“You are so beautiful hon, parang ayaw kona tuloy pumunta. Gusto ko mag kulong na lang dito sa hotel kasama ka. my beautiful Zandra” malambing na wika ni Lorence, habang naka yakap sa likod ng nobya at naka harap sila sa lalaking salamin. Naka suot si Anazandra ng Plunging neck, evening long dress. Habang hinayaan niyang naka lugay ang kaniyang buhok na pinag kaabalahan niya talagang ayusin at pakulutin. Hindi na siya kumuha ng mag aayos sa kaniya dahil kaya naman niya ang kaniyang sarili. At ayaw rin niya ng maraming arte sa mukha, kaya napaka simple lamang ng pagkaka ayos niya. Light make-up at kaunting brown lipstick lamang ang inaplay niya. Ngumiti ng matamis si Anazandra tsaka hinarap ang pilyo niyang nobyo. “Hindi puwede Hon, hahanapin ka duon at para saiyo ang party na hinanda

