Chapter 3

1869 Words
Natapos na ang reportings. Ang pinaka-tumatak lang talaga sa akin ay ang report nina Iwyn at Keo. I tried not to over react on how Keo says about his damn feeling to a girl he likes. At alam ko na kung sino iyon. Hindi nga nagsisinungaling si Iwyn. Sooner, magiging sila na ni Keo, at ako? Magiging isa nalang na tanga dahil sa Hindi ko pag-amin sa kaniya. Huli na nga ba ang lahat para sa akin? Inihilig ko sa couch dito sa hall ang aking katawan. Ngumuso ako nang mapagtanto kung gaano ka responsable si Keo sa feelings niya. Ang swerte talaga ni Iwyn kapag nagkataon. Tinatamad akong pumasok sa susunod pang mga lessons namin ngayong umaga. Pwede naman akong magtanong nalang sa aking mga kaklase kung may ginawa, sinulat o kahit ano. Lol! Ipipikit ko pa lang sana ang aking mata, agad nang pumasok sa aking isip ang usapan namin ni Vash kanina. Tatlong araw nalang ang mayroon sa amin para makapag-handa sa aming report. Wala pa kami ni maski topic o whatsoever para masimulan. Padabog akong tumayo at kinuha Ang mga gamit ko. Dali-Dali akong lumabas sa hall at nagtungo sa parking lot. Nadatnan ko siyang nakasandal sa isang mamahaling sasakyan. Oh? Mukhang mayaman rin ang isang 'to, ah? "Kanina ka pa?" nagkibit balikat ito at naunang pumasok sa sasakyan. Laglag naman ang panga ko bago tumungo sa passenger's seat, pumasok at naupo. Nakapa-ungentleman. Hmp! Binuhay niya na ang at walang pasintabi na pinaandar niya iyon paalis sa lugar. Hindi naman siguro malalaman nina Mommy at Daddy kapag hindi ako pumasok sa afternoon classes ko? And..Umalis pa ako ng university! Muli na naman nag-sink in sa isip ko ang hitsura ni Keo. The way he looked at me, For being gentleman to a girl, and for being patient to that girl. Hulog na hulog na ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan, alam ko sa sarili kong si Iwyn lang ang babaeng kaagaw ko sa kaniya, no other than, siya lang. Dapat ba na maging masaya na ako para sa kanila? Highschool pa lang naman kami, if we're really destined to each other, magiging kami rin in the future. Tama na muna siguro na magkagusto ako ng palihim sa kaniya, total naman hanggang doon lang ang kaya ko eh. Takot rin naman kasi ako sa rejection--commitment also. Natatakot akong sumugal sa isang tao..tao na alam kong hindi magiging sa akin. Namalayan ko na lang ang sariling lumuluha. Iniwas ko ang aking paningin, bumaling sa bintana, pinahid ko ang aking luha saka bumaling muli sa harap. Ang tahimik. Hindi ata maganda ang atmosphere dito ngayon kumpara noon? Pero ako, maganda pa rin. "He's really in love with someone.." Naibaling ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi niya naman ako Liningon. Tanging buntong hininga lang ang pinakawalan niya habang patuloy sa pagmamaneho. "Mm..and I know who is she," sandali siyang tumingin sa akin. Nginitian ko siya na hindi manlang umabot sa mga mata. Kumunot ang noo niya saka bumaling na ulit sa harap. Tch! "Love is Confession." He said out of the blue moon. Napasinghal ako dahil sa mukhang babanat na naman siya ng salita. "What are you talking about na naman ba? Babanat ka na naman namuro kawirduhang salita? Lol, Vash." Umiling-iling ako bago nagpatuloy. "Love is not confession, Vas--' "You'll get what I mean..soon." Hindi na nasundan pa ang conversation namin na dalawa hanggang sa nakarating kami sa paroroonan namin. Tulad nang kanina, hindi niya manlang ako nagawang pag-buksan ng pintuan, basta nalang siyang lumabas at hinintay ako sa may harap ng malaking gate. Nagtataka man kung bakit doon siya pumwesto, minabuti ko nalang na manahimik at lumapit sa kaniya. Tumikhim ito at ipinasok ang parehong kamay sa bulsa. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang mamalayan kong nakatitig ito sa akin. Sinadya ko ang sarili na mamangha sa matayog na gate. Kulay itim ito. Hindi mo makikita kung ano ang nasa loob dahil napaka tinted nito. "Let's go.." Nagkibit balikat ako at sumunod sa kaniya. Sa isang pagtapat lang nang mukha niya sa kulay silver na salamin na nakadikit sa mismong gitna nang gate. "Wow!" Sobrang namangha talaga ako ng bigla nalang bumukas ng dahan-dahan ang malaking gate. Nakita kong ngumiti si Vash sa akin. Liningon ko rin siya saka nginitian pabalik. "Mansion niyo?" Buong galak kong tanong. Nagpantay ang makapal niyang kilay at tumango. Napatitig ako sa ngiti niyang umabot sa kaniyang mata. Makikita ko rin kayang ngumiti si Keo..kapag ako ang kasama niya? "Thinking of him..while you're with someone, huh?" Sarkrastiko niyang sinabi. Naibaba ko ang tingin saka bumuntong hininga. I can't help myself, but to think about him. Hindi na nasundan pa ang aming conversation nang tuluyan na nga kaming pumasok sa itinuturing nilang mansion. I can't help but to amazed on how all the bodyguards smile when they see me. Lumapad pa lalo ang pag-ngiti ko habang Panay naman ang singhal ng aking kasama. "Hindi talaga kapani-paniwalang anak mayaman ka nga.." Sinalubong kami ng isang babae na nakasuot nang isang itim at mahabang coat na siyang umabot upang matakpan ang kaniyang tuhod. Umawang ang labi niya at talagang pinaarko pa niya ang kilay sa paraang kontrabida--kahit naman hindi siya mag-taray..halata na sa hitsura niya Ang pagiging maldita. Nagulat ako nang biglang naramdaman ko ang bigat sa aking balikat. Umakbay pala si Vash. Nagtama ang aming paningin. Palihim niyang inginuso ang babae sa aming harapan. Mukhang naunawaan ko naman ang nais niyang iparating sa akin. Parehas kami na bumaling sa babaeng nagsisimula na mag-taray. Ipanlaban ko kaya ito sa ate ko? Hmp! "Noona..this is my friend, Silva." Nanlaki Ang mata ko ng biglang narinig sa kaniya ang pagbanggit sa second name ko. Not just because naiinis ako but, I find it.. Beautiful like me! Suminghal ang tinawag na 'noona' at tumango bago kami nilapitan. Yumakap siya kay Vash, dahilan para maalis ang pagkakaakbay sa akin at bahagya pa akong maitulak. Ang harsh naman pala, lol! Talagang hinintay kong matapos ang dalawa sa moment nila, bago ako umeksena. Siyempre, bahagya ko ring hinila si Vash, dahilan para magtama ang paningin namin. Yumapos ako sa braso nito at nangangasar na Liningon ang babae. Anong akala niya sa akin? Tatalab ang pagiging mataray niya? Kung ang kapatid ko nga, Hindi manalo-nalo sa akin sa patagalan nang kasamaan nang ugali, siya pa kaya na mukha lang naman mataray..dahil sa makapal niyang brows. "Nice meeting you, Hirai.." Bumitaw ako Kay Vash at sinalubong ito nang yakap. Wow? Akalain mong may pag-plastik rin siya? "Ah..How did you know may last name po?" Kuryos ko iyong itinanong matapos naming maghiwalay. Hindi na siya sumagot pa nang hilain na ako ni Vash patungo sa sala nila. Pabagsak niya pa nga akong bintawan hanggang sa makaupo na ako. Buti nalang at malambot ang sofa nila, kung Hindi, baka nasapok ko na talaga siya kanina pa. Tumaas ang brows ko habang sinusundan siya nang tingin. Mukhang may kinukuha siya sa isang maliit na cabinet. "Bakit dito mo ako dinala? May ilang subjects rin akong Hindi napasuka--' "What?!" Natigilan ako dahil sa biglang pagsalita niya at sinigawan pa ako. Hindi ko nga pala nasabi na nag-cut ako nang klase. Pinag-krus ko ang braso at umupo nang pang-babae, saka siya tuluyang hinarap. Lumapit ito sa akin. Mukha ata siyang may dalaw ngayon, pabago-bago nang mood. "Bakit Hindi sinabi na Hindi ka umatend sa ilang subjects mo?" Napahilot pa ito sa sentido na animo ay nakakaproblema ang Hindi ko pag-attend. "I thought you don't have classes already, so..I brought you here to start our report." Tumawa ako nang mahina saka kumamot sa noo. Grabe? Morning classes lang ang pinasukan ko --alam niya rin naman 'yon, ah? Tapos siya pa ang may ganang kuwestiyonin ako? Lol. Gano'n pa man, nanatili nalang akong tahimik, hanggang sa simulan na nga namin ang pag-iisip sa kung ano ba ang magiging topics namin sa reports. May pupuntahan pa ako mamayang hapon. I need to visit my friend, baka mamaya dead on arrival na pala 'yon..Hindi ko manlang dinalaw. Panay ang pag-nguso ko habang nakikinig sa sinasabi ni Vash. I don't know but, bigla atang nabobo ako Simula nang magsalita na siya about sa mga pwedeng itopic? Lol. "Let's try the love Confession.." Tumango nalang ako bilang pag-sang-ayon sa kaniya. Honestly, halos lahat ng mga sinabi niya Simula kanina, sinasang-ayunan ko nalang. "But...you just said it while ago, right? nasa sasakyan mo pa nga tayo, eh? " nakanguso kong suhestiyon. Lingon niya ako saka tinanguan. Gano'n lang iyon? Napabuntong hininga ako at bumaba sa kinauupuan na sofa. Mayroong nakalatag sa sahig na para siyang comforter, ngunit tila kakaiba ang isang ito. Kulay abo siya na sobrang lambot kapag inuupan. Halata rin sa hitsura nito na mamahalin. Oh, well? He's a member of Hauston's family. No wonder kung bakit gano'n nalang siya kung umasta sa akin. Napaka-ungentleman niya. Napukaw ang atensiyon ko nang biglang maglapag ito nang makakain sa lamesa. Tinanguan niya ako, at umupo sa aking tabi. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan iyon. Isang mensahe lang naman galing sa malapit na mamatay kong kaibigan. Hindi ako kumatok, huh? Baka magkatotoo na sana. Joke! I open the message and read it silently. Duh? Uso sa pamilya namin ang mahiya, lalo na kapag wala kami sa sariling bahay. BitchessMila: -Your sister's came here for looking you. Where are you ba kasi? I didn't wasted my time to reply on her message. I-n-off kong muli ang aking napakamamahaling iPhone na galing pa sa ibang bansa, kaya dapat iniingatan-- "Nag-text ba 'yong gaya-gaya mong crush sa'yo?" I rolled my beautiful eyes away from him. Bukod sa pagiging un-gentleman niya, tsismoso rin pala siya? "Inamin na bang gusto ka rin?" "Nah. It was my friend who is asking if where the hell I am." Tumango siya saka inayos ang mga gamit niya. Napakunot ako ng noo at hinawakan siya sa kamay para tumigil. Liningon niya naman ako ng kunot- noo. See? Gaya-gaya rin siya. "Hands down, Silva." May banta sa tinig nito nang sabihin niya iyon. Umirap akong muli saka inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya. 'Akala mo naman basura akong dumikit sa kaniya, para mag-inarte siya? Damn!' "Are we done na ba? Hindi ako pwedeng gabihin pauwi--I'll gonna visit my Friend too." Tumayo na ako at inayos ang aking mga gamit. "Not yet but we can continued it tomorrow..lunch break--After your class?" I nodded my head. "Sure." Muli na akong humarap sa kaniya nang matapos ko na ang ginagawa. Nakapamulsa na ito at animo'y handa nang umalis. "Can you sent me to the Hauston's Hospital? I need to check if my friend is now okay..before I go to my house." He sighed and nodded. Ngunit, sinimulan ko na sana ang paglalakad ng siya na rin mismo ang pumigil sa akin. Pakiramdam ko, kakaibang bulkanahe ang naramdaman ko nang hawakan niya ang aking kamay. Hindi agad ako nakahinga. "You looked so tired. Aren't you eat first before we go?" He asked. Hindi ko siya magaaang tignan, dahil maski ako, Hindi ko alam kong nakakahinga pa ba nang ayos. "H-hindi na..kanina pa ako hinihintay ni Jamila--sent me nalang there." Hindi ko alam pero, dahan-dahan kong inalis sa pagkakahawak niya ang kamay ko at naunang lumabas. 'Is not going happened. Hindi pwedeng maisip sa kaniya ang ibang tao. They're different. Mas lalong Hindi ko dapat isipin si Keo, kapag iba o siya ang kasama ko. That's very..very unfair for them all!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD