ng kaniyang ama..talaga bang nanadya ito na lalo siyang masaktan,dahil ipinagmamalaki pa nito na mas mahal ito ng kaniyang ama kesa sa kaniya,at wala na siyang magagawa kundi tanggapin nalang ang lahat dahil ito na ang bagong asawa ng kaniyang ama,iyun ba ang gustong palabasin ng babaeng ito at siya ay walang kwenta at isa lang sampid. That bullshit!gustong magwala ni Liza at ilabas ang lahat ng kaniyang hinanakit at galit sa kaniyang puso pero hindi niya magawa,kasi tiyak na hindi uubra iyun sa kaniyang ama at baka siya pa ang palayasin nito sa kanilang bahay. "So,anong gusto mong palabasin ngayon?na tawagin kitang mama,nanay,mommy,ganun ba?"tanong niyang may halong pang-iinsulto sa babae. "puwede naman kung yun ang gusto mo,tutal Ate ka na ng magiging anak namen ni Leo?" Ano?buntis ang babaeng ito at ang kaniyang Papa ang ama ng dinadala nito?talaga ba?Gustong muli na pumalahaw ng iyak ni Liza,talaga bang hindi na siya tatantanan ng problema,hindi niya alam kung matatawag ba niyang kakampi ang kaniyang mga problema kasi ito nalang ang hindi siya binibitawan,nanatili pa rin sa kaniya at lalo pang dumagdag sa bigat ng dinadala niya sa kaniyang dibdib. Nakakabaliw na! "Sorry,Liza."anito saka siya iniwan. Hindi niya alam kung dahil pa sa sibuyas na kaniyang hinihiwa kung bakit siya umiiyak o dahil sa panibagong problema na naman na kaniyang papasanin. Ano na kaya ang magiging papel niya sa bahay na iyun ngayong may bago ng pamilya ang kaniyang ama at magkakaanak pa ito ng tunay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD