[Samantha] PAGMULAT ng mata ay agad niyang kinapa ang dibdib kung tumitibok pa ba ang puso niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil buhay pa pala siya. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay natigilan siya. 'Dinala siya ni Zandro sa hospital?' Mayamaya ay mayro'ng pumasok na napakagwapong doktor at umupo sa upuang nasa gilid ng hospital bed niya. Napatulala pa siya rito. Katulad ni Zandro ay tila isa itong hollywood actor. Malaki ang pangangatawan. Napalunok siya nang magkakasunod— Paano ay bigla nalang siyang kinilabutan. Oo, gwapo nga ito subalit nakakatakot ang awra nito. "D-Doc, ayos lang naman ako, di'ba? P-Pwede na ba akong umuwi?" Wala sana siyang balak magtanong rito. Bukod sa mukha itong mapanganib ay napakadilim ng mukha nito— Na para bang nagbabanta wala pa mang sinasabi.

