[Samantha] Inayos niya ang suot na kulay purple na bestida at saka sinuklay ang maikling buhok. Inimbitahan siya ni Claire sa ika- eighteenth birthday nito at syempre ay kasama niya si Wina o mas kilala ng mama niya bilang Darwin. "Ma, alis na po ako." Paalam niya si ina. "Hindi mo ba hihintayin si Darwin?" Kunot ang noo na tanong nito. Umiling siya. "Hindi na, ma. Doon na lang daw kami magkita kila Claire." Aniya. "Oh siya, sige. Mag- iingat ka." Bilin ng mama niya. Medyo may kalayuan ang sakayan ng tricycle sa kanilang bahay kaya naman kailangan niya pang maglakad sa madilim na daanan patungo ro'n. Pero dahil sanay siya ay walang kaso iyon sa kanya. Pumikit siya ng masilaw sa ilaw ng kotseng paparating. Nanlaki ang mata niya ng mapansin na tinutumbok nito ang kinatatayuan niya.

