[Samantha] Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga pulis. "Ano ho ang ibig ninyong sabihin?" Tumikhim ang pulis at bumaling sa kanya. "Ma'am, ang ibig niyang sabihin ay huwag na kayo mag-alala dahil kami na ang bahala sa kaso ninyo. Aalamin namin kung sino ang may gawa nito sa 'yo." Sumenyas ang pulis sa kasama para dalhin ang mga ebidensya. May mga itinanong pa ang mga ito bago tuluyan umalis sa apartment niya. Lahat ng pwedeng ibintang kay Zandro ay ginawa na niya. Sinabi din niya na hinaharass siya nito. Umupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Gano'n na lamang ang panlulumo niya ng mapanood ang balita tungkol sa nangyaring barilan kung saan nagpropose si Jc sa kanya. Tatlong araw na pero laman pa rin ng telebisyon ang nangyari. Mayro'ng walong katao ang namatàý, at sampong sug

