Dalawang linggo ang lumipas. masaya at puno ng pag mamahal ang relasyon nina Lorence at Anazandra, marame narin silang lugar na napuntahan mag kasama at sa dalawang linggo na iyon ay hindi narin nag paramdam si Zegi sa Dalaga. Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan umalis ni Zandra papuntang Singapore dahil meron itong concert
"Ilang araw ka duon Hon?" malambing na ani ni Lorence sa nobya habang naka yakap ito sa likod
Habang si Zandra naman ay abala sa pag aayos ng mga gamit na kaniyang dadalhin.
"five Days Hon, next week pa ang kasal natin at naka handa narin naman natin lahat diba?" sagot ng dalaga.
Humalik muna si Rence sa pingi ng nobya bago sumagot "Yes, haayst kung hindi lang ako kailangan sa kompaniya at kung wala lang akong bagong misyon sa NBI ay sinamahan na kita" ani ng binata at humalik ulit ito sa leeg ng nobya
Katulad nga ng kagustuhan ni Lorence ay Magka sama na sila sa iisang bubong, nasa Sariling bahay ni Lorence na sila nag sasama, dahil ayaw na nitong nakikitang bumibisita si Zegi
"It's okey Hon lagi parin naman tayo mag vi-Video Call time to time Hon pag hindi ka busy okey? I Love you" malambing na sabi ni Zandra at humarap ito sa Nobyo
"I Love you too Hon" mahinang sagot ni Rence at hinalikan sa labi ang kaniyang pinaka mamahal na Nobya.
Habang si Zandra naman ay ewan ba niya kung bakit siya nakaka ramdam ng Kakaibang kaba habang kahalikan niya ang nobyo.
kaya naman ay tumigil siya saglit at pinag dikit ang kanilang nuo
"Hon gusto ko pag balik ko after 5Days matapos muna ang misyon mo, malapit na ang kasal natin. huwag kang mamba-babae ha"
Mahinang tumawa ang binata at hinaplos nito ang malambot na labi ng nobya
"anong akala mo saakin Hon Babaero? Sayo lang ako at saakin kalang tandaan mo'yan my Mrs Anazandra Baltazar-Salvi" naka ngiting sagot ng binata na ikina ngiti lalo ng dalaga.
Matapos maayos ang lahat ay hinatid na ni Lorence ang kaniyang nobya sa airport kung saan ang Private Plane na pag-aari ng Salvi Group. kasama rin nito ang personal Assistant at pinasamahan rin ni Lorence ng Limang bodyguards ang kaniyang Nobya.
-
Kina Gabihan habang mag-isang kumakain Si Lorence ng maka tanggap siya ng tawag galing sa kaniyang pinsan na si Vanessa
"Yes Princess" aniya
"Kuya ikaw na ang maki pag kita kay Mr Romulo, hindi ako makaka punta nilalagnat kasi si Rafaela, gusto kong ako ang mag alaga sa anak ko" ani ng nasa linya
"It's okey princess, iyon lang ba?" aniya
"Yes kuya Thankyou" tugon ng nasa linya. nito at pinatay na ang tawag.
Si Mr Romulo ang isa sa may pinaka Malaking Share sa LS Business group na pag-aari niya. napag usapan nila ni Vanessa na ito ang makiki pag negoci sa business man tungkol sa bagong Branch na ilalabas nila
Kinabukasan alas-syete palang ng umaga ay umalis na si Lorence patungo sa kaniyang Kompanya, habang nag mamaneho ay kaagad niyang naisip ang kaniyang Nobya, kaya naman ay kinuha niya ang kaniyang Phone at tinawagan ito sa Videocall kahit hindi niya sigurado kung naka rating naba ito, dahil sinabi naman ng dalaga na tatawagan siya nito kapag nasa Singapore airport na ito, wala pamang benty kuwatro oras ay sobrang namimiss na niya ito. Kaya hindi na niya mahihintay na ito pa ang tatawag sa kaniya.
"Honey" kaagad na ani ng nobya nang sagutin nito ang kaniyang tawag
"How are you Hon nasaan ka? Naistorbo koba ang tulog mo?" aniya habang pasulyap-sulyap ang kaniyang tingin sa Daan at sa kaniyang ka VideoCall
"I'm good Hon, papunta na kami sa Hotel na tutuluyan namin, sorry hindi ako naka tawag pag dating namin ng airport inaantok kasi ako, ikaw mukhang nag mamaneho ka, saan ka pupunta?" ani ng Nobya
"Office Hon, mamayang 8:30 AM pupunta ako ng Green Hotel makiki pag meet ako Kay Mr Romulo. pagka tapos ay babalik rin ako ng Office Hon"aniya na para bang isa silang mag asawa na dapat pang sabihin kung saan sila pupunta o kung anong oras sila aalis.
"Okey, Nag breakfast kana ba bago ka umalis Hon"
"Sa Office lang Hon, are you really sure na okey kalang bakit parang namumutla ka?" aniya at hindi niya maiwasang mag alala lalo na't magka layo sila. sa Airport palang ng ihatid niya ito ay napansin na niya ang pamumutla ng nobya
"I'm okey hon Don't worry napagod lang ako tsaka ina-antok parin ako, I'll call you later Hon I love you mag focus ka sa pag mamaneho" ani ni Zandra habang namumungay na ang mga Mata nito.
"Okey Hon I Love you too just take care yourself okey" aniya
-
"ShaSha pupunta ako ng Singapore ikaw na ang bahala kay Lorence. bawat galaw at pag kikita niyo ay may Kukuha sa inyo ng Video at picture , don't disappoint me"ani ni Zegi sa Babae habang nasa loob sila ng Kotse, naka upo lamang ang babae sa harapan ng kandungan ng binata habang lumalakbay ang mga kamay nito sa dalawang malulusog na hinaharap ng babae.
"Trust me babe" sagot ng Babae kasabay ng pag galaw nito sa ibabaw ng binata.
At nang matapos sa kanilang ginagawa ay hinatid na nito ang babae sa Harapan ng Building na pag aari ni Lorence Salvi
"Thank-you babe " ani ni ShaSha ng maka hinto na ang kotse at bago ito bumaba ay nag halikan muna ang mga ito.
"Hi nasa loob ba si Mr Salvi?" Unang sabi ng babae sa Secretary ni Lorence
"Excuse me po Ma'am puwede ko bang malaman kung sino ho sila?" magalang na sagot ng Secretary
"I'm ShaSha Romulo" tipid na sagot ng babae na ikina gulat naman ng Secretary
"Ay opo -opo ma'am tuloy ho kayo" agad na sabi ng Secretarya
Napa angat naman ng ulo si Lorence ng biglang bumukas ang Pinto ng kaniyang opisina at kaagad siyang napa kunot nuo ng makita niya ang isang babaeng pumasok sa kaniyang Opisina kasunod nito ang kaniyang Secretarya. hindi niya ito kilala kaya napa tingin siya mula ulo hanggang paa sa babae at ng mapa tingin siya sa mukha nito ay kaagad siyang naka ramdam ng inis dahil sa malagkit na tingin nito sa kaniya .
"Hi Mr Salvi nice to meet you, I'm ShaSha Romulo Don Kimisio's Daughter ako na ang nag presentang pumunta dito dahil hindi makaka punta si Daddy sa meeting niyo" ani ng babae sa kaniya At hindi naman naka ligtas sa Secretary ni Lorence ang pasimpleng pag kagat nito ng labi pagka tapos mag salita.
"Hindi sinabi ni Mr Romulo na anak niya ang pupunta ngayon" malamig na sabi ni Lorence
"Okey then tawagan mo si Daddy" maarteng sabi nito
" I'm sorry Ms Romulo ang Daddy mo ang Gusto namin maka meeting" Bale walang ani ng binata at ibinalik ang kaniyang atensyon sa pag pirma ng mga papeles.
Akmang mag sasalita pa sana si ShaSha ngunit pinigilan na lamang niya ang kaniyang sarili dahil nahalata na niyang ayaw siyang maka usap ng Lalaki
'Pag bibigyan ko ang pam babalewala mo ngayon sa saakin Mr Salvi dahil nasa Opisina tayo, pero sa susunod na pag haharap natin ay sisiguraduhin kung sa Kama na ang bagsak mo saakin' ani ng Kalooban ni ShaSha at walang paalam na lumabas na ito ng opisina.