Chapter 1

1894 Words
Maagang umalis sina Mommy at Daddy dahil may mga importanteng meetings daw silang dapat puntahan. Wala tuloy akong magawa kundi hayaan nalang ang Ate ko na pusudan ang aking buhok. Si Mommy kasi ang palaging nag-aasikaso sa amin bago kami pumasok na magkakapatid sa school. She always cooked for us--kahit mas maaga pa ang trabaho niya ngunit, mas priority niya daw kaming magkakapatid. After that damn incident yesterday, hindi ko na naabutan pa sina Keo at Iwyn. Lintik kasi na lalaki 'yon! Siya na nga ang nakabunggo sa akin..siya pa ang may ganang magalit? Like, what the heck is he thinks of me? Ako ang natumba dahil sa katangahan niya tapos, ako pa ang kailangang mag-sorry? Napanguso ako ng maalala ang nangyari noong nakaraan. Gwapo nga sana siya kumpara kay Keo, ngunit nakakabwisit naman talaga kasi ang ugali niya. Mukha nga siyang si Joker sa paningin ko, tch! "Nakarating na naman sa akin ang ginawa mong gulo sa highschool building, Yannie.." Tinignan ko si Ate sa malaking salamin sa aking harapan, habang nakapalumbaba ako. Nasa ginagawa ang paningin niya. "I was about to leave but his words make me stay..." Ngumuso pa ako lalo. "..ang sakit niya kasi magsalita." I heard her laughing. "Sana sinapok mo?" Napabuntong hininga ako. Kung Alam niya lang sana, 'di ba? Nang matapos siya sa ginawang pag-puyod sa aking buhok, nagpaalam na ito na mauuna na sa hapag. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Parang bigla kong naramdaman ang pagkawala ng aking inis sa lalaking 'yon nang makita kung gaano ako kaganda. Lumiwanag ang aking mukha at hindi ko halos maialis ang malapad kong ngiti, na animo'y aabot pa sa tainga. Pumagilid-gili pa ako para makita ang disenyo na ginawa ng kapatid ko sa aking buhok. I haven't know what's kind of pony is this but, It fits me well. Isinuot ko na ang itim na coat ko bago naisipang lisanin ang silid. Nag-i-scroll ako sa aking IG account habang tinatahak ang hapag. Lumiko ako at dumiretso sa kabilang silya. Naroon na ang dalawa sa nakatatanda kong kapatid. Si Kuya Black ay parang walang pakialam sa paligid habang patuloy sa pagkain. Si Ate Alira naman ay mukhang kadarating lang rin tulad ko. Humalik ako sa pisngi ng dalawa bago naupo sa aking silya. Sandaling tinignan ko ang mga katulong saka tumuhog ng kung ano na nakahain. "Bacon, eggs, hotdog, and..rice? Seriously? Nakalimutan niyo na bang kailangan kong i-maintain ang body built ko? Tapos puro mamantika ang ihahain niyo sa harapan ko?!" Nagpupuyos sa inis kong sabi. Hindi sumagot ang mga katulong at yumuko lang. Napabuntong hininga ako dahil walang magawa, kundi ang kainin nalang ang kung anong nakahain. At dahil umaga ngayon, dapat wala akong iniisip na negative vibes, na maaaring makasira sa maganda kong umaga. Hinayaan ko nalang ang sarili na kumain ng mga mamantikang ulam at fried rice. Matapos niyon, napagpasiyahan na naming magkakapatid na pumasok. Katabi ng driver si kuya na nakaupo sa passenger seat, habang nandito naman kami ni Ate sa Backseats. "Bilisan niyo na po, Manong. Hindi kami pwedeng malate ngayon--may council meetings po kami ngayon." Sinunod ng driver ang sinabi ni kuya. Mahigit kumulang trenta minutos rin ata nang makarating kami sa National University? Hindi ko naman ugali na pansinin ang mga kung ano na walang kwentang bagay. Katulad nang nakagawian , pinagbuksan muli ako ng pinto ni Manong at yumuko hanggang sa makalabas ako. In-expose ko sa hangin ang inalon kong buhok. Feeling ko tuloy para akong isang reyna na tinitingala ng lahat ng narito. Hays. "Para kang hindi Hirai diyan, Bunso.." Nabalik ako sa reyalidad ng bumulong sa aking tainga si Ate. Napagilid ako para bigyan siya ng daan. Pilit akong ngumiti upang itago ang pagkapahiya ko. "Puntahan ko na si Rozzane." Tinanguan ko si Ate nang magpaalam ito. Sunod na lumabas si Kuya, dahilan para gumilid na naman ako at tinabihan siya sa pwesto. Nagkatingan kami at sabay na ngumiti. Tumango si kuya sa driver saka ako iginaya paakyat ng hagdanan. "Grabe! Sobrang yaman pala talaga nila, ano? Look, bes! Sobrang carrying ni Black sa kapatid niyang si Arrianne!" Inirapan ko ang grupo ng magkakaibigan na walang ibang ginawa, kundi ang pagchismisan kaming magkapatid. Like, dzuh? Didn't they think na nandito nga kami at naririnig ko pa ang sinasabi nila? "Tama ka nga..pero? Parang iba naman 'yan si Arrianne sa dalawa niyang kapatid--kumbaga kay Daffney at Black...para siyang naiiba--'yong ampon?" Ang inis ko sa mga katulong kanina ay muling nabuhay. Pinagalaw kong muli ang aking labi at kinagat iyon. Hindi ko sila pwedeng sugurin ng wala si Jamila, at isa pa..nandito si Kuya Black sa aking tabi. Nang makapasok na kami sa loob ng university ay saka pa lamang humiwalay si kuya. Humalik ito sa tuktok ng aking noo at binilinan ako ng ilang mga dapat gawin. "Be a good girl here, okay? Huwag mo nalang pansinin ang mga iyon kanina..masisira lang ang ganda mo." 'Di ba? I have a very lovable and supportive kuya. I should thank papa god to gave kuya on us--me. Mabilis akong nakarating sa classroom. Tahimik lang ako dahil wala ang kaibigan ko, at hindi rin siya nag-text o tumawag sa akin na malelate pala siya. Maski nga i-DM ako sa i********: ay hindi niya magawa. "For today's lesson..You need to pick your member--only two member in one group." Napairap ako at nagpakalumbaba sa armrest ng aking inuupuan. Nagsimula ng magsalita ang guro kung sino ang dalawang pares na magkakasama sa isang report na kailangang ipasa sa susunod na araw. Ang ilan pa nga ay nagrereklamo dahil, babae at lalaki kase ang pinapares ni Miss. "Keathon Oxen Sarmiento and..." Doon ko pa lang naisipang makinig sa sinasabi ng guro. Umayos ako ng upo at naghintay sa sasabihin niya. Hindi pa ako natatawag, baka kami na ang magkagrupo. Napangisi ako at bumaling kay Iwyn na halata ring nakikinig kay Miss. Umirap ako at ibinalik ang tingin kay miss. Say it, Miss..Say i- "Ismeralda Wynie Santiago." Pakiramdam ko kinapos ako sa paghinga. Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niyon ni Miss. Umawang ang labi ko ng makita ang ngiti sa labi ni Iwyn at tumayo pa upang mayakap si Keo. Nanginig ang labi ko at napatayo rin dahil sa pagkagulat. Ang halos lahat ay nakatingin sa akin ngayon. "Ms. Hirai? Bakit parang gulat na gulat ka ata sa iyong narinig?" Taas kilay niyang tanong. Kung hindi lang siya ang hinahangaan kong guro sa paaralan na ito, nagreklamo na ako sa ginawa niyang pag-pares sa dalawa. "Wala pa siyang kapares, Miss.." Napakuyom ako ng kamao ng marinig na magsalita si Iwyn. Nang-iinsulto. "Oh? Alam ko, Ms. Santiago." "Pftt..." "Hindi ko maigugrupo sa isa sa inyo si Arrianne..dahil siya ang makakasama ng College student na magrereport sa gymnasium sa darating na biyernes." Natapos na naman ang morning classes namin, ngunit hindi ko manlang nakita--maski anino ng kaibigan ko. Pabagsak kong isinara ang locker matapos mailagay ang aking bag. Dumiretso ako sa Comfort room at tumungo sa harapan ng sink. Naghugas at sinabon ko ang aking kamay, bago napahawak ng mahigpit sa sink. Napabuntong hininga ako at humarap sa salaming nasa harapan ko. "Hindi niya ako ipinares kay Keo, dahil isang College student ang makakapares ko?" Napasinghal ako at saka muling naghugas ng kamay. "Iba na pala talaga ang talino na mayroon ako." "Hey, Yannie?" Hindi ko pinansin ang babaeng bruha na kakapasok pa lang sa Comfort room. Pinatuyo ko muna ang aking kamay saka napagpasiyahan na lumabas. Natigil ako ng hawakan niya ang aking braso. Pumikit ako bago marahang hinablot ang braso sa at hinarap siya ng nakataas ang kilay. "Ano na naman ba'ng kailangan mo?" Mahinahon kong tanong. Ngumisi ito at nagkibit ng balikat. "May gusto ka pala kay Keo pero..naduduwag kang umamin?" Mas lalo niya pang inilapit ang mukha sa aking tainga at bumulong. "You know what Keo said while ago? He likes me too--oh, wait! Sooner or later, magiging kami na rin." Tinalikuran niya ako at tumingin sa salamin. "Good for you, then? Itago mo siya sa maiksi mong palda..o 'di kaya naman, Ipasok mo sa loob ng masikip mong coat, para naman..Hindi makawala at mapansin ako, hindi ba?" Tinalikuran ko ito at naglakad palayo. Masama ang tingin na naglakad ako patungo sa College building. Wala akong pakealam kung maging sila ba o Hindi! Alam kong walang balak pumasok sa isang relationship si Keo, dahil gusto niya munang makapagtapos, at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko maamin-amin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ayokong maging distraction sa pag-aaral at pangarap niya. If he wants me to wait..then, I will! "Hindi siya pumasok kasi may sakit siya, Yannie." Nginitian ko si Ate Rozzane at tumango. "Ano po ba ang ginawa niya last yesterday night? Bakit gano'n nalang kalala ang pagkaroon niya ng lagnat?" Kuryoso kong tanong. Nakita ko pang bumuntong hininga si Ate saka ako nginitian. "Honestly..hindi ko rin alam--' "Hey, again.. Miss Masungit!" Naitikom ko ang aking bibig ng mamukaan ang may pagka moreno na lalaki. Kumaway pa ito sa akin bago lumapit. Kumunot ang noo ni Ate Rozzane at ate Alira nang tuluyan na ngang makalapit si sunog. Joke! "Do you know him, Yannie?" Pilit akong ngumiti kay Ate Alira nang magtanong ito. "I just knew him because of his face--sunog." Pinigilan ko ang Hindi matawa sa sariling sinabi, gano'n rin naman ang dalawa. "Ts... I am Marky Shion Hauston, miss masungit.." Inilahad nito ang kaniyang kamay. Nagbaba ako ng tingin upang tignan iyon. "Para ka na namang gago, Marky! Tigilan mo nga 'yang kapatid ko! Move away--bilis!" Iminustyapwera ko ang pakikipagkamay niya at ngumisi. "Oh, well..." Naguhot niya ang sariling hininga saka kami tinalikuran. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makalayo na siya. Nang balingan ko ang dalawang kausap ko, napakunot ako ng noo dahil sa pag-ngisi ni ate Rozzane at pag-taas ng kilay ni ate. Mag-isa akong kumain ng lunch sa cafeteria. Melon shake with fries lang ang binili ko, busog pa rin naman kasi. Pinicturan ko muna ito at ipinost sa aking IG account, bago tinikman. It taste so good. Paborito ko ang ganitong pagkain at maiinom. Sa kalagitnaan ng pagkain at pag-higop sa shake, naalala ko na naman ang sinabi ni Miss kanina. Kung sa college student ako binigyan ng kapareha...sino naman kaya sa kanila? Bukod sa alam kong section nila ate ang may kaparehas na topic sa amin--iba ang kanila kuya Black. Ibig sabihin, Hindi Malabo na, sa section nga nila ate ako magkakaroon ng kapareha at ipepresent sa darating na biyernes? "Pwede ba akong maupo sa harap mo?" Ngumunguyang inangat ko ang tingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako ng makilala kung sino ito! Batid kong maski siya ay nagulat rin, kalaunan ngumisi. "Ikaw lang pala..lampa." Imbes na pansinin ang joker, umirap at nagpatuloy lang ako sa kinakain hanggang sa matapos ako. Panay ang sulyap niya sa akin, nakikita ko iyon. "Wala ka atang alagad na kasama?" Nag-scroll lang ako sa aking social media account at nakinig sa walang kwenta niyang panlalait. Is he really that joker? O sad'yang judgemental lang talaga siya? "Buti pa 'yong klase may break--' "Tumahimik ka nga!" Mahina, naiinis Kong sinabi sa kaniya saka pinandilatan siya ng mata. Isinuko niya ang parehong palad at ngumiti. Umirap ako. "Himala at mabilis mo nang nadinig ang sinabi ko? Nakabili ka na nang pangtutuli?" "f**k! Bwiset ka talaga!" Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo. Deretsong lumabas ako ng cafeteria, habang panay ang higop sa binili kong shake. Ayokong makita pa ang bwisit na 'yon. Palagi nalang siyang nakasunod sa akin. Kung hindi lang talaga ako naiinis sa kaniya, napaghahalataan ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD