[Samantha] Pagkalipas ng dalawang linggo ay mas lalong dumami ang pinapadala ni Zandro na mga death threats sa kanya. Sa tuwing magkikita din sila ni Jc ay palagi itong kasama ng nobyo niya. Gusto man niyang sabihin kay Jc ang mga kasalanan nito sa kanya ay hindi niya magawa. Nawawalan siya ng boses sa tuwing kaharap niya ito. Nagpasya sila ni Jc na magpakasal sa loob ng walong buwan. Kailangan pa kasi niya na hintayin ang mama niya na makauwi ito. Naiilang siya habang hawak ni Jc ang kamay niya at hinahalikan. Hindi siya naiilang dahil sa ginagawa ni Jc, kundi ay naiilang siya sa tingin ni Zandro sa kanila. Oo, nakangiti ito habang nakatingin sa kanila pero alam niya na peke ang ngiti nito. Nang tumayo si Jc para magtungo sa restroom ay lumipat si Zandro sa kanyang tabi pagkatapos nit

