Kahit puyat kagabi ay maaga pa rin na nagising si Liza,nakakahiya naman Kasi kung mauna pa sa kaniya magising ang mag-asawa saka kailangan din naman niyang tumulong doon kahit papaano. Sinuklay lamang ang buhok at lumabas na ng kuwarto. "Magandang umaga ho!"bati niya sa komadrona na si Aleng Babang. "Aba ay kaagad naman ng gising mo anak!"anito. Nadatnan niya itong naghihiwa ng mga gulay sa kusina.Mabait si Aleng Babang nakagaanan din niya ito ng loob dahil palagi na rin naman siya sa bahay nina Fia,kapag labasan na sa school ay dumidiretso muna siya kina Fia upang makagawa ng mga projects dahil kapag doon sa kanilang bahay ay hindi naman siya makakapagconcentrate. At ngayon pansamantalang dito na siya nakatira kina Fia siguradong mas mapaoalapit siya sa mga nakatira doon dahil mababa

