The atmosphere stayed on us when he sent me to the Hauston's hospital is so damn cold! Hindi na rin siya nagsalita--sanay na naman ako but, bakit pati ako natatameme na rin? f**k!
Nauna ako kaysa sa kaniyang makalabas ng color Silver na Mustangs niyang sasakyan. Ang yaman nila ano? Infairness, siya rin ang nakikinabang sa mga pera ng pamilya niya. Dali-dali akong naglakad papasok sa Hospital, at nagtanong sa nurse na nakasalubong ko. I actually used my beautiful face para mas madali ang makatungo sa silid ng Hindi pa mamatay-matay na kaibigan ko. Joke ulit!
Sa pagkabukas ko pa lang ng pinto, mukha agad ng tatlo ang bumungad sa akin. Kapwa sila nagtatawanan habang nakatanaw sa flat screen TV na narito sa silid ni Jamila. Pabagsak kong isinara ang pinto na siyang naging dahilan para maagaw ko ang atensiyon nila. Siyempre, hindi talaga papatalo ang bruhang epal sa buhay ko.
"Himala at dumating ka pa, Yannie? Ano ba ang nangyayari sa'yo at nagbago na ang iyong ugali? Hindi ka manlang umatend sa afternoon class natin tapos, nahuli ka pa nang dating para dalawin ang 'best friend natin'?" Sunod-sunod na tanong ni bruha. Halata naman siguro?
"Nasa Earth lang rin naman ako, katulad niyo." Minsan, kailangan rin kasi talagang binabara ang bruha para matahimik.
"Saan ka nga ba nanggaling, Yannie? We have been looking for you but--"
"Tagalogin mo Keo. Bukod sa Hindi 'yan makikinig sa'yo dahil sure kaming naka-focus iyan sa hitsura mo, baka mas lalo pang ma-inlove ang kaibigan ko." Hinampas ko ang braso ni Jamila nang magsalita ito laban sa akin.
Kaibigan ko talaga 'to? Anak ng kagang! Bakit parang sulsol pa?
"Wews!" Rinig kong sabi ni Iwyn bago naupo sa may couch.
Umirap ako at naghila ng upuan para maupo sa gilid ng kama ni Jamila. Akalain mong nilagnat lang tapos, private room pa ang silid niya dito sa hospital? Hindi nalang kasi madedo ang loka.
"Yannie, how was our report?" Inangat ko ang paningin ko Kay Keo nang nakangiti niya akong tinanong.
I can't help but to stared at his dark eyes. Damn! Am I falling for him again?
"Ayie! Support naman Iwyn!" Inirapan ko si Jamila saka pilit namang nginitian si Keo. Awkward.
"Good." Maikling sagot ko.
"'Yun lang?" May inaasahan pa ba siyang sagot mula sa akin? Tanungin niya kung pwede ba siyang manligaw, sasagot ako agad. Lol.
"Yeah." I nodded my head. Dapat maging matapang rin minsan, huwag maging marupok.
"May kilala akong torpe, Yannie.." Natatawang sabi ni Iwyn at inginuso pa si Keo. Napaawang ang labi ko at ngumisi.
"Sus! Tanungin niyo kasi si Keo kung may napupusuan na nga ba talagang girl, huwag puro landi mga sis!" Sinamaan namin pareho ni Iwyn ng tingin si Jamila. "Pft..Grabe? Ano Hindi kayo nakailag?"
"What is it, Ladies?" Mukhang curious na rin ang isa.
This is my chance now! Sino ba sa amin ni Iwyn ang gusto niya? Lol.
"What is your ideal type, Keo?" Hindi ko alam kung bakit iyon kaagad ang lumabas sa aking bibig. I pouted my lips. He smiled at me. "I-I mean..do you like a girls with bad attitude?"
He shook his head. "Ideal type is for a person who likes to have a following dreamed person." I bited my lips.
"So..you don't have--at least one?" I asked once again. He smirked.
"I have." Iniwas ko ang paningin ng makuha na ang nais na sagot. Si Iwyn na 'yon.
"Is she that part of our circle of friends, Keo?" Iwyn asked. Nagbaba nalang ako ng tingin ngunit nakikinig pa rin.
"You guys are ideal for me. Honestly, I been dreaming of you all having a boyfriend and being loved by them." Yeah, friendzone.
"Ay weh? Hanep naman pala sa kaibigan, Keo?" Natawa ang tatlo sa Biro ni Jamila.
Palibhasa'y hindi nagkagusto kay Keo, kaya grabe nalang kung makasupport sa babaeng mamahalin ng kaibigan namin.
"But, I wish..I am three." Bigla ay ginusto ko nalang umamin sa kaniya. Sobrang swerte ko noon dahil nagkaroon ako ng tatlong kaibigan, pero mas swerte pala ako dahil kahit may karibal man ang isa sa amin, we still completed.
"Bakit naman?" Halos sabay na kami ng tatlo na magtanong. Nagkatinginan kami at natawa.
"Because I wanted to protect my 3 queens."
"Ohemji? Grabe ka na talaga Keo, ah? Don't me!" Maarteng hinawi ni Jamila ang kamay, dahilan para masapol ang mukha ko. "Ayy, soryy!"
Hindi na rin naman ako nagtagal pa sa silid ni Jamila. Dumating na rin kasi ang parents at si Ate Rozzane. Sinabi rin nila na makakapasok na ang gaga bukas. Nagpaalam ako sa kanila Tita Roxy, Tito Simon at ate Rozzane na uuwi na. Gano'n rin naman ang ginawa nung dalawa.
"Ingat, bitches!"
Tinanguan ko lang si Jamila hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa silid niya. Napabuntong hininga ako nang maalala ang lahat nang sinabi ni Keo kanina. He's still my first love. Hindi na magbabago pa iyon. And no one can bury it because, I would never let that happened.
"May sundo kayo?" Pagtatanong ni Keo. Tumango si Iwyn saka ako kinindatan. Lol.
"Darating na si Daddy for a few minutes. Nag-cut ng class si Yannie, Ihatid mo nalang. " nanlaki ang mata ko at sinamaan siya ng tingin. Tinanguan niya lang ako bago lumiko. "See ya' tomorrow, Bitches!"
Napasinghap ako at nag tuloy sa paglalakad. Lintik na babae 'yon talaga, oo! Alam niya namang iba ang epekto ni Keo kapag kasama ko, eh! Bwiset!
"Hatid na kita sa inyo?" Tinanguan ko nalang ito bilang sagot.
Tahimik kaming naglakad hanggang sa makalabas ng Hospital. Gusto kong magtanong sa kaniya tungkol sa mga sinabi niya kanina kung seryoso ba siya sa lahat nang iyon, ngunit umuurong ang dila ko.
"Ladies first." Pinagbuksan ako ni Keo ng pinto sa passengers seat at inalalayan paupo doon. Oh, 'di ba? Gentleman!
"Thankyou."
Isinara niya iyon saka lumipat sa kabilang pwesto at pumasok na sa loob. Sinimulan niya nang paandarin ang makina at ang sasakyan.
"Seatbelt, Yannie.."
"H-ha? Ahh--oo!" Natataranta kong inabot ang seatbelt at isinuot iyon. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha sa akin, at tinulungan akong isuot ang seatbelt ko. Iniwas ko ang aking paningin, at sakto naman iyong tumama sa isang lalaki na nakatayo sa may isang Mustangs na kulay Silver sa kabilang parking. Hindi agad ako nakapag-react ng tuluyan na ngang umandar ang sasakyan.
Is he waiting for me?
Sinundan ko ng tingin ang lalaking iyon sa peripheral vision ko sa salamin ng sasakyan ni Keo. Katulad ko, nakatanaw rin ito sa amin. Tiyak kong nakita niya rin ang ginawang pagtulong sa akin ni Keo sa seatbelt. Hindi naman kasi nakasara ang bintana ng sasakyan.
Napabuntong hininga nalang ako ng tuluyan na kaming makalayo. Dapat pala sinabihan ko na siyang huwag na akong hintayin at ihatid sa bahay. Hindi ko naman kasi inaasahan na darating pala--naroon pala ang dalawa pa namin na kaibigan.
"'You looked stress. Kumusta na nga pala ang dapat na report niyo ni Mr. Hauston sa friday? May topic na?" Pag-babasag niya sa katahimikan.
Honestly, I am an talkative person talaga when it comes to my passion, dreams and whatsoever topic related about course. Pero nakadepende sa makakausap ko ang atensiyon ko. If I wanted you to talk, then let it be. Kung ayaw ko naman, better shut your mouth. That's why I am always afraid of dragging someone just because of my hurtful words. Iyon ang nililimitahan ko na ngayon sa sarili ko. Graduating student na ako, and for all of my concern, ako lang naman ang magiging Valedictorian ng National University of Laguna sa highschool batch.
Mataas ang expectations ko sa aking sarili. I would like to became an Architect and Chef someday. Though, sa family namin may sinusunod na batas, My dad was an promising CEO of Hirai's Building corporation here in Laguna. Same with my Mom. Si Kuya gusto maging NASA engineer, habang si ate naman ay nangangarap maging doctor. All I can say here is we all have our own passions. And I am pretty sure na sure that someday, we'll gonna be successful as what we wanted.
Noon pa man, paiba-iba na ako ng gustong maging. I was dreamed about being a flight attendant, business woman, teacher, doctor, house wife, aeronautic engineer--same as my Kuya and lastly..sa pagiging Architect at Chef rin ako babagsak.
I looked at him and give my weak smile. I am really tired for today, but I can't go home yet without answering his question. Not for my feelings, but as a friend question.
"Meron na." Nagkatinginan kami. Nginitian niya ako saka muling binalik sa daan ang paningin.
"That's good then?" I sighed.
"Love is Confession.." Pang-gagaya ko sa sinabi ni Vash kanina.
Naalala ko na naman kung paano siya maging un-gentleman sa akin. Natawa ako nang bahagya, at umiling. Kung magkakaroon kaya ng girlfriend ang joke na 'yon, gano'n rin niya kaya itatrato? Hm?
"Huh? What are you talking about?" He said curiously. Nabalik ako sa reyalidad nang nabanggit ko pala ang title ng magiging topic namin.
"I mean..Love is Confession ang topic namin." Pagtatama ko sa kaniya at liningon siya. Nginitian ko siya at alam kong nakikita niya ako sa peripheral vision niya.
"That's really interesting, huh?" May patangu-tango pa ang loko. "Panonoorin ka naman nina Iwyn at Jamila. Ichecheer kita." Sige, okay lang na mandamay siya, basta naroon siya bilang inspiration ko. Wa! Lol!
Inihinto niya ang itim niyang Mustangs ng nasa labas na kami ng gate. Naunang siyang nagtanggal ng seatbelt niya at lumabas upang pagbuksan ako ng pinto. Tinulungan niya rin akong tanggalin ang aking seatbelt, saka iginaya palabas.
"Uhm..pasok ka muna sa loob?" Pag-aaya ko sa kaniya.
Sa loob-loob ko, sana pumayag siya. Kilala naman na siya ng family ko, dahil palagi ko siyang ikinukwento at kaibigan ko nga silang tatlo. Hindi na sila bago kanila Mommy at Daddy.
Nginitian niya at at umiling siya. Ngumuso ako at nagpapadyak ng palihim. Kailan kaya siya muling dadalaw? 'Yung regalo niya sa aking shi tzu na aso..namimiss na siya. Ako rin.
"It's late na already. Hinihintay na rin ako nang alaga kong aso."
"Oh? Kumusta na si baby Yanke sa'yo?" That's was my gift for him! Same as him, same shi tzu!
"Yanke was always good. She always eat her food, drink her milk, and sleep 8 hours and up.."
"Taray? Parang tao lang pala kung itrato mo?' Nginitian niya ako at tumango.
Grabe talaga! Kung nakakalglag panty lang ang ngiti niya, kawawa mga makakakita sa kaniya. Not me, bruh? May girls boxer ako. Lol.
He clenched his jaw before answering my wonderful question. "She is you. I need to take good of care for her, because she was given by you."