Patakbong lumabas ng Exit Area si Zandra at hindi na niya hinintay matapos ang kaniyang Concert. wala siyang gustong gawin sa mga oras na iyon kundi ang maka uwi At umiyak lamang, nasasaktan siya sa isiping niloko siya ni Lorence
"Ana? " ani ng isang pamilyar na Tinig ang pumukaw sa pansin ng dalaga. Kaagad siyang nagulat ng malingunan niya ito at mapag sino ang lalaking tumawag sa kaniya.
"Zegi? Wha-what Are you doing here? I mean hindi ba nasa—
"Meron akong dinaluhan na Business meeting dito, then nalaman ko sa social media na may Concert kanga dito, kaya naki nuod narin ako habang nandito narin naman ako–wait are you Crying Ana?" wika ng binata at inilapit nito ang mukha sa dalaga sabay hawak nito sa magka bilang pisngi ni Zandra
Ang hindi alam ni Zandra ay merong isang tao na hindi kalayuan sa kanila ,habang kinukuhanan ng litrato ang bawat kilos nila ng binata at kung titignan sa larawan na iyon ay iisipin ng kahit na sinong makaka kita sa dalawang tao na nasa litrato naiyon ay iisiping nag hahalikan ang mga ito
Umiling ang dalaga at malungkot na ngumiti sa kaharap. Pagka tapos ay umatras ng konti upang mabitawan nito ang kaniyang mukha.
"I'm okey Zegi, gusto ko ng umuwi—
"Saan hotel kaba naka in? Ihahatid na kita" putol ng binata sa kaniyang sasabihin
"No, you don't need—
"Alam mong hindi ako tumatanggap ng Hindi Ana" saad ni Zegi at hinawakan na siya nito sa siko kaya napa buntong hininga na lamang ang dalaga bago napa tango. Wala naman siyang magagawa dahil alam niyang kukulitin lamang siya ni Zegi para maihatid siya.
Pagka tapos siyang maihatid ni Zegi sa Hotel na kaniyang tinu tuluyan ay nagulat pa siya ng bigla siyang halikan nito sa pisngi pagka tapos ay tinalikuran na siya nito at nag madali ng sumakay sa kotse nito.
Kina umagahan nagising si Anazandra dahil sa ingay ng kaniyang Cellphone. antok na antok pa siya ng sagutin niya iyon, pagka tapos ay halos mabingi siya dahil sa lakas ng mura ng isang lalaki sa kabilang linya.
"Damn You! Woman, hindi kapa umabot ng ilang araw diyan, nakiki pag halikan kana sa ibang lalaki!" sigaw ng nasa linya at halata sa boses nito na lasing ito. At batid niya ang sobrang galit nito kahit hindi naman niya alam kung ano ang kina-kagalit nito
'Tsssk mokong nato ano naman ang problema ng g*go na 'to? Aba, siya pa ang may ganang magalit tsssk baliktad ata, diba ako dapat ang nagagalit ngayon dahil nakiki pag landian siya. At teka anong pinag sasabi niyang nakiki pag halikan ako tsssk' ani ng isip ng dalaga
"Lorence? Anong—
"Umuwi kana dito Zandra kung ayaw mong ako mismo ang pupunta sa'yo d'yan" saad ng binata pagka tapos ay binabaan na siya nito ng tawag.
"Aba't talagang uuwi ako dahil ikaw ang may atraso saakin hindi ako!" Gigil na sabi ni Zandra, ngunit hindi na'yon narinig ng nasa kabilang linya dahil kaagad na nito ibinaba ang tawag.
*
LORENCE point of view-
Hapon na ng magising ulit ako, naka tulog pala ako dahil sa kalasingan kanina. Oo nag lasing ako simula kaninang umaga at alak ang ginawa kong almusal
Sh*t ang sakit ng ulo ko, napa dami ata ang nainom ko dahil hapon na ako nagising. Bumangon na ako at nag tungo na sa banyo upang maligo at para guminhawa naman ang pakiramdam ko ngayon lalo't may meeting pa akong pupuntahan mamayang five ng hapon. Tsssk! 3:45 palamang kaya meron pa akong oras para kumain at para matawagan ko narin ang Fiance ko.
Damn! Ang Fiance kong... Arrrgh no no, mahal ako ni Anazandra at hindi niya magagawa saakin ang mga iyon.
Yesterday night kakauwi kulang galing work at sobrang pagod na pagod ako, tinatawagan ko si Zandra pero naka patay ang phone niya, kaya inisip ko na lamang na baka busy siya at tatawagan niya rin ako. Pero umabot na ng madaling araw ay wala akong natanggap na Text or Call na galing sa kaniya. Kaya naisip kong matulog nalang dahil baka pag gising ko ay tatawag na siya, pero hindi paman ako nakaka pikit ng maka tanggap ako ng sunod-sunod na Chat Message sa f*******: Messenger ko, kaya naman ay tinatamad ko kinuha ang phone ko sa tabi ng lampshade at bigla akong napa kunot nuo ng makita kong galing sa isang hindi kilalang tao ang mga larawan na ipinasa saakin. At bigla ay nawala ang antok ko at napalitan ng galit, oo Sobrang galit na galit ako habang tinitignan ko ang mga larawan kung saan may kahalikang ibang lalaki ang babaeng mahal ko. At hindi lang basta ibang lalaki ang kasama ni Anazadra sa larawan kundi ang lalaking dati ng nag papakulo sa dugo ko at walang iba kundi si Zegi.
Pagka tapos kong maligo ay timing namang tumatawag na si Anazandra, kaagad koyun sinagot subalit hindi muna ako nag salita at hinayaan ko muna siyang mag salita at napapa pikit na lamang ako habang pinapakinggan ko ang boses niya sa kabilang linya
Damn I Love her so much
Muli ay bigla kong naalalang sinigawan ko pala siya kaninang lasing na lasing ako. kaya naka ramdam rin ako ng takot na baka galit rin siya dahil naging ganun ako
"hello Rence nakikinig kaba?" aniya kaya naman ay napa balik ako sa katinuan
"Hi—
Hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil kaagad siyang nag salita at teka bakit nagagalit ang boses niya?
"May problema ba tayo Mr Lorence Salvi?" aniya, na ikina kunot nuo ko ganito siya satwing nagagalit o napipikon, damay lahat ang Full name ko
"Kasama moba si Zegi d'yan?" Unang tanong ko na nag patahimik sa kaniya sa kabilang linya
"Hindi ko siya kasama pero nandito siya about business—
"So nag kita nga kayo" sabi ko at heto na hindi kona napipigilan ang Temper ko at talagang nasigawan ko na naman siya
"Oh bakit ka sumisigaw? Hindi ako bingi umayos ka, tsaka wala akong ginagawang masama dito—
"Wala? Wala ba talaga Anazandra? Oh baka naman napag usapan niyo na ni Zegi na d'yan na kayo mag sasama tsssk! Wow masarap ba siyang humalik—
"Ano bang pinag sasabi mong lalaki ka? Bakit mo ako binabaliktad? Eh ikaw nga itong may ibang kalandian d'yan tapos kung ano-ano pinag sasabi mo—
"Kung wala ka talagang ginagawang kalokohan d'yan umuwi kana dito, kung ayaw mong ako mismo ang pupunta d'yan Anazandra" putol ko sa iba paniyang sasabihin, tsssk pag bibintangan paniya akong gumagawa ng kuwento samantala siya itong nakiki pag halikan sa ibang lalaki.
"Alam mong hindi ko p'wedeng gawin 'yan Lorence—
Hindi kona pinatapos ang iba paniyang sasabihin dahil kaagad ko ng pinatay ang tawag. We'll kung hindi nga siya uuwi, ako ang pupunta sa kaniya