Chapter Four

1001 Words
"Liza!"tawag ni Fia kay Liza ng makita ang bagong kaibigan na pasakay na ng motorsiklo nito. Napalingon si Liza,at naudlot ang akmang pagsakay nito sa kaniyang motorsiklo ng marinig ang tawag ni Fia. "Oh Fia!bakit?"Liza asked Fia. "Ahm..gusto sana kitang yayain muna sa bahay para magmeryenda at para ipakilala na rin sa parents ko."nakangiting yaya ni Fia. "Huh!" "Sige na,please!pumayag kana tutal naman maaga pa"anito na pinagsalikop pa ang dalawang palad..at tila nagmakaawa pa kay Liza "Sige!"pagpayag ni Liza tutal naman eh maaga pa para umuwi,wala din naman siyang gagawin sa kanilang bahay kundi ang magmokmok,wala din naman siyang makakausap doon dahil kahit pa nandiyan ang kaniyang mga magulang parang invisible din naman siya sa mga ito..kahit pa magtangka siyang kausapin isa sa mga ito ay para itong mga nakaheadset mga walang naririnig..mapapansin lamang siya ng mga ito kapag may iuutos. "Sundan mo lang yung kotse para makasabay ka at malaman mo kung saan ang bahay namen para hindi kana mahirapan maghanap." "Ok!" Binagalan lang nga naman ng driver nina Fia ang takbo nito upang makasabay siya ang kaso lang naiinip naman siya sa sobrang bagal..haisst!hindi siya sanay na mabagal ang pagpapatakbo niya ng kaniyang motorsiklo.. Wew!salamat nakarating din sila sa wakas..Napawow!si Liza sa sobrang laki ng bahay nina Fia,,baka nga ang garahe ng bahay nito ay kasing laki lang ng kanilang bahay..Bumukas ang malaking gate,napahinto pa si Liza nag-alanganin siyang ipasok ang motorsiklo para namang nakakadyahe..iwan nalang kaya niya dito sa labas at iparking lang sa tabi ng gate..hindi naman iyun pag-iinteresang nakawin.Ngunit suminyas si Fia na ipasok ang kaniyang motorsiklo siguro nakita ang kaniyang pag-aatubili na ipasok iyun. Halos malula si Liza ng iikot ang mga mata sa kapaligiran ng bahay nina Fia,super nakakalula ,super yaman pala ito sina Fia pero hindi halata sa kaibigan,napakasimple lang nito lalo na sa pananamit,hindi mo rin kakikitaan na maraming suot na accessories sa katawan,kaya hindi niya inaakalang ganito kayaman ang bagong kaibigan. parang gusto niyang manliit lalo na ng pumasok sila sa loob ng kabahayan,natatakot siya na baka may masagi siya isa mga kagamitan roon,naku!wala siyang malaking halaga para ipambayad kung sakali..kaya ilag na ilag siya na makadikit man lang ang mga dulo ng daliri sa mga mamahaling plorera na nakadisplay doon malapit sa sopa na mas malambot pa ata kesa sa kaniyang kama na ginagamit sa kanilang bahay. "Maupo ka muna,magpapalit lang ako ng damit huh!" "Sige!"ngunit gusto sana niyang pigilan si Fia at sabihin rito na huwag siyang iwanan..masyadong nakakailang na maiwang mag-isa sa bahay na iyun lalo na at expensive ang mga kagamitang naroroon,kahit pa sabihing hindi naman siya mangingialam ng mga gamit ay nakakailang pa rin. "Hello!'bati sa kaniya ng isang medyo may edad ng babae ngunit makikita pa rin ang ganda at class nito base sa suot na damit at mga kilos. Napaangat ng puwet si Liza,Hindi alam ang sasabihin,parang naputulan siya ng dila at hindi makapagsalita.Hay bakit ba talaga siya nagpaiwan kay Fia hindi siya sanay ng ganito yung may makaharap na mga taong angat sa buhay at mga sosyalera...Isang simpleng mamayan lamang siya na nakatira sa maliit na bahay,piping usal ni Liza,pero bakit para na siyang mamatay eh!wala naman sa kaniyang ginagawa..at wala naman siyang ginawang hindi maganda para matakot siya at kabahan.. Chill,Liza!Hindi ka lang sanay makiharap sa mga taong mayayaman pero hindi ka masamang tao para hindi mo magawang humarap sa kanila,ok!kausap ni Liza sa sarili. Tumayo si Liza at nagbigay galang sa dalawang matanda na sa kaniyang hinuha ay siyang mga magulang ni Fia. "Hello po!Kumusta po!ako po ang bagong kaibigan ni Fia."wika ni Liza na nahihiya pa. "Really!"hindi maipaliwanag ang kasiyahan sa mukha nito at bigla siya niyakap na ikinagulat naman ni Liza medyo nailang talaga si Liza gusto niyang ilayo ang sarili sa ginang lalo na at hindi niya alam kung anong amoy na niya sa buong maghapon ba naman pinagpawisan at kung ano anong amoy na ang dumikit sa kaniyang katawan..nakakahiya! "Ma,Pa!" Hay!salamat!nakahinga ng maluwag si Liza ng dumating na si Fia..kaya kumalas na ang ina nito sa pagkakayakap sa kaniya. "Masaya ako,anak para sayo." "ako din ma,I'm so happy,kaya nga isinama ko dito si Liza para makilala ninyo" "Liza,sila ang mga magulang ko!and Ma,Pa,siya naman si Liza ang tumanggap sa akin"tila naluluhang sabi ni Fia.. Naguguluhan man si Liza pero hindi niya magawang magtanong,Bakit kaya?Siya lang ba talaga ang naging kaibigan ni Fia kaya para itong mga tumama sa lotto ng malaman kaibigan siya ng anak nito. "Nagtataka ka siguro,hija!kung bakit ang saya-saya namen,dahil maniwala ka man o hindi ngayon lang may muling nakipagkaibigan sa anak ko.."paglalahad ng ina ni fia. Tumango si Fia bilang pagkumpirma na totoo ang sinasabi ng ina nito. "Matagal na panahong nawalan ng kaibigan si Fia,ngayon na naman lang uli siya nagkaroon at labis-labis ang kasiyahan ko dahil tinanggap mo sya bilang kaibigan." "Bakit naman ho hindi,eh!mabait naman ho si Fia,katunayan siya lang ho ang unang pumansin sa akin pagpasok ko." "Salamat,Liza.."sabad naman ng ama ni Fia. Ngumiti si Liza,Hindi man niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nawalan ng mahabang panahon ng kaibigan si Fia,alam naman niyang malalaman din niya mula kay Fia ang lahat....Sa ngayon wala naman siyang dapat na ikabahala pa kung bakit ito walang kaibigan na tumatanggap dahil sa tingin naman niya mabait si Fia,at saka ito lang ang pumansin sa kaniya pagpasok niya kanina,kung hindi siya nito pinansin baka wala rin siyang kaibigan ngayon sa kanilang room. Masayang ipinaghanda sila ng ina ni Fia ng pagkain,Ito pa talaga mismo ang nagluto,masayang nakisali pa ang mag-asawa sa kanila ni Fia,nakipagkuwentuhan at nakikipagbiruan pa ang mga ito,at doon pa lang naramdaman na ni Blu na mabait ang Pamilya ni Fia..Makikita ang masayang pagsasama ng mga ito bilang isang buong pamilya,hindi katulad niya, hindi man lang ipinaranas sa kaniya ng mga magulang na maging masaya kasama ang mga ito na kumain sa labas o mamasyal man.Lagi nalang siyang naiiwan sa bahay at nag-iisa.Kahit na ayaw niyang makaramdam ng inggit kay Fia pero hindi niya iyun maiwasan,napakasuwerte nito sa mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD