CHAPTER 2

2883 Words
Kumalma at ngayoy tulog na ang pasyente! Maya mayay dumating na rin si Cedric!agad namang ikinwento ng matanda ang mga nangyari! ~~~~ Kausap ni Cedric ang doctor! "ano pong nangyari sa kanya Doc?------bakit wala siyang maalala?-----"si Cedric! "iho sa mga nagawa kong mga test at ipinakunsulta ko na rin sa mga kasamahan kong doctor....siya ay nagtamo ng temporary lost of memory----maaari natin itong tawagin na amnesia pero kailangan pa rin nating obserbahan nang sa gayoy malaman natin kung anong nagpapalala sa kalagayan niya---"paliwanag ng doctor! "ganon ho ba?----eh ano po bang pwedeng mangyari sa kanya doc?----"tanong ulit ng binata! "maaring kahit kailan ay di na bumalik ang mga ala-alang nabura sa isipan niya----and expect the worst-we cant anticipate for now iho---"saad ng doctor! Napabuntong hininga naman si Cedric sa sinabi ng doctor! ~~~~ Nagkamalay muli ang dalaga at ngayoy mahinahon!bagamat tulala at hindi ito nagsasalita ay makikita mong pilit inaalala kung sino ito!kung anong mga nangyari sa kanya!kung bakit wala siyang maalala! Samantala si Cedric at Nay Martha na naroon sa silid ay pinagmamasdan ng mga ito ang dalaga! Hanggang sa basagin ng matanda ang katahimikang bumabalot sa silid na iyon! "nagugutom ka ba iha?---gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?-----"alok ng matanda! "sino po ba kayo?-----"baling ng dalaga! "ako nga pala si Martha---pero tawagin mo na lamang akong Nay Martha---eto naman ang alaga ko si Cedric---siya ang nagdala sayo rito sa hospital matapos kang matagpuang sugatan at duguan sa gitna ng daan..." saad ng matanda! "kung ganoon sino ho ako?---"tanong ng ngayoy litong lito na dalaga!mababakas sa mukha nito ang takot! Napatingin ang matanda sa alaga nitong si Cedric!hindi nito alam kung paano nito sasagutin ang tanong ng dalaga! "nagkaroon ka ng temporary lost of memory dahil na rin sa natamo mong sugat sa ulo.....marami rin ang dugo na nawala sayo----sabi ng doctor marahil sa takot at trauma mo sa nangyari na siyang nagpapalala ng sitwasyon mo ngayon---kaya wala kang maalala---"biglang sabad ng binata! Napatingin lang si Catherine sa mukha ng binata habang nagsasalita ito! Parang mi kung ano namang naramdaman si Cedric sa mga titig sa kanya ng dalaga! kaya bigla niyang itinuon ang paningin nito kay Nay Martha na nakikinig din sa usapan ng dalawa! "wala ba akong mga kamag anak man lang na naghahanap sa akin o nakakaalam kung nasaan ako?----"tanong ulit ng dalaga na ngayoy lumuluha na! "sa ngayoy tinutukoy pa lang namin kung may nakakakilala sayo at kung sino ka----hindi pa namin inerereport sa pulis ang nangyari sayo----baka mas lalo pang lumala ang kalagayan mo---"si Cedric! "pero bakit?------hindi bat yon ang dapat?-----"naguguluhang tanong ng dalaga na patuloy sa pagluha! "huminahon ka iha....tahan na baka mas lalo pang lumala ang kalagayan mo---"alo naman ng matanda! "may private investigator na akong kinuha para tukuyin ang lahat ng pwedeng malaman tungkol sayo----hindi natin pwedeng ireport sa pulis hanggat wala ka pang naaalala at kung ano ang tunay na nangyari sayo ng gabing iyon-----baka anjan lang yun masasamang taong gustong saktan ka-----"mahabang paliwanag muli ng binata! "ano ba sa tingin niyo ang nangyari sa kin?---"umiiyak na sambit ng dalaga! Hindi naman umimik ang dalawa sa tanong ng dalaga!nagkatinginan lang ang mga ito! "kung maaari ay magtiwala ka sa amin------para na rin ito sa kaligtasan mo iha--"saad ng matanda! "hindi ko alam kung anong iisipin ko-----saan ako mag sisimula---pero nagpapasalamat po ako sa tulong na ibinigay niyo sa akin----"lumuluhang sambit ng dalaga! "gusto ka naming tulungan iha--hanggat wala ka pang naaalala mas mabuting sa amin ka muna pansamantalang tumira hanggang sa gumaling ka----"saad ng matanda na sinang ayunan naman ng binata! Napatingin ang dalaga kay Cedric na wariy tinitignan ang reaction nito!ilang sandali ang titigang namagitan sa dalawa na wariy nangungusap ang mga ito! Napabuntong hininga si Cedric!siya na ang kusang nag alis ng tingin sa dalaga!hindi niya matagalan ang mga matang nakatitig sa kanya! "ano bang meron sa babaeng ito------bakit ganon na lang kung tumingin sakin?----"tanong ni Cedric sa kanyang isipan! Mi kung ano namang nakitang lungkot si Catherine sa mga mata ng binata!hindi niya maipaliwanag pero mi kung ano siyang naramdaman nang tumingin ito sa mga mata ng binata! "ang lungkot ng mga mata niya.."sa isip isip ni Catherine habang titig na titig ito sa binata! "maraming maraming salamat po sa inyo-------sana nga po magbalik agad ang alaala ko--"si Catherine! "siyanga pala----sasama ka sa amin sa Cebu iha....nang sa gayoy makapagpahinga ka ng maayos kesa naman dito sa siyudad-----mas makabubuti sayo ang sariwang hangin.."si Nay Martha! "C-Cebu po?--- hindi kaya masyadong malayo po ang Cebu?------tsaka nakakahiya po...magiging pabigat lang po ako sa inyo----"si Catherine! "-----kami na ang bahala sa lahat...wala kang dapat alalahanin----pag bumalik na ang alaala mo o kaya naman malaman natin kung sino ka at kung sino ang pamilya mo then ibabalik ka namin dito sa Manila-----"si Cedric! "maraming salamat...napakabuti niyo sakin..."ang dalaga! "call me Cedric---- hindi naman ciguro ako ganon katanda sayo---" walang ekspresyon na si Cedric habang inililigpit ng mga gamit sa hospital! Pinayagan na kasi ang dalaga na makalabas ito ng hospital! Mi kung anong naramdamang inis ang dalaga sa tinuran ng binata! ~~~~ Habang lulan cila ng sasakyan! "ano kaya ang magandang itawag namin sayo pansamantala anak?----mas mabuti kung ikaw na ang magsabi kung anong gusto mong itawag namin sayo--"nakangiting tanong ng matanda! Agad namang napaisip ang dalaga kung ano ang magandang itawag sa kanya!hanggang sa may nakita siyang isang karatula na may nakasulat na Cynthia's flower shop! "C-Cynthia-------"basa nito sa karatula na napalakas kaya napatingin ang matanda sa kanya! "maganda ang pangalan na iyon...saan mo nakuha ang Cynthia iha?"nakangiting baling ng matanda! "ahmm...yun kasi yung unang nabasa ko kaninang paglabas natin..w-wala kasi akong ibang maisip kaya yun na lang po siguro.."sabi ng dalaga! Napatingin ito sa gawi ng binata pero parang wala namang pakialaman ang binata sa cinasabi nito!nakatuon lang ang paningin nito sa daan! "eh ano ba yong nakasulat iha?--"nakangiting tanong ng matanda! "ahm Cynthia's flower shop po---"napangiting sambit ng dalaga sa matanda! At ngayo'y Cynthia muna ang itatawag nila sa dalaga! Samantala tahimik lang namang nakikinig sa usapan ng dalawa si Cedric!habang ang dalaga ay lihim namang naiinis sa binata dahil wala man lang itong makitang reaction at hindi man lang ito nagsasalita! ~~~~ Sakay ng isang private plane na pagmamay ari ng pamilya ng binata ay nakarating ang mga ito sa Cebu at ngayon ngay nilalakbay ang daan patungo sa hacienda Vijandre! Napakaganda ng lugar at napakalawak din nito!sariwa ang hangin!luntian ang mga puno!gayundin ang mga halaman!talagang napakaganda ang nasasaisip ng dalaga habang nakatanaw ito sa labas ng sasakyan! Hanggang sa matanaw na nga nito ang napakalaking gate papasok sa hacienda! "andito na tayo------"napakunot noong si Cedric habang titig na titig ito sa dalaga na manghang mangha naman sa ganda at lawak ng lugar! "n-napakaganda nga dito!---haist ang sarap ng hangin!----"iwas ng dalaga sa titig sa kanya ng binata! Tila nailang ito! Ipinikit pa nito ang mga mata nito na tila sarap na sarap kuno sa pagsinghot sa hangin!yun nga lang at tila nasobrahan ang acting nito! Napapailing na lang ang binata sa ginawang iyon ng dalaga! Habang sarap na sarap si Cynthia sa pagsinghot kuno sa hangin!bigla itong natigilan at napamulat ng mata nang marinig na naman muli nitong magsalita ang binata! "Nay kayo na pong bahala sa kanya-------mauna nako sa loob----pakisabi po sa kanya libre ang hangin dito..hindi siya mauubusan----baka kung ano pang masinghot niyan--mas lalo pang lumala ang kondisyon niya--"sabay talikod ng binata na agad pumasok sa loob! "ang sama niya----"sa isip isip ng dalaga!nagusot din ang mukha nito! Tuwang tuwa naman ang matanda sa sinabi ng alaga nito! "Nay Martha---talaga po bang okay lang po na andito po ako?---parang ayaw naman sakin ng alaga niyo..."tanong ni Cynthia sa matanda! "ganon lang talaga siya iha....kilala ko yang batang yan---alam kong gusto ka nun!mabait yun..tas siya nga nagsabi na ipunta ka dito para makaalala ka kaagad---"sagot ng matanda! "talaga po?---hmmmm pero bakit ang sungit sungit niya...tas kung tumingin parang nangangain po ng buo?tas mula kaninang umaga ngayon lang siya nagsalita----mabuti sana kung maganda rin ang lumalabas sa bibig niya.."napabuntong hininga namang si Cynthia! Tuwang tuwa ang matanda sa cinabi ng dalaga!iiling iling pa ito habang tumatawa! "pumasok na nga tayo sa loob iha at nang makapag pahinga ka na..bukas ka na ulit lumanghap ng sariwang hangin.."sabay tawa ni Nay Martha! Napatawa na din si Cynthia dahil sa tawa ng matanda! "Nay Martha naman eh----"si Cynthia! ~~~~ Kinabukasan ay maagang nagising si Cynthia!naglakad lakad ito hanggang sa marating nito ang garden ng hacienda! "napakaganda talaga dito..."sabay pikit at lumanghap na naman ito ng sariwang hangin!mi paunat unat pa ang dalaga! Sa pagmulat ng mata nito ay nakita naman nito si Cedric sa di kalayuan!mi kasama itong isang matandang lalaki!napansin nitong nag uusap ang mga ito ng masinsinan! "ang aga aga naman nakakunot noo na agad siya...hmmmm---- pero ang lakas pa rin ng dating niya huh----well mi itsura...nah hindi Cynthia----sobrang gwapo niya!!!hayy Cynthia yan ka na naman kung ano ano na naman pinag iisip mo..ni pangalan mo nga di mo maalala--"buntong hininga nito habang kausap ang sarili! Nagtungo na lamang si Cynthia sa kusina!nadatnan naman nito si Nay Martha at Aling Cora na nagluluto ng agahan! "goodmorning po Aling Cora!Nay Martha!----"nakangiting bati ni Cynthia sa dalawa! "goodmorning din sayo iha---"halos sabay na bati rin ng dalawang matanda! "naku mas maganda ka pa sa umaga iha!-----"dagdag pa ni Nay Martha sa dalaga! "haha Nay Martha talaga...cige na nga po..ako na ang maganda!---"todo ngiting si Cynthia! "gutom ka na ba anak?saglit na lang ito at matatapos na tong niluluto namin-"si Nay Martha! "okay lang po Nay----di naman po ako ganun kagutom---"nakangiting­ saad nito! ~~~~ Samantala tapos nang kausapin ni Cedric ang investigador na inupahan nito para sa pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa dalaga!agad itong nagtungo sa kusina para makapagkape! "goodmorning---"bati ni Cedric sa tatlong nasa kusina! Halos sabay sabay namang napalingon ang mga ito at binati rin ang binata! "eh sabi ko nga kay Cynthia kanina mas maganda pa siya sa umaga!hindi bat tama naman ang sinabi ko iho?"tanong ni Nay Martha kay Cedric! Agad namang napatingin si Cedric sa gawi ng dalaga!matagal nitong pinakatitigan ang dalaga! "tama po kayo Nay---"sagot ni Cedric habang titig na titig padin ito kay Cynthia! Hindi naman malaman ni Cynthia kung saan ibabaling ang tingin nito kaya napahigop na lamang ito ng umuusok usok pang kape! "ouch !!---"napalakas na sabi ni Cynthia pagkainom nito ng kape! Napatingin ang tatlo sa dalaga! "hehehe...m-mainit po talaga ang kape ano po?--ang sarap po nito!mas malalasahan mo po talaga pag mainit di ba po?!haha..saan po ba galing to?!"namumulang tanong ni Cynthia sa tatlo sabay tingin sa tasa ng kape na parang walang paso sa bibig dahil sa pagkapahiya! Napapailing na lamang din na humigop ng kape si Cedric!habang ang dalawang matanda ay tuwang tuwa naman sa kanya! "aalis tayo mamaya---kaya magbihis ka-----"pagkuway maawtoridad na sabi ng binata kay Cynthia! "ha?----"napabaling na si Cynthia! "Nay tingin na lang muna kayo ng damit dun ni Angie sa itaas---tignan niyo kung mi kakasya sa kanya----"sabay hagod ni Cedric sa kabuuan ni Cynthia!mula ulo hanggang paa! "pupunta po kami sa bayan mamaya ----mamimili po kami ng mga gamit niya---"dagdag pa ng binata! Napataas ng kilay ang dalaga at bubulong bulong pa na hinagod din ni Cynthia ang sarili! "aba demanding huh!---siyempre mi kakasya sakin noh!ano naman tingin ng lalaking to sakin??mataba?!jusko ha!"inis namang sambit ni Cynthia sa isipan nito! ~~~~ Nagbabasa ng isang magazine si Cynthia sa may sala!katatapos lang ng mga ito na mag agahan ng biglang tumunog ang telepono!agad namang cinagot ito ng dalaga! "hello goodmorning!cino po sila?---"tanong ni Cynthia sa kabilang linya! "hello anjan ba si Ric!?---"tanong nang kabilang linya! Napataas ng kilay si Cynthia dahil parang galit ang nasa kabilang linya! "Ric?-----"ulit naman ni Cynthia! "oo Ric o Cedric or whatever!anjan ba ang amo mo?!"tanong ng kabilang linya! "ah----eh cino po ba toh?tsaka ano pong kailangan niyo sa kanya?"nagtitimpi namang tanong ni Cynthia sa malditang kausap nito sa telepono! "just answer my question!---bat ba ang dami mo pang tanong?!!ibigay mo ang telepono sa amo mo!----"bulya­w ng malditang kausap ni Cynthia sa telepono! "excuse me!!?--------did i hear it right??did you just raise your voice at me??----"di na ring mapigilan ni Cynthia na magtaray sa kausap nito! "yes!you did hear that right b***h!!ipokrita kang babae ka!anjan ba ang amo mo ha?!ghadd dammit ibigay mo ang telepono!"sigaw ulit ng babae sa kabilang linya! "dont you ghadd dammit me!!!!and please!!! dont you dare take the lords name in vain with me!show respect!!but i guest you dont know much about that!do you?!!!"mataray ding sagot ni Cynthia! "what the hell did you just say?!!cino kang babae ka ha?!"nanggagalaiti sa galit ang babae sa kabilang linya! "why??are you deaf or just stupid at kailangan ko pang ulit ulitin sayo?!!-----well-----keep talking crap girl but i won't stoop down to your level!!you don't make any sense!!!-----and i will never let you bring out the worst in me!!!im better than that!!bye!!"mataray na sagot ni Cynthia sabay bagsak sa telepono! Sakto namang pababa si Cedric ng hagdan nang marinig ang telepono na tumunog! nakita naman nitong agad sinagot iyon ng dalaga!hindi na lamang ito umimik at matamang nakinig sa usapan ng mga ito sa telepono! Napakunot noo at napaisip naman si Cedric sa mga narinig nito at kung paano sumagot ang dalaga! "marunong siyang magsalita ng ingles?----paanong-------sa cinabing impormasyong ibinigay sakin ng imbestigador kanina hanggang grade three lang ang natapos niya?panong nangyaring---- she speaks english very fluently??mi iba sa babaeng to---"naguguluhang tanong ni Cedric sa sarili! Pero hindi din niya maiwasang hindi humanga sa dalaga! ~~~~ "inhale-------exhale------kalma lang Cynthia....."bubulong bulong na si Cynthia sa sarili pagkababa nito ng telepono! Tumaas talaga ang dugo nito sa kausap!hanggang sa bigla itong natigilan nang biglang mi magsalita sa kanyang likuran!si Cedric! "what was that?----"wala namang kasigla siglang tanong ni Cedric kay Cynthia! "ahm---i-it was just a prank call.."nag alangang sagot ni Cynthia kay Cedric! "maghanda ka na---aalis tayo mayamaya.."sabay talikod na si Cedric! "hmmp demanding talaga!grrrr!"inis na sambit ni Cynthia habang sinusundan nito ng tingin ang likuran ng binata! ~~~~ Mahigit tatlong linggo na sa Cebu si Catherine o Cynthia!pero kahit gaano man niya kagustong bumalik ang alaala nito ay wala pa ring nangyayari!patuloy siyang naghihintay ng sagot sa lahat ng kanyang mga tanong! Nakakawilihan­ na rin niya dito at nahihiya na rin siya kay Nay Martha at Cedric!kaya kahit pinipigilan man ng mga ito sa pag tulong tulong at sa paggawa niya sa mga gawaing bahay ay ginagawa pa rin nito para masuklian man lang kahit papano ang mga tulong na binigay ng mga ito sa kanya! Walang alam ang mga tao sa hacienda sa totoong nangyari sa dalaga!ang alam lang ng mga ito ay dito nagpapagaling si Cynthia pagkatapos ng aksidente! at malapit na kaibigan ng pamilya ng mga ito ang dalaga na nagbabakasyon lang dito sa Cebu! ~~~~ Samantala nakausap ni Cedric ang private investigator na inupahan nito para alamin ang tunay na pagkatao nito!Inilahad ng investigator ang lahat ng nalaman nito tungkol sa dalaga!na siya namang ikanalungkot ng binata sa kanyang natuklasan! Agad ipinagbigay alam ni Cedric ang mga nalaman nito kay Nay Martha! "Nay dumating na po ang mga impormasyon na hinihintay natin tungkol kay Cynthia---"malungkot na saad ni Cedric kay Nay Martha! "ano ang tungkol sa kanya iho-----sino siya?"si Nay Martha! "siya si Jessica dela Cruz----wala na siyang kahit anong pamilya maliban sa kanyang tiyahin---hindi siya nakapag aral--grade three lang natapos niya...hindi maganda ang ugali ng tiyahin kaya lumayas siya sa poder nito--"salaysay ng binata! Nalungkot naman ang matanda sa narinig! "ano ang nangyari sa kanya nang matagpuan mo siyang sugatan at duguan?"tanong ng matanda! "p-pi-------pinagsamantalahan po siya ng kanyang boss sa pinapasukan niyang panederya..."tila hirap namang saad ng binata!mababakas sa tono nito ang galit! "mahabaging diyos!!talagang kahabag habag ang nangyari sa batang iyon Cedric!----"gulat na saad ng matanda! "binalak din siyang patayin ng gumawa sa kanya nun----ang akala siguro patay na kaya iniwan lang siya dun---"dagdag pa ni Cedric! "baka naman nagkamali lang ang taong nagbigay ng impormasyon sayo anak?----"ang matanda! "sana nga po....pinapanalangin kong di na lang sana totoo ang mga nalaman ko tungkol kay Cynthia----pero yun yong nakatalang nangyari ng gabing natagpuan ko si Cynthia sa kanilang munisipyo!---at dahil din daw may witness na nagsumbong sa baranggay!nakakulong­ na ngayon ang taong gumawa sa kanya nun Nay---dahil na rin sa inuusig siya ng kanyang konsensya ay inamin niya ang ginawa nito---hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin si Cynthia o Jessica para mag apela ng dagdag na kaso laban sa taong yun!"mahabang paliwanag ni Cedric! "ano ang desisyon mo ngayon anak---sasabihin mo ba ang lahat ng tungkol sa kanya?---"tanong ng matanda na patungkol kay Cynthia! "hindi na po muna siguro Nay...wala pa rin siyang naaalala----baka mas lalo pang lumala ang kondisyon niya kung malaman pa niya ang mga nangyari sa kanya------pero kung di man bumalik ang alaala niya pagkaraan ng isang buwan ipagtatapat rin po natin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya..."paliwanag muli ni Cedric! "mas makabubuti nga siguro kung wag muna natin sabihin anak....dahil pag ako nalaman kong yon ang nangyari sa akin--ay di ko siguro kayang tanggapin!--hayaan muna natin siyang tuluyang gumaling---"malungkot­ na tugon ni Nay Martha! Buntong hininga lang ang sagot ng binata!Galit na galit siya sa gumawa nun kay Cynthia!parang gusto nitong burahin ang pag mumukha ng gagong yon dito sa mundo!parang hindi nito lubos maisip na nangyari iyon sa dalaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD