Chapter Seven

1000 Words
Nabigla si Liza sa kaniyang pag-uwi ng madatnan ang kaniyang ina sa sala at may bitbit ng dalawang maleta. Napakunot noo siya?Saan naman ito pupunta?napakaimposible naman ata kung pupunta ito sa isang tour job na dalawang maleta ang dala. "Ma?" "Oh mabuti dumating kana, tulungan mo nga akong maihatid sa sakayan ng pedicab at mabigat itong mga dala ko!" "Saan ho kayo pupunta?" "Hindi ka naman siguro bulag,hindi ba?"pasinghal na wika nito."Obvious naman hindi ba na lalayas na ako sa bahay na'to." "Ho?"gulat na gulat si Liza. Ito na nga ba ang araw na kaniyang kinatatakutan na mangyari ang tuluyang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang na matagal na niyang nahihinuha noon pa man. "Ba..bakit ho kayo aalis,saan kayo pupunta?" "Wala ka ng pakialam dun kung saan ako pupunta." "Pero Ma,hindi na ba talaga kayo magkakaayos ni Papa,baka puwede nyo pang ayusin ito." "Tumigil ka nga! aalis na ako sa bahay na ito at iyun ang desisyon ko." "Ma,huwag mo itong gagawin,please maaawa ka!"pagmamalaawani Liza sa kaniyang ina. "Ano ba?ang sabi ko tulungan mo akong bitbitin ito papunta sa labasan,hindi yung nagdadrama ka diyan." Mukha ba siyang nagdadrama sa lagay na iyun. "Ma,huwag mo akong iwan."umiiyak na si Liza habang pinipigilan ang kaniyang ina na hindi umalis sa bahay na iyun. "Ano ba?bitiwan mo nga ako!"galit na pumiksi ang kaniyang ina ng hawakan niya ito sa braso upang pigilan. "Paano na ako,Ma?" "Aba'y matanda ka na,kaya muna ang sarili mo."sigaw nito sa kaniya. "Ma,please.." "Bahala ka na sa buhay mo,tama na ang maraming taon ng pagsasakripisyo ko sayo." "Ma,"nasaktan si Liza sa mga binitiwan kataga ng kaniyang ina. Hindi niya akalain na makakapagbitiw ito ng mga ganuon salita. Kung makapagsalita ito parang hindi siya nito anak,utang na loob pa pala niya na nagsakripisyo ito sa kaniya ng maraming taon gayung ina naman niya ito,kasalanan ba niya na ipanganak siya nito sa mundo,,kailangan ba na ipamukha nito sa kaniya ang bagay na iyun.Hindi naman niya nakakalimutan ang mga pagsasakripisyo nito sa kaniya kahit na katiting ay hindi man lang nito ipinaramdam sa kaniya na mahal siya nito.Gayun pa man ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa kaniyang ina sapagkat pinapahalagahan naman talaga niya ang pagsasakripisyo nito sa kaniya. "Kaya umalis ka diyan sa daraanan ko!"sigaw nito. Patabig nitong tinulak ang kaniyang katawan ng harangan niya ang daraanan nito. "No! huwag ninyo akong iwan,anak ninyo ako,Ma!Bakit ginagawa nyo sa akin ito?" "Ano ba?"galit na binaklas nito ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso nito."napupuno na ako sa kakulitan mo Liza." "Hindi ninyo ako puwedeng iwan,anak ninyo ako,Ma!Paano ako?" "Hindi kita anak!"sigaw nito na nakulitan na sa dalaga kaya. Nagimbal ang buong pagkatao ni Liza sa narinig mula sa kaniyang ina.Nagbibiro lang ba ito?Oh dahilan lamang iyun ng kaniyang ina para huwag na siyang mangulit pa at makawala na ito sa kaniya kaya nasasabi nito ang bagay na iyun!masakit na biro iyun? "Ma," "Oo!hindi kita anak! hindi ko alam kung saan lupalop ka galing,pagdating ng ama mo bitbit ka na niya dito sa bahay." Isang pasabog iyun mula sa kaniyang ina na hindi kayang tanggapin ng puso at isip ni Liza.Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa ng mga sandaling iyun,pakiramdam niya nasa kaniyang leeg nalang ang natitira niyang hininga sapagkat nagsusumikip na ang kaniyang dibdib sa sobrang bigat na kaniyang nararamdaman hindi makapaniwala sa rebelasyong isiniwalat ng kaniyang ina.Ganito na ba katindi ang galit nito sa kaniyang ama upang pati siya ay madamay at gumawa ng kuwento. "Sa .sabihin ninyong hindi totoo ang lahat ng sinabi ninyo?" "Bahala ka sa buhay mo! basta hindi ka galing sa matris ko!" "Kaya ganun na lang ba ang pagtrato ninyo sa akin?"puno ng hinanakit na tanong ni Liza."kaya ba kahit minsan hindi man lang ninyo ako nagawang mahalin?" "Oo! dahil hindi kita anak! kaya huwag na huwag mo akong pipigilang umalis." "Ang lupit nyo!" "Huh! Magpasalamat ka dahil kinupkop pa rin kita, kahit hindi ko alam kung san ka pinulot ng kinikilala mong ama." Halos nanlalabo na ang mga mata ni Liza na animo walang tigil sa pagbuhos ng ulan ang namamalibis na mga luha nito. Sobrang sakit para sa kaniya ang malaman ang buong katotohanan na isa lamang pala siyang ampon.Talaga palang napakamalas niya dahil hindi naman pala siya tunay na anak ng kaniyang kinikilalang mga magulang.Kaya naman pala kahit anong pagpupumilit niya na mahalin ang mga ito ay wala siyang nakukuhang sukli ng pagmamahal dahil walang anumang dugong nanalaytay sa kanilang katawan. "Mauubos lang ang mga luha mo pero hindi mababago ang katotohang hindi ka namen tunay na anak." "Kailangan mo pa ba talagang ipamukha sa akin ang bagay na iyan."puno ng hinanakit na wika ni Liza. "Para magising ka sa katotohanan at tanggapin sa sarili mo na hindi ka isang Belgica." "Tama na!"sigaw ni Liza"Oo na! hindi ninyo ako anak,okay na ba yun?sige na!umalis na kayo?"pagtataboy ni Liza sa inaakala niyang ina na buong buhay niya ay kaniyang pinaniniwalaan. "Talaga! aalis na ako sa letseng bahay na ito!"anito at padabog na hinila ang maleta. Hindi na ito pinigilan pa ni Liza hinayaan na niya na lisanin nito ang bahay,wala naman dahilan para pigilan pa niya ang inaakala niyang ina,matagal ng panahon na pinaniwala siya ng mga ito sa isang masaklap na kasinungalingan.Kaya pala ganun na lang ang pagtrato ng mga ito sa kaniya dahil hindi naman pala niya ito tunay na mga magulang. Ang lupit talaga sa kaniya ng mundo,hindi na nga niya naranasan ang pagmamahal ng isang magulang tapos gugulatin pa siya ng masakit na rebelasyong isa lang pala siyang ampon.Ang saklap naman ng kaniyang buhay! Napaka-unfair talaga ng mundo sa kaniya! Matagal sa ganuong ayos si Liza,nakasalampak sa sahig habang sabog ang buhok at namumugtong mga mata na akala mo ay sinugod ng libo-libong putakti dahil sa walang tigil na pag-iyak. Siguro kahit ata kasing dami ng patak sa ulan ang mga luhang nagmamalisbis sa kaniyang mga mata ay wala na rin naman mangyayari pa,masakit man para sa kaniya na tanggapin ang lahat ngunit hindi na niya mababago pa ang katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD