
LORENCE FORD SALVI. 'POV
"Hi princess si Stepani tapos na ba? " tanong ko sa pinsan Kong si Vanessa na nag papakain ng alaga niyang Lion , Kararating kolang para sunduin ang pamangkin kong si Stepani. Sa 9 na pamangkin ko siya ang pinaka close at pinaka paburito ko kesyo saakin daw nag mana ng mukha at ugali. Kami kasi ni vanessa para kaming kambal kung titignan dahil magka mukha talaga kami. Sya ang Girl Version ko...
"Oo kuya kanina payun tapos dahil excited masyado. ingatan mo ang anak ko kuya ha. Marami Pa namang tao duon. " aniya.
Pupunta kasi kami sa Mall of Asia sa Arena . Para manuod ng Concert ng paburito niyang singer. Hindi talaga ako makaka hindi sa pamangkin ko.
"Oo naman princess ohh nandito na pala sya. "
"Hi sa pinaka gwapo Kong Tito tara napo. Moma aalis napo kami ilOveyou " si Stepani sabay halik sa Pisngi ni Vanessa.
"Okey mag iingat kayo. Syanga pala Kuya. Baka nandun rin si Jego. Nag paalam sya kanina na pupunta sila duon kasama niya ata mga kapatid niya. " aniya. Tukoy ni Vanessa sa pinsan ni Sebastian.
Tsk wala naman akong pakealam sa kanila. Dinaman kami close.
Habang nasa biyahe kaming dalawa ni Stepani. Panay sulyap ko sa kaniya. Sobrang Excited talaga niya. Masaya ako dahil nakikita ko syang masaya. Parang ako na ang nag mukhang tatay niya. Kami kasi palaging magka sama. Si Seb puro trabaho at pag sa bahay naman puro mga alaga niya ang kasama.
"Omaaaaaygad tito bilisan na natin baka ma late tayo. Gusto ko maka pag picture sa idol Kong si Anazandra. Grabe tito Look ang ganda niya talaga " masayang sabi niya at pinakita ang mukha ng babaeng idol niya.
Well maganda naman.
"Mas maganda kapa dyan e" aniko na kina tawa niya.
Matagal na akong walang pakealam sa mga babae. Mag mula ng mag hiwalay kami ng Ex Girlfriend ko. 7 years narin ang lumipas pero mahal ko parin sya kahit . Hindi na ako ang mahal niya. Dahil mas pinili niya ang kapatid ko.
Tsk bakit koba sya iniisip.
maka lipas ang ilang minuto naka rating na kami sa Arena
Sobrang daming tao at Mga press.
Pumasok na kami sa Loob at Pumunta talaga kami sa Harapan. Grabe talaga tong pamangkin ko.
----- ANAZANDRA POV
"Zandra mag sisimula na mag ready kana. " sabi ng Direct na may hawak sa grupo namin.
"Okey sir " aniko
Pagka tapos e Announce ang pangalan ko. Lumabas ako sa isang sulok para pumunta sa Harapan ng Stage. Sumisigabong ang palakpakan at ingay na naririnig ko malakas na sigaw ng mga tao. Sinisigaw nila ang pangalan ko
Sinimulan Kong kantahin ang awiting TADHANA.
Sa Hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo 🎶
May minsan lang na nag dugtong🎶
Damang dama na ang ugong nito 🎶
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkanta ng madako ang mata ko sa Lalakeng pinaka ayaw kong makita.
Nandito sa Consert ko ang pinaka walang hiya kong Ex-boyfriend at Kasama pa talaga niya ang walang hiya kong Ahas na kaibigan. Tsk bagay nga sila . isang Ahas na babae at isang lalakeng basura . Si Jerick Sandoval ang nag iisang dahilan kung bakit naging matigas ang puso ko. Kung bakit naging manHater ako . Sa dinami daming babae kaibigan kopa talaga.
Hanggang sa matapos ang kanta ko hindi parin naalis ang mata ko sa kanilang dalawa . Ang kakapal .
Bakit ba sila nandito .
Nandito lang ba sila para ipakitang nag mamahalan sila . Mga walang hiya.
Masigabong palakpakan at sigawan ng mga tagaHanga ko ang naririnig sa loob ng Arena .
Pumunta sa Harapan ang host at nag umpisa ng mag tanong ng kung ano ano.
" miss Zandra gusto naming malaman lahat kung single or Taken kaparin ba? " . Tanong ng Host.
Haaayst alam naman nilang lahat na Wala na kami ni Jerick bakit Pa nila tinatanong. Tsk gumagawa lang sila ng issues eh.
Nadako ang mata ko kaya Jerick habang yakap yakap si Carla at pareho silang naka tingin saakin. At ngumisi
Aba !
" hahaha ikaw talaga Host Leah. Syempre sa Ganda Kong to. " aniko at pekeng tumawa.
"Pwede ba namin malaman kung sino ang Swerteng lalakeng nag palambot sa puso ng isang Anazandra? Nandito ba sya ngayon. " ani ng Host.
Patay na. Ano sasabihin ko ayaw kong isipin ni Jerick na hindi ko syang kayang palitan.
Ginala ko ang paningin ko at nadako ang mata ko sa lalakeng nasa harapan. Naka upo lang ito. Malayo palang alam kong Gwapo ito. Kaya hindi ako mapapahiya.
"YES host Leah. Nandito ang BOYFRIEND KO " aniko na nag pagulat sa lahat. Nag simula naman mag kislapan ang mga Camera ng mga press.
Bumaba ako at pumunta sa Gawi ng Lalakeng nakita ko.
Habang papalapit ako sa Kaniya. Tili ng mga Fans ko naririnig ko.
Gaaaash ang Gwapo niya pala lalo na sa malapitan . Artista ba ito ?
Nakita kong kumunot ang Nuo niya . Nasa harapan na niya ako kaya niyakap ko siya at binulungan
"PLEASE WAG MOKONG IPAHIYA LET'S PRETEND NGAYON LANG TO " aniko at hinalikan sya sa Lips na Lalong kina ingay ng mga Fans ko. Kitang kita sa Napaka laking Screen an

