Chapter Six

1001 Words
Pagod na pagod na ang utak ni Liza dahil sa problema sa kaniyang magulang.Nakakarindi na kasi,wala ng pinipiling oras ang mga ito sa pag-aaway.Nakakahiya na sa mga kapitbahay sa pagiging eskandalosa ng mga ito dahil kahit hatinggabi ay nagbabangayan ang mga ito.Pati mga kapitbahay ay hindi na binigyan ng mga ito ng katahimikan para makatulog man lang ng mahimbing.Parang mga walang pinag-aralan nasabi pa naman na mga edukadong tao pero kung magpalitan ng mga maaanghang na salita ay dinaig pa ang mga tsismosa sa kanto. Wala na ba siyang kapahingahan sa bahay na ito.Kinuha ang dalawang unan at itinakip sa magkabilang tenga,ngunit hindi papatalo ang boses ng kaniyang ina dahil pilit na nagsusumuot sa kaniyang pandinig ang nakakairita na nitong pagtutungayaw. "Uuwi ka rito kung kailan at anong oras mo gustuhin dahil mas nagbababad ka doon sa babae mo." "Tumigil ka!ang bunganga mo,marinig ka ng mga kapitbahay." "Ah ganun!sa mga kapitbahay marunong kang mahiya pero sa akin hindi." "Bahala ka sa buhay mo!izipper mo yang bibig mo at matutulog na ako." "Napakawalanghiya mo talaga!" Gustuhin man niya na labasin ang kaniyang mga magulang upang sawayin ang mga ito subalit wala din naman siyang power para mapatigil ang mga ito sa pagbabangayan. Minsan nga nahiling na lamang niya sa kaniyang sarili na sana minsan ay maging isang fairy siya upang magkaroon siya ng power na ma-izipper niya ang mga bibig nito para kahit isang saglit lang ay magkaroon ng katahimikan sa kanilang bahay o di kaya naman maging si kupido na lang siya para muling panain niya ang puso ng mga ito upang magkaroon muli ng pagmamahal sa bawat isa. Sana ganun lang kadali gawin ang mga bagay na gusto niya maisakatuparan para sa mga magulang.Dahil habang tumatagal ang pagsasama ng mga ito ay mas lalo lang nagiging malala. Hindi na niya alam sa kaniyang sarili kung ano na ba ang dapat niyang gawin bilang isang anak gayung ang tingin naman ng mga ito sa kaniya ay walang silbi. Puyat ang inabot ni Liza kinaumagahan dahil hindi na naman siya nakatulog ng maayos kagabi kaya tulog pagdating sa klase ay inaantok siya.Hindi tuloy siya makapagpokos sa nilelecture ng kanilang guro.Parang hinihila talaga ng antok ang kaniyang mga mata. "Mrs.Umali!"sigaw ni Mrs.Santos sa nakatulog na talaga na si Liza."Mrs Umali"muling dumagundong ang boses nito. Naalimpungatan si Liza ng marinig na tinawag ni Mrs.Santos ang kaniyang apelyido. "Mam?" "Miss Belgica,baka kailangan mo ng unan at blanket para maging maayos ang pagtulog mo."mataray na wika ni Mrs.Santos,nakaangat pa ang mga kilay nito na nakatingin sa kaniya. Medyo namula ang pisngi ni Liza dahil sa sinabing iyun ni Mrs.Santos.Hindi talaga niya mapigilan ang kaniyang antok,kaya nakaidlip siya ng hindi niya nalalaman. "I'm sorry,Mam!"nahihiyang paumanhin niya sa guro dahil nakatulog siya habang naglelesson ito sa harapan. "Saan na ba ang narating mo Ms.Belgica?"nakakalokong tanong ni Janet. "Sa susunod Ms.Belgica,kung matutulog ka lamang sa Subject ko huwag ka ng pumasok." "Sorry ho!" "San ka ba kasi nagdisco kagabi,Liza?sana sa susunod isama mo naman kami. ,di ba guys?"anang isang kaklase niyang lalake na hindi pa niya kilala sa pangalan ngunit ang hitsura nito ay halatang alaskador na. "Yeah,right!"segunda ng iba niyang kaklase. "Don't be selfish,Ms.Belgica"wika naman ng isa. "Baka naman estudyante sa umaga,dancer sa gabi."anang isang kaibigan ni Janet. Nagpanting ang mga tenga ni Liza sa kaniyang narinig gusto niyang auguring ang kaniyang kaklase at bigyan ito ng sample para malaman nito ang sinasabi nito tungkol sa kaniya.At kung wala lamang si Mrs Santos baka hinila na niya ang maduming dila nito dahil hindi na maganda ang lumalabas sa bibig na mukhang kailangan ng eskobahin para matanggal ang dumi. "Tumigil kayo?"Singhal ni Mrs.Santos sa kaniyang mga kaklase."Ms.Belgica,ayoko ng maulit ito sa subject ko,ayokong may estudyante na patulog-tulog lang." "Yes Mam!"mahinang sagot ni Liza. Pasimple siyang tumingin sa dako ng kaklase niyang babae at binigyañ ito ng masamang tingin.Akala ata ng babaeng ito palalampasin niya ang pagbitiw nito ng salita tungkol sa kaniya na hindi naaayon sa kaniyang pandinig. Inirapan lamang siya at tila nagmamalaki pa. "Humanda ka mamaya!"bulong nito sa kaniyang sarili. Hindi lahat ay kakayanin na lamang ng mga ito,hindi siya katulad ng iba niyang kaklase na mga duwag at hindi kayang lumaban,pwes!ibahin siya ng mga ito.Siya yung taong hindi magpapatalo at hahayaan na lamang niya na bulihin siya ng mga ito.Hello!huwag siya! Kaya ng umalis si Mrs.Santos ay kaagad na nilapitan niya ang kaklaseng babae. "Ano bang problema mo sa akin?inggit ka ba? gusto mo rin magdancer?" Nakaangat ang kilay nito na hinarap siya. "Excuse me!huwag mo nga akong itulad sayo,isang putik!" "Ah ganun ba?putik ba ika mo?"gigil na wika ni Liza."oh ito,isaksak mo sa bibig mo."ani Liza na ibinusal sa bibig ng kaklase niyang babae ang isang kusot na papel. "Aba't!matapang ka ah?"wika ng isa na to the rescue naman sa kaibigan na binusalsalan ni Liza ng papel ang bibig. "Oh my!tili nito na halos mangalaiti sa galit dahil sa ginawa ni Liza. Akmang susugurin nito si Liza ng bigla naman itong hilahin ni Liza sa braso at pinilipit iyun sa likuran nito. "Sige!subukan mong kampihan tong kaibigan mo dahil yang dila mo naman bubunutin ko." "Matapang ka ah!"anitong nagtatapang-tapangan pa pero napangiwi naman sa sakit. "Bago ka pa lang pero mayabang kana!"ani Janet ngunit hindi naman makalapit Kay Liza. "Sige!Subukan ninyo Ako para malaman ninyo?"paghahamon ni Liza. "Booo!"kantyaw ang lahat ng kanilang mga kaklase sa ginawa ni Liza. Hindi makapaniwala ang mga ito na may katulad ni Liza na maglalakas ng loob na gawin iyun sa kanilang kaklase.samantalang sila takot na masagi man lang ang mga ito dahil katakottakot na resbak na ang gagawin sa kanila. Bilib sila sa tapang ni Liza. "Wala!"kantyaw ng Joshua sa tropa ni Janet."Wala pala kayo Kay Liza eh!" "Tumigil ka,Joshua!"sawata ni Janet na tiningnan ng masama si Joshua. "Oh!bakit?tyupi kayo ngayon,si Liza lang pala ang katapat ninyo?"pang-aalaska pa nito. "Sa susunod ,ayusin mo ang pananalita mo,huh?"ani Liza sa kaniyang kaklase na siyang nagsalita na hindi niya nagustuhan."nakakapanting ng tenga,eh!sakit pakinggan!"aniya bago nito patulak na binitawan ang kaniyang kaklaseng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD