CHAPTER 1

1372 Words
Nagmamaneho si Catherine ng biglang mawalan siya ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan!naibangga niya ito sa isang malaking puno! Malakas ang impact ng kanyang pag kakabangga kaya agad siyang nawalan ng malay!malaki rin ang natamo nitong sugat sa ulo na patuloy sa pagdurugo!marami din siyang mga galos at pasa sa kanyang mukha at katawan! Pasado alas siyete pa lamang ng gabi pero wala nang gaanong sasakyan o taong dumaraan sa lugar na iyon!napakakapal rin ng hamog sa lugar na kinaroroonan ng dalaga! ~~~~ Pasado alas diyes na ng gabi ng muling magkamalay si Catherine!wala pa ring sumasaklolo sa kanya! Nanghihina man ay pinilit pa rin niyang maglakad sa mahamog na daan! Maraming dugo ang patuloy na umaagos sa mukha nito!hanggang sa makalayo na rin ito sa lugar kung saan ito naaksidente sa pag asang makakahanap siya ng tutulong sa kanya! Hanggang sa mayamaya pay may naaninag itong  ilaw!hindi niya alam kung saan ito nanggagaling!dahil sa nanghihina na rin ito at nananakit na rin ang kanyang ulo at buo niyang katawan na trumipple pa ang sakit kaysa kanina! Mayamaya pay bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa gitna ng daan!hindi na nito napansin ang sasakyang paparating!muntik na siyang mabangga ng humaharurut na sasakyan! ~~~~ Samantala agad namang napababa ng kanyang sasakyan ang taong nagmamaneho ng sasakyan!taranta at di malaman ang gagawin sa babaeng muntik na niyang mabangga na halos naliligo na sa sariling dugo! "oh shi----t! m-miss?!---what the----?miss anong nangyari sayo?!---h-hindi naman kita nabangga ah! a-anong ga--gawin ko sayo?!"tarantang sambit ni Cedric na di malaman ang gagawin! Hanggang sa agad na lamang nitong binuhat ang sugatang babae at agad isinakay sa kanyang sasakyan! Sa di malamang gagawin ay sa bahay niya ito dinala! ~~~~ Pagkababa na pagkababa ng binata sa kanyang sasakyan ay agad namang may lumapit na matandang babae at masayang sinalubong ang binata! "anak mabuti naman at dumating ka na?----nag aalala na ako sayo....anong oras na..kamusta ang meeting?maayos naman ba?----" tanong ng matanda sa binata! "Nay Martha okay lang po ako-------pakitawagan po si Doctor Navarro na pumunta po dito ngayon na!sabihin niyo pong emergency!!----" malakas at tarantang sambit ni Cedric! Takang taka naman ang matanda sa sinambit ng binata!agad na lamang din nitong tinawagan ang doctor! Gaya ng binata ay di rin malaman ng matanda ang gagawin ng kunin at buhatin ni Cedric ang duguang babae sa loob ng kanyang sasakyan!kung ano ano ang tinatanong niya rito na di naman nito masagot sagot dahil na rin sa sobrang kalituhan! Nahihintakutan man ang matanda ay sinundan na lamang din nito ang alaga nitong si Cedric! Dahan dahan namang inilapag ng binata sa kama ang duguang dalaga! "nay pakikuha po ng mainit na tubig dito para malinisan man lang kahit papano habang hinihintay po natin si Doctor Navarro--"pakiusap ni Cedric sa matanda! ~~~~ Hanggang sa dumating ang doctor! Agad namang inihanda ng doctor ang mga gamit nito ng makita ang sugatang babae! Hanggang sa tapos ng malunasan ng paunang lunas ang mga natamong sugat ng dalaga! "Cedric anong nangyari sa babaeng ito?-----" tanong ng doctor! Agad namang sumagot ang binata at inilahad ang lahat ng pangyayari buhat ng matagpuan ang dalaga! Kanila namang pinag usapan ng mga ito ang posibleng dahilan kung bakit nagkaganun ang babae!isa na nga dito ang posibleng may nagtangka sa buhay nito o may balak manamantala sa kanya! "mas mabuti pa ring i-admit natin siya sa ospital Cedric-----para maexray at kung kailangang magsagawa ng MRI at head CT scan sa kanya...maaaring ikapahamak ng pasyente kung hindi natin malunasan ng maaga----"mahabang saad ng doctor! "kung ganon---dalhin na po natin siya sa hospital---may ipakikiusap lang sana ako Doc--------sana wala munang makakaalam nito-----" agad na saad ng binata! "makakaasa ka iho...."ang doctor! ~~~~ Kadarating lang ni Cedric galing Cebu upang asikasuhin ang iba pang negosyo ng kanilang pamilya dito sa Manila!pero di niya inaasahan na sa pag uwi nito at habang binabagtas ang daan pauwi sa isang bahay nila sa Laguna ay may babaeng bigla na lamang pumagitna sa daan kung saan muntik na rin niya itong mabangga! ~~~~ Samantala tatlong araw nang walang malay ang dalaga sa ospital kaya ganoon na lamang ang pag aalala nina Cedric at Aling Martha kung bakit di pa rin nagigising ang dalaga! ~~~~ Sa loob ng silid ay hindi naman maalis alis ni Cedric ang tingin nito sa dalaga na himbing sa pagtulog at wala pa ring malay! Pinagmamasd­an nito ang maamo at napakagandang mukha ng dalaga!kahit pa may benda ang ulo at may mga pasa pa ito sa mukha ay hindi maipagkakailang napakaganda nito!kaya ganon na lamang kung paano niya ito titigan! Ngayon lang niya ito napagmasdan at talaga ngang napakaganda pala niya ang nasasaisip ng binata!di niya kasi ito masyadong napansin noong una dahil na rin sa kalituhan at duguan ang mukha nito! Hanggang sa napadako ang paningin nito sa labi ng dalaga!bagamat mi maliit na sugat at pasa sa gilid nito dahil sa aksidente ay parang gusto niya itong gawaran ng halik sa mga labi! Bigla namang naguluhan si Cedric sa naisip nito patungkol sa dalaga at pilit na iwinaksi iyon sa kanyang isipan! Agad namang napansin iyon ng matanda na naroon rin sa silid! "bakit parang napagkit na yata ang tingin mo sa kanya anak?-----"pabirong sabi at makahulagang ngiti ni Nay Martha kay Cedric! "Nay Martha talaga..tinitignan ko lang po kung naghihilom na yong mga pasa at sugat niya--"agad namang saad ng binata! "napakaganda niya---hindi ba anak?---para siyang isang anghel...."nakangiting sambit ng matanda habang pinagmamasdan ang dalaga! Napangiti na lamang din si Cedric sa cinabi ng matanda! "ano kaya ang talagang nangyari sa kanya Nay?-----"pag iwas na tanong ni Cedric sa tanong ni Nay Martha! Nay ang tawag niya dito dahil siya na ang itinuring nitong pangalawang ina!dahil na rin sa ito na ang nag alaga at nagpalaki sa kanya simula pagkabata! Nag iisang anak si Cedric ng mag asawang Federico at Luisa Vijandre!sa di inaasahang pangyayari ay naaksidente ang mga magulang ng binata sa isang car accident na siyang ikinamatay din nila! Naulila si Cedric sa edad na labing-tatlong taong gulang!naiwan sa kanya ang mga responsibilidad at negosyo na itinayo ng kanyang mga magulang!kaya sa edad niyang iyon ay nakasanayan na din niyang mag isa! At ngayon sa edad niyang bente siyete ay siya na mismo ang humahawak at nagpapatakbo nito!ang Vijandre Corporation Inc. na unti unti ng nakikilala sa mga magagandang uri ng house and furniture designs! ~~~~ Samantala si Catherine naman ay nakapagtapos ng Business Administration!Nag iisang anak din siya nina Alejandro at Clarissa Ramirez!Sa edad na bente ay di mo akalain na makapagpapatayo ito ng sarili niyang restaurant!At ngayoy mag bebente tres na at mi plano na namang magbukas ng isa pang branch ang dalaga!kilala na rin siya sa pag oorganized ng malalaking events and party's! ~~~~ Pauwi na si Catherine!katatapus lang nitong tignan ang lugar kung saan gaganapin ang isang event na pinapaorganized sa kanya ng kaibigan nitong si Isabella ng biglang mawalan siya ng kontrol sa minamaneho nitong kotse at bumangga ito sa isang malaking puno! ~~~~ Sa halos apat na araw ay nag kamalay na rin ang dalaga!si Nay Martha ang nagbabantay dito!samantalang si Cedric ay may inasikaso naman sa kanilang negosyo sa araw na iyon! "c-cino po kayo?----a-asan ako?----"litong tanong ni Catherine! "mabuti naman at gising ka na iha?---alam mo ba na sobrang ng alala kami sayo ng alaga ko?-----may nararamdaman ka bang masakit anak?----abay sabihin mo para matignan ka kaagad ng doctor!" muling saad ng matanda! Agad na lamang ding tinawag ng matanda ang doctor!dumating ang doctor at mga nurses nito!agad inobserbahan ng mga ito ang pasyente! "okay ka lang ba iha?----ano bang pangalan mo?----"tanong ng doctor! Agad namang sumagot ang dalaga! "ako si -------"biglang natigilang si Caterine!gumuhit sa mukha nito ang matinding takot! "a-anong nangyayari sa akin??----b-bakit di ko alam a-ang pangalan ko!!sino kayo?!-------bakit ako nandito??bakit wala akong maalala!?---"sigaw ng ngayoy umiiyak na dalaga na humihingi ng kasagutan sa kanyang mga tanong! Ang lahat namang nandoon sa silid na iyon ay takang takang at nag aalala sa kondisyon ng dalaga! Agad namang nilapatan ng gamot ng doctor at ng mga kasama nitong mga nurses ang naghihisterikal na pasyente ng pampakalma at pampatulog ng sa gayoy maisagawa ng mga ito ang panibagong test na gagawin sa dalaga!kung bakit wala itong maalala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD