*flasback continuation*
Kinabukasan maaga pa lang nasa labas na ng bahay nila Eloisa si Edgar at inaabangan ang dalaga na lumabas. Ngunit lagpas alas otso na ay hindi pa rin niya nakikitang lumabas ang dalaga kaya napilitan na siyang mag tao po sa tapat ng bahay ng mga Marasigan.
"Tao po, tao po!" pagtawag pansin niya sa taong nasa sa loob ng bahay.
Bumukas ang pintuan at lumabas mula roon ang babaeng kanina pa niya inaabangan na lumabas. Nakasuot lang ito ng maong short at sleeveless na color red na blouse na bumagay sa dalaga kahit na nakapambahay lang ito.
"I-ikaw!? anong ginagawa mo rito?" pagtatakang tanong ni Eloisa ng mabungaran siya nito sa labas ng bakuran.
"Hi! Magandang umaga sayo, Eloisa. Actually kanina pa ko rito sa labas ng bahay ninyo, Nagbabakasakali na masilayan ka at maihatid ka sa school mo ngayong umaga, ang kaso mali ata ang timing ko!" aning turan ni Edgar na napahimas sa batok nito.
"Wrong timing ka nga! Wednesday ngayon wala akong pasok sa school tuwing monday, tuesday, thursday at friday lang ang pasok ko." aning wika naman ni Eloisa.
"Kaya naman pala! Naabala ba kita? ah! wait lang Eloisa, may kukunin lang ako sa kotse." naglakad pabalik si Edgar sa sasakyan at binuksan ang pintuan non upang kuhanin ang biniling bulaklak at chocolate bar para sa dalaga.
Bitbit ang bulaklak at chocolate na lumapit sa dalagang naghihintay sa kanya sa harap ng tarangkahan ng bahay.
"For you, sana magustuhan mo ang bulaklak? hindi ko alam ang gusto mong bulaklak pero sana magustuhan mo pa rin yan." aniya kay Eloisa na iniaalay ang bungkos ng white roses at 3 piraso ng chocolate bar.
Tinanggap naman ni Eloisa na nakangiti ang ibinigay niya at inaya siyang pumasok sa loob.
"Salamat rito, nagustuhan ko. Pasok ka na muna at nakakahiya kung dito tayo sa labas mag- uusap di ba!"
Pagkapasok ni Edgar sa simpleng bahay nila Eloisa ay nakita niya ang mga magulang ng babae at ipinakilala siya ng dalaga.
Maayos naman siyang pinakiharapan at binigyan sila ng privacy ng dalaga nang pumasok sa kusina ang nanay ni Eloisa at ang tatay naman nito ay pumasok ng silid.
Nasabi naman sa kanya ng dalaga na nasa school ang dalawa nitong kapatid na nakababata. 20 years old pa lang si Eloisa at malapit na ring makagraduate sa kursong Management na ikinatuwa na rin ni Edgar dahil ang akala niya nga nung una ay nasa 18 pababa lang ang edad ni Eloisa, pero ng sabihin ni Nenita na ka batch ng kapatid nito ang dalaga ay napag- alamanan n'yang lagpas disi otso na nga ang dalaga.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? hindi ko inaasahan na hahanapin mo nga ang bahay namin. Seryoso ka ba!? kahapon kase binibiro lang naman kita. Nasurprise ako ng makita kita sa labas ng bahay namin." seryosong turan ng dalaga.
"Ginawa ko lang naman ang sinabi mo at hindi naman ako nahirapan dahil kilala ka nga sa lugar na ito na miss Sk Chairman. Ang galing mo nga kase bukod sa pag aaral ay napagsasabay mo ang obligasyon mo bilang chairman ng mga kabataan rito. Pasensiya ka na kung nagtanong tanong ako tungkol sayo ha!. Gusto ko lang makilala ka ng husto at sa mga nalaman ko ay lalo lamang akong napahanga sa iyo Eloisa. Siguro naman ngayon masasabi kong seryoso ako sa pangliligaw sayo, dahil hindi ko naman gagawin ang mga bagay na ito kung hindi di ba?!"
Napasulyap si Eloisa sa mukha ni Edgar. "Bakasyonista ka lang dito di ba at isa kang Alminarez, apo ka ni Don Edgardo na kilalang tao rito sa poblacion. Mahirap lang kami ng pamilya ko Edgar, nakikita mo naman. malayo sa nakasanayan mong buhay kaya hindi ako ang babaeng nababagay para sayo. Hanap ka na lang ng babaeng kapareho ninyo ng estado sa buhay."
"What!? sinisimulan ko pa nga lang ang pangliligaw Eloisa, binabasted mo na agad ako!and it's just because mayaman kami at simple lang ang buhay ng pamilya mo. Ang unfair naman ata ng idadahilan mo sa akin Eloisa. Hindi naman na ako teen ager pa na hanggang ngayon ay nasa sarili pa ring poder ng mga magulang ko. Im on the right age, 24 na ako para magpasya sa sarili ko at hindi na ako nakadepende sa yaman ng pamilya ko, dahil may sarili naman na akong business sa maynila." bulalas na pagpapaintindi ni Edgar sa dalaga.
Natigilan si Eloisa sa itinuran ni Edgar sa kanya. May point naman kase ang binata pero big deal talaga sa dalaga ang estado nila sa buhay.
"Im sorry!" tanging na bigkas ng dalaga.
"Hindi ako susuko sa panliligaw sayo Eloisa. Hindi ko matatanggap na iyon lang ang ibibigay mong dahilan para hindi mo ko papasukin sa buhay mo. Nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo rin ako, tama ako di ba Eloisa? Give me a chance na maipakita at mapatunayan ko sayo ang sarili ko na kaya kong panindigan ang nararamdaman ko para sayo." litanyang saad ng lalaki.
Napailing ng ulo niya si Eloisa dahil sa pagiging makulit at conceited ni Edgar. Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil hindi niya magawang kontrahin ang sinabi ng lalaki.
"Don't tell me na na love at first sight ka sa akin? Parang ang hirap naman atang paniwalaan yun!" wika ni Eloisa na hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Edgar.
"Kahit naman ako hindi rin makapaniwala na mararamdaman ko ang ganito sa iyo Eloisa. Una pa lamang kitang nakita nakuha mo na ang atensyon ko. Ikaw na lang lagi ang laman ng isip ko, weird pero iyon ang totoo. First time na nagawa kong kilalanin ang isang babae na magtanong tanong sa ibang tao, first time din na gumising ako ng napakaaga at bumangon ng maaga para lang makita ang babaeng nagugustuhan ko na never ko pa talagang nagawa noon." pagpapaintindi ni Edgar sa kanya.
"Please Eloisa, give me a chance to prove na hindi hadlang ang estado ng buhay natin para mahalin natin ang isa't isa." ani pa ni Edgar.
"Mahal?, mahal talaga agad?! Pwede naman crush lang kase yan!. Nagagandahan ka rin lang sa akin tulad ng iba, baka nagkakamali ka lang sa inaakala mong nararamdaman para sa akin, napakaaga pa para sabihin mo sa akin na mahal mo na agad ako. Okay ka lang?" natatawang sambit ng dalaga na hinaluan niya ng pagbibiro dahil naiilang na siya sa usapan nila ni Edgar.
Napakabilis naman kase ng binata kung manligaw. Sanay naman na siya na maligawan ng lalaki at hindi lang naman si Edgar ang mayaman na sumubok na makamit ang matamis niyang oo, pero iba sa lahat si Edgar. Natutuwa siya rito samantalang sa iba ay naiinis siya.
"Then, tignan natin kung ano nga ba ang nararamdaman ko para sayo. Hindi kita mamadaliin Eloisa, hayaan mo lang akong ipakita sa iyo kung gaano kita kagusto." sagot agad ni Edgar.
"Okay! ikaw ang bahala pero ayokong umasa ka ha!" ani na lamang ni Eloisa.
Nagsimula ngang manligaw si Edgar kay Eloisa ng payagan naman na siya dalaga na suyuin niya ito. Halos araw araw ay magkasama silang dalawa na naging hatid sundo pa nga ni Edgar si Eloisa sa bahay, school at school, bahay. hanggang sa isang araw ay ayain ni Edgar na makipagdate sa kanya si Eloisa ng araw ng linggo, after nilang mag attend ng misa sa simbahan sa bayan ng poblacion.
Hindi na lingid sa kanila ni Eloisa na usap- usapan na ang panliligaw niya sa dalaga pero dahil totoo naman ang sapantaha ng mga tao at wala naman masama sa pakikipaglapit niya kay Eloisa ay ipinagpatuloy pa rin ni Edgar ang panunuyo at panliligaw kahit na napagsabihan na siya ni Don Edgardo tungkol kay Eloisa, dahil iniisip ng abuelo niya na baka masaktan lang niya ang dalaga.
Gusto niyang patunayan sa kanyang lolo Edgardo na tunay at tapat ang nararamdaman niya kay Eloisa, kahit sa mabilis na panahon at sa araw- araw na nakikilala niya ang dalaga ay lalo lamang siyang nahuhulog para rito.
"Edgar, saan tayo pupunta? Akala ko ay kakain lang tayo bakit parang lumalayo na tayo sa bayan?" aning tanong ni Eloisa.
"Relax, hindi naman tayo lalayo, gusto ko lang na makapag usap tayo ng maayos at may gusto rin akong ipakita sayo. Trust me Eloisa wala akong gagawing masama sayo kung yun ang ipinag aalala mo!"
"May tiwala naman ako sayo Edgar, medyo nagtataka lang ako dahil ang inaasahan ko ay sa bayan lang tayo at kakain lang sa labas." paliwanag naman ng dalaga.
"Saan ba tayo pupunta? Saan mo ba kase ako dadalhin?" dagdag pang pangungulit na tanong ni Eloisa.
Napangiti si Edgar kay Eloisa. "Malapit na tayo!" aning sagot ni Edgar kaya nanahimik na ang dalaga.
Inihinto ni Edgar ang sasakyan nila malapit sa baybaying dagat. Namangha si Eloisa sa lugar dahil kahit na taga roon siya ay hindi naman siya napapadpad sa lugar na pinagdalhan sa kanya ng lalaki.
"Ang ganda naman ng tanawin rito Edgar! paano mo nalaman ang lugar na ito?" namamanghang wika ni Eloisa.
"Nakapunta na kami nila Lolo at Daddy rito noong bata pa ko. Kapag nauuwi kami rito sa Guimaras may mga araw na nagpupunta talaga kami rito sa dagat. Mahilig mamingwit ng isda sina Dad at Lolo Edgardo, syempre naging libangan ko na rin pero matagal ko ng hindi nagagawa. Naisip kong isama ka rito ngayon dahil gusto kong makita mo ang magandang paglubog ng araw sa lugar na 'to."
"Salamat, sana sinabi mo sa akin agad para nakapagdala ako ng pamalit na damit. Makapagtampisaw at langoy sana tayo kahit saglit lang."
"Marami pa namang next time. Kung gusto mo sa miyerkules punta uli tayo rito. May alam akong magandang spot rito, gusto mong makita?"
"Talaga? sige, tara! gusto kong makita." excited na sagot ni Eloisa.
Lumabas sila sa kotse at dinala niya ang dalaga kung saan sila pumupwesto ng Daddy at lolo niya kapag namimingwit ng isda roon. Sa mataas na malaking bato ay inalalayan niya si Eloisa na muntik ng ma out of balance kaya napayakap ang dalaga sa katawan ni Edgar.
"Okay ka lang!? hindi ka nasaktan? yung paa mo kumusta?" sunud-sunod na tanong ng binata.
"Im okay! hindi lang ako nakabalanse agad kaya medyo gumewang ang katawan ko. Sorry!"
"Sorry, for what?" takang tanong ni Edgar.
"Nag alala ka at napayakap ako sayo. Hindi ko sinasadya." sagot ni Eloisa.
"Akala ko naman kung ano na! sa pag yakap kahit sadyain mo walang problema, gustong gusto ko pa nga. Sana nga lagi mo na lang akong yayakapin ng ganoon. Pakiramdam ko secured ako na walang makakaagaw ng atensyon mo sa akin." banat ni Edgar kay Eloisa na ikinapula ng mga pisngi ng dalaga..
"Mas maganda pala talaga ang view rito, ang gandang pagmasdan ng paglubog ng araw, Nakakarelax." sambit ni Eloisa na tumingin sa papalubog na araw para maiiwas sa mga mata ng binata ang pag iinit ng kanyang mga pisngi.
Napatango na lang si Edgar sa itinuran ng dalaga na halatang umiiwas na naman sa usapan na madalas naman talagang gawin nito.
"Sa sabado nga pala babalik na muna ako ng manila. Kailangan ako roon dahil may mga importanteng bagay na kailangan ang presensiya ko. Gusto sana kitang isama kung pwede, kaya lang alam kong hindi maaari dahil may pasok ka pa sa school at busy ka sa nalalapit ninyong graduation. Sigurado rin akong hindi ka din naman papayag." saad ni Edgar na ikinatango naman ni Eloisa dahil tama naman ang sinabi nito.
"Sana lang bago ako umalis, ay tayo na Eloisa."
Mahinang hiling na saad ni Edgar na nakatanaw sa papalubog na araw at narinig pa ni Eloisa ang pagbuntong hininga ng binata.
Ramdam niya ang bigat sa puso ng lalaki at nalulungkot siya sa nalamang aalis na si Edgar sa kanilang lugar.
"Hindi ako pwedeng sumama sa iyo sa maynila Edgar, alam mo naman ang dahilan katulad nga ng sinabi mo may mga importante rin akong dapat na unahin." wika ni Eloisa.
"I know, kaya nga kahit na gustong gusto kong makasama ka ay titikisin ko para sa pagtupad mo sa pangarap mo. Pero gusto kong kunin na ang pagkakataon na ito Eloisa, gusto kong malaman kung may pag asa na ba ako sa puso mo o kung wala pa rin talaga!? Kung hindi mo ko magagawang mahalin ay tatanggapin ko na lang. Gusto kong makasigurado kung may dapat ba akong balikan o wa.."
"Mahal kita! mahal na kita.." mahinang sambit na pagputol ng dalaga sa sinasabi ni Edgar sa kanya.
"A-anong sabi mo? tama ba ang narinig ko na ang sabi mo ay mahal mo na ko? Mahal mo rin aklo?!" naniniguradong tanong ng binata kay Eloisa na nakangiti kay Edgar at hinawakan ng dalaga ang dalawang kamay ng lalaki at tumingkayad sa harapan ni Edgar upang maabot ng labi nito ang labi ng binata na ginawaran ng damping halik at nang ilayo ni Eloisa ang mukha niya sa lalaki ay matamis niyang nginitian ito.
"Yes, mahal rin kita Edgar. Pareho lang naman tayo ng nararamdaman sa una palang din kitang nakita iba na ang naging pintig ng puso ko lalo na sa tuwing nasa tabi kita, paano namang hindi eh ang gwapo mo kaya! indenial lang ako nung una kase natatakot akong makipagrelasyon sa katulad mong mayaman, yung may maipagmamalaki sa buhay, tapos ako hamak na mahirap lang na nagsusumikap para matupad ang pangarap para sa pamilya ko. Isa rin dahilan kung bakit ayoko pa muna sanang pumasok sa isang relasyon dahil baka hindi ko magampanan ng ayos ang part ko bilang girlfriend. Nalulungkot ako na aalis ka na dito, pero gusto kong malaman mong mahal din kita at handa akong maghintay sa iyong pagbabalik. Ayokong pagsisihan balang araw na hindi ko sinabi sa iyo kung ano ang tunay kong nararamdaman para sayo." pag amin ni Eloisa sa binata.
"Mahal kita, Eloisa! pangako babalik ako agad kapag naayos ko na ang problema sa negosyo."
"Andito lang ako Edgar, palaging maghihintay sayo. Sana lang makabalik ka bago ang graduation namin."
"Next month pa naman ang graduation ninyo di ba? darating ako, pangako yan. So, tayo nang dalawa? girlfriend na kita? mag on na tayo?" magkakasunod na tanong ni Edgar kay Eloisa.
"Yes, yes, yes! tayo ng dalawa, boyfriend na kita at girlfriend mo na ko at mag on na tayo! happy ka? kase ako masaya ako ngayon kase nasabi ko na rin sayo na mahal din kita." masayang wika ni Eloisa.
"Happy? Sobrang happy Eloisa, hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil ngayon ang araw na sa wakas ay natugunan mo na rin ang pag ibig ko. Mahal na mahal kita!" masaya ring turan ni Edgar na niyakap si Eloisa ng mahigpit na ginantihan naman din ng yakap ng dalaga.
Nagbitaw sila ng yakapan at inaya ni Edgar ang nobya na maupo sa batuhan at pinagmasdan nila ang papalubog na araw habang nakasandig ang ulo ni Eloisa sa isang balikat ni Edgar at mahigpit na magkasalikop ang kanilang mga kamay. Nagkatitigan sila ng tuluyang mawala na ang araw. Matagal silang nagkatitigan na parang nahihipnotismo nila ang isa't isa at napapikit na lamang si Eloisa ng maramdaman niya ang paglapat ng labi ni Edgar sa kanyang mga labi na dahan dahan nitong iginagalaw, kahit na unang beses pa lang ni Eloisa na mahalikan ng ganoon ay nagpatianod siya sa mga halik ni Edgar na kusa niyang tinugon at ginaya ang marubdob na halik ng nobyo sa kanya at na awat lang ang kanilang halikan ng may maulinigan silang mga batang maingay na nag uunahang tumatakbo para makarating sa dalampasigan ng dagat.
Muli silang nagkatinginan ng lagpasan sila ng mga batang dumaan lang pala malapit sa pwesto nila. Natawa si Edgar kaya natawa na rin si Eloisa at hinampas niya ang braso ng binata.
Masaya si Edgar na naihatid ang nobya sa bahay ng mga ito at ipinaalam na rin ni Eloisa sa mga magulang na boyfriend na siya nito, na wala naman naging problema sa pamilya ng babae at tinanggap naman ang kanilang relasyon.