Chapter Five

1000 Words
Tamad na tamad na ibinagsak ni Liza sa ibabaw ng mesa ang mga ipinagbalot na pagkain sa kaniya ng ina ni Fia. Ayaw naman sana niyanh tanggapin kaso mapilit ito kaya wala siyang nagawa kundi dalhin na lang. "Bakit ngayon ka lang?" Paninita ng kaniyang ina na nakapameywangan pa. "Traffic!"maikling sagot lamang niya. Hindi na niya kailangan pa sabihin sa kaniyang ina kung saan siya galing at tiyak na magsisimula na naman ito na talakan siya. "Kanina pa kita hinihintay at ako'y nagugutom na." Napasimangot si Liza,bakit hindi na lang ito kumain kung nagugutom na hindi naman niya dala ang kaldero,bakit kailangan pa siyang hintayin.Ay 'oo nga pala"kahit naman nagugutom na ito ay never naman itong magtatangka na humawak man lamang ng sandok o kaldero para magluto,magpapakagutom na lang ito keysa magluto. "Ano ito?"tanong ng kaniyang ina ng makita ang dala niyang nakabalot na nakapatong sa lamesita. "Pagkain ho!"walang ganang sagot niya. Napapansin lang naman siya nito kapag gutom at uutusan siyang bumili ng pagkain sa labasan o hindi naman kaya kapag may kailangan ito na ipagawa sa kaniya. "Mabuti naman may dala kang pagkain kanina pa talaga ako nagugutom." Walang sagot mula kay Liza,naiinis siya sa kaniyang ina,hindi bale talaga itong magutom huwag lang magluto. Hays!bigla tuloy niyang namiss si Yaya Martha,ang taong simula ng iluwal siya ay ito na ang nagpalaki sa kaniya.Mas naramdaman pa niya ang totoong pagmamahal ng kaniyang yaya keysa sa kaniyang ina. Bata pa lamang siya maramot na talaga ang kaniyang ina sa pagmamahal sa kaniya,hindi man lamang niya naramdaman mula rito ang yakap na pagmamahal na matagal na niyang inaasam noon pa. Kaya naman noong walong taon siya ay natatandaan pa niya na halos magwala siya ng magpaalam si Martha na aalis na para umuwi ng probinsya dahil ayaw niya itong payagan umalis sapagkat alam na niya ang mangyayari kapag umalis si Martha ng bahay.Si Martha lamang ang kakampi niya at nagpaparamdam sa kaniya noon na hindi siya nag-iisa.Subalit darating din pala ang araw na iiwan siya nito. At doon niya naramdaman na nag-iisa na lamang talaga siya,sa edad na walo ay pinilit niya matuto sa lahat ng bagay dahil wala naman siyang aasahan mula sa kaniyang ina,pakiramdam nga niya ng mawala si Martha sa kanilang bahay ay siya na ang humalili sa mga iniwan nitong gawain.Mabuti na lang kahit papaano ay tinuruan siya ni Martha na maging independent sa sarili kaya kinaya niya ang lahat kahit wala na si Martha. May namuong luha mula sa kaniyang mga mata,namiss niya ito bigla.Nasaan na kaya si Martha?Sana minsan maisipan man lang siya nitong dalawin o maligaw man lang sa bahay nila. "Hoy!ano na naman kadramahan mo yan?"asik nito sa natutulalang si Liza na pumitik pa ang mga daliri malapit sa mukha ng dalaga. "Huh!"napapitlag ang dalaga at naramdaman na lang ang mamasamasang mga mata,hindi niya namalayan na pumatak na pala ang kaniyang mga luha. "Ano pa tinatanga mo diyan,imbes na nagdradrama ka ay ipaghanda muna ako ng pagkain."wika ng kaniyang ina na nakapameywangan pa. Walang imik na tumayo siya at dinampot ang dalang pagkain saka tinungo ang kusina.Nakaramdam ng pagkainis si Liza ng bumulaga sa kaniya ang hitsura ng kanilang lababo na akala mo ay nagmamay-ari sila ng restaurant sa tambak ng hugasin,ah teka!karinderya lang pala kasi wala naman pala kakayanan magpatayo ng restaurant ang kaniyang mga magulang dahil kulang pa ang sinasahod ng mga ito pantustos sa kanilang mga luho. Matapos ilagay sa plato ang mga pagkain na kaniyang dala ay balak na sana niyang sigawan ang ina upang tawagin ngunit bago pa niya iyun nagawa ay nakapasok na ito ng kusina. Tinalikuran niya ito at sinimulan ng linisin ang mga hugasin,gusto niyang magdabog ngunit kahit gawin niya iyun wala din naman mangyayari dahil siya pa rin ang maglilinis at maghuhugas ng mga iyun. "Pakatapos mo diyan labhan mo yung uniporme ko at gagamitin ko bukas." Hindi siya tumugon ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa. "Pati yung sapatos ko pakintabin mo." Wala naman bago isa lang naman ang litanya nito sa bahay pagdating sa kaniya,labahan mo yung damit ko,pakintabin mo yung sapatos ko,gawin mo ito,ipaghanda mo ako ng pagkain"memoryadong-memoryado na iyun sa kaniyang utak. "Psst..aba't." Napaigtad siya ng may tumama na isang bagay sa kaniyang ulo.Napatiim bagang siya ng isang hiwa ng karne iyun,na binato ng kaniyang ina. "Ano napipi ka na at hindi ka na nakakapagsalita diyan"asik nito. Nilingon niya ang kaniyang ina. "Ano ba gusto ninyo sabihin ko?" "Aba..umayos ka huh!"pinandilatan siya nito ng mga mata at muli siyang binato ng hawak nitong hiwa ng karne. "Ano ba?nagsasayang kayo ng pagkain." "Wala kang pakialam sa gusto kung gawin,kahit itapon ko pa ito sa pagmumukha mo." Nakita niya ang pangigigil sa mukha ng kaniyang ina,at kapag sinabi nito ay gagawin talaga nito. "Pasensya na,pagkatapos ko ng gawain dito,saka ko gagawin ang inuutos ninyo."nakatungong sagot niya para huwag na itong magbunganga pa. "Ayan!matuto kang sumagot,nawalan na tuloy akong gana kumain..letse!" padabog na tumayo ito at basta nalang iniwanan ang pinagkainan. Pumatak ang mga luha ni Liza habang nililigpit ang mga pagkain sa mesa.Bakit ba ganun nalang kung tratuhin siya ng kaniyang ina,para ba siyang ibang tao kung pagsalitaan nito at para siyang isang katulong lang sa bahay na taga-silbi sa mga ito. Kahit nandiyan ang kaniyang ama ay hindi man lang nito magawa na ipagtanggol siya sa kaniyang ina kapag pinagsasalitaan na siya ng hindi magaganda,para lang itong bingi na walang naririnig.Ganun kalupit sa kaniya ang mga magulang,ipinapamukha pa sa kaniya na wala siyang halaga sa mga ito.Ang sakit di ba?kaya hindi niya maiwasan na hindi mainggit sa iba, lalo na kapag nakikita niya kung paano tratuhin ng may pagmamahal ng isang ina ang kaniyang anak.Minsan nga nahiling na lang niya na sana siya nalang yung nasa puwesto ng mga anak na masusuwerte sa kanilang mga magulang.Yung handang ipagkaloob ang walang katumbas na pagmamahal para sa kanilang mga anak.At sa bawat araw ng kaniyang buhay ay ipinagdarasal niya sa Panginoon na sana paggising niya isang araw isang mapagmahal na magulang na ang kaniyang mamulatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD