"Masarap bang sumakay sa kotse,Liza?"tanong ni Janet na nakangisi. Umangat ang isang kilay ni Liza,pati ba naman pagsakay niya sa kotse ay sipat-sipat na lang ng babaeng ito.Ano ba ang akala ng bruhang ito first time niyang sumakay sa kotse. "Ano naman sayo kung sumakay ako ng kotse?" "Kunsabagay!hindi ka na kakain ng alikabok kapag sa kotse unlike sa motorsiklo nga naman langhap mo ang lahat ng alikabok!" "Kaya kinaibigan si Fia para masabing kalevel na natin sya."nakairap na wika ni Sally."Ambisyosa!" Nagpanting ang tenga ni Liza sa tinuran ni Sally ngunit nahawakan kaagad ni Fia ang kaniyang mga kamay tanda na huwag na niyang patulan ang mga ito. Nagpatianod naman siya sa kaibigan pinilit pigilan ang sarili na huwag patulan ang mahahadera niyang mga kaklase. "Bilib ako sa fightin

