*Flashback continuation*
Lumipas ang mga araw na may dalawang puso na sobrang saya na para bang kapag magkasama sila ay kanila lang ang mundo dahil wala silang ibang nakikita kundi ang bawat isa lamang.
Naging routine na nila Edgar at Eloisa ang pagkikita tuwing umaga at hapon na hanggang gabi ay magkasama pa rin sila. Madalas ay sa labas sila kumakain ng hapunan kaya marami ang nakakakita sa kanilang magkasama.
Sa isang seafood restaurant dinala ni Edgar si Eloisa at habang naghihintay sila ng inorder ni Edgar para sa kanilang dalawa ay may lumapit na tatlong babae sa pwesto nila.
"Hi Edgar, remember me? im Erin Bustamante your sister Margaret friend. Madalas sa bahay namin si Margaret kapag narito siya sa poblacion. Nagkita na tayo dati ng minsan kaming dumalaw ng mga kaibigan ko sa mansion ng Lolo ninyo at ipinakilala kami sa iyo ng kapatid mong si Margaret, natatandaan mo pa ba?" ani ng babaeng nagpakilalang Erin.
"Im sorry, pero hindi ko matandaan! pero ang sabi mo Bustamante ka di ba? baka ikaw yung anak ni Mayor na madalas ikwento ni Margaret na friend niya rito sa poblacion. May kailangan ka ba!?" aning turan ni Edgar sa babaeng obviously ay hindi niya matandaan.
"Wala naman, nakita lang kitang kasama mo si miss sk Chairman. Magkakilala pala kayo?"
"Yes, actually girlfriend ko si Eloisa. Magkakilala kayong dalawa?"
"Sino ba naman hindi makakakilala sa kanya eh sikat siya rito sa poblacion. Di ba miss sk Chairman na mang aagaw."
"Gusto mo talaga ng gulo Erin? Tara doon tayo sa labas magsabunutang dalawa, hindi kita uurungan!. Hindi ka naman kakampihan ni Mayor dahil lang sa anak ka niya. Alam naman ng ama mo kung anong ugali mayroon ka. Hanggang ngayon para ka pa ring ampalaya na masyadong mapait. Move on Erin at liliwanagin ko lang uli sa iyo wala akong inaagaw sayo." Tumayo si Eloisa at tumingin kay Edgar.
"Dito ka lang muna!" biling utos ni Eloisa sa nobyo.
"Ano game ka? tara sa labas tayo, ayoko rito sa loob mas malawak ang space kapag sa labas tayo magrambulan." paghahamon naman ni Eloisa kay Erin na hindi naman gumalaw sa kinatatayuan at masama lang na tumingin sa mata ni Eloisa.
"Malakas ang loob mo dahil sa iyo kumakampi ang lahat. May araw ka rin sa akin Eloisa!" aning wika ni Erin na pinagbantaan pa si Eloisa.
"Ilang beses mo na ba yan sinabi? hinihintay ko nga!" pang aasar naman ni Eloisa.
"Sandali lang Erin, may problema ka ba sa girlfriend ko?" singit na tanong ni Edgar sa dalawang babaeng nagbabangayan sa harapan niya.
"Ask her, wag kang magpapabulag sa babaeng yan at baka gamitin at saktan ka lang din niyan." payo ng babae kay Edgar na ikinakunot ng noo ng binata.
Napasulyap si Edgar kay Eloisa, napangiti at nailing naman ang ulo ng dalaga sa sinabi ni Erin sa nobyo.
"Wala kang pagbabago Erin! siraan mo man ako ng siraan sa ibang tao, wala pa ring maniniwala sayo dahil numero uno kang sinungaling!. Hindi ko masisi si Philip kung bakit hindi ka talaga niya magustuhan. Try mong magbago ng ugali baka sakali mapansin ka na niya. Ikaw itong nagbubulag bulagan nakita mong kasama ko si Edgar dito, sinabi na niya na girlfriend niya ko, hindi ba dapat ay matuwa ka pa nga dahil may chance na maibaling na sa iba ni Philip ang pagkagusto niya sa akin." matatag na wika ni Eloisa sa babaeng alam niyang gusto siyang siraan sa nobyo dahil lang sa hindi ito gusto ng lalaking minamahal nito.
Sa inis siguro ni Erin kay Eloisa ay umalis na lang ito sa pwesto nila at lumabas ng restaurant na sinundan ng dalawang kaibigan nito.
"May dapat pa ba akong malaman tungkol sayo, Love!?"
"Matagal na kong ginugulo ni Erin. High school pa lamang kami magmula ng malaman niyang nanliligaw sa akin si Philip ay hindi na niya ako tinantanan. Marami siyang ginawang paninira sa akin sa school na napatunayan naman na hindi totoo ang lahat ng paratang niya sa akin, na kahit ang ama niya na si Mayor ay napapahiya noon dahil sa mga kalokohan niya. Nung una ay hinahayaan ko lang siya, hanggang sa hindi ko na matiis ang pinaggagawa niya kaya lumaban na ako. Palagi siyang nakikipagkompetensya sa akin, naalala ko pa nga ng ako ang kinuhang reyna Emperatriz sa santa cruzan. Ang gusto niya ay sa kanya ibigay ang titulo pero ipinilit ng organizer na ako ang magrereyna Emperatriz at ginawa siyang Reyna Elena. Sinubukan niyang ipasunog ang arko ko noon na mabuti na lang ay hindi ako nasaktan at agad nahuli ang gumawa at itinuro si Erin ang nag utos sa kanila. Malaking kahihiyan iyon kay Mayor noon. Nung tumakbo akong Sk Chairman ay tumakbo rin siya, maraming tsismis siyang ipinalabas pero kahit na anong mga ginawa nila ng mga barkada niya ay hindi naman sila nagtagumpay. Lalo siyang nagalit sa akin ng ipakalat pa ni Philip noon na girlfriend niya ko kahit na ang totoo ay palabas lang naman iyon para tigilan siya ni Erin at hindi ko naman akalain na ang pakiusap na iyon ni Philip sa akin ay tototohanin niya kaya nagalit ako at nagtangkang mag suicide si Philip after ko siyang makompronta ay uminom siya ng maraming sleeping pills, mabuti na lang at naagapang madala sa ospital. Ako ang sinisisi ni Erin sa ginawang iyon ni Philip hanggang ngayon. Bakit ako ang sisihin niya? hindi ko naman inutos na gawin iyon ni Philip. At dahil sa nangyari ipinadala si Philip sa maynila ng mga magulang niya. At ngayon nagbalik uli rito si Philip ay ginugulo na naman ni Erin ang sistema ko. Ang akala ko ay nakalimutan na niya ang nangyari noon at nag matured na siya pero nakita mo naman hindi ba isip bata pa rin, tsk!" litanya ni Eloisa sa nobyo.
"So, itong Philip ay matagal ng may gusto sayo at noon ka pa nililigawan? na love interest naman ng anak ni Mayor at hindi matanggap na ikaw ang gusto nung Philip kaya ka niya pinag-iinitan?" konklusiyon ni Edgar sa sinabi sa kanya ng nobya.
"Ganun na nga! wala naman ibang dahilan. Tanging ang lantarang pagpapakita lang ni Philip ng pagkagusto sa akin ang pinagmulan ng galit sa akin niyang si Erin, dahil hindi siya pinapansin ng lalaking gusto niya. Hindi naman niya ako pinapansin kase noon kahit na nagkakasalubong kami sa daan, nagsimula lang talaga ang galit niya sa akin ng sabihin ni philip sa kanya na ako ang gusto at hindi siya." pahayag ni Eloisa.
"Nasaan na ngayon ang Philip na yon!?" hindi mapigilang itanong ni Edgar kay Eloisa.
"Hindi ko alam, Ewan ko!" aning sagot ng dalaga na nagkibit balikat pa.
"Ayoko ng pag usapan pa sila, sinisira lang nila ang gabi natin." aniya sa nobyo kaya hindi na nag usisa pa si Edgar.
"Okay! bukas pala pagkasundo ko sayo sa school pwede ba kitang dalhin sa bahay. Gusto kong ipakilala ka kay Lolo Edgardo ng pormal na girlfriend ko. Okay lang ba sayo?"
"Sure ka!? nahihiya ako kay Don Edgardo, sa lolo mo. Minsan ko na siyang nakaharap noong nag solicit kami para sa paliga nung nakaraang taon, ramdam kong mabait naman siya pero naroroon pa rin ang nakakaintimidate na awra ng lolo mo."
"Sabi mo nga mabait ang lolo ko, kaya wala kang dapat na ikahiya o ikapangamba!. Gusto ko lang talagang ipakilala ka na sa pamilya ko. After ng graduation mo ay kina Mom at Dad pati sa kapatid kong si Margaret naman na kita ipapakilala kung okay sayo!?"
"Seryoso ka!? Alam mo, natutuwa ako na gusto mo na akong pormal na ipakilala na girlfriend mo sa pamilya mo Edgar, pero sana maintindihan mo na hindi rin kase mawala sa akin na hindi mangamba dahil baka, alam mo na! Pwede bang bigyan mo pa ko ng time? sa ngayon kahit na sa lolo mo na lang muna please!" aniya kay Edgar.
Napabuntong hininga si Edgar pero naiintindihan niya si Eloisa kaya tinanguan niya ang girlfriend at hinagkan niya ito sa sentido.
Ramdam ni Edgar ang pagkalma ng kalooban ni Eloisa ng ngitian na siya nito at yakapin ang kanyang baywang. Isa sa mga katangian ni Eloisa na gustong gusto niya ay ang pagiging malambing nito dahil napaka showy ng kanyang nobya ay madali niya ring nalalaman o nababasa ang gusto nitong iparating sa kanya. Kapag galit, naiinis, natutuwa, natatakot at kinakabahan. Alam niya na kung anong dapat niyang gawing aksyon o sabihin kapag nakita niya na sa mga mata ni Eloisa ang emosyon nito.
Pagkatapos nilang mag dinner ay inihatid niya na ang nobya sa bahay nito. Hindi na siya pinababa ni Eloisa sa sasakyan at sinabi nitong pagod na silang pareho at kailangan na nilang magpahinga.
"Bye! see ypu tomorrow, I love you..bukas ha ipapakilala kita kay lolo wag mong kalimutan!" aning wika ni Edgar.
"Opo, pangako hindi ko kakalimutan. Bye, love you...' saad naman ng dalaga bago siya paalisin nito ay nakuha pa nilang pagdampiin ang kanilang mga labi.
Masayang masaya na umuwi si Edgar sa mansyon ng kanyang abuelo. Napakaraming idea ang pumapasok sa isipan n'ya kaya hindi siya makatulog ng gabing yon.
Kinabukasan tulad ng napag usapan nilang magkasintahan ay susunduin niya si Eloisa sa school at ipapakilala niya ang nobya kay Don Edgardo. Ngunit hindi iyon nangyare dahil sa hinarang siya ni Erin at kinausap siya ng babae dahil may gusto raw itong sabihin na importante sa kanya. Maaga pa naman at mamaya pa ang labas ni Eloisa kaya pinakinggan niya na rin ang nais sabihin ni Erin. Maraming paninirang sinabi si Erin kay Eloisa na hindi niya pinaniwalaan pero nang ipakita nito ang record videong nakuhanan nito kagabi sa labas ng bahay ng mga marasigan na magkausap si Philip at Eloisa ng mahumanay at nakita niyang pinayagan ni Eloisa na yakapin at hagkan siya ng lalaki sa noo at hinila pa ng nobya nya papasok ng bahay ng mga ito ang lalaki.
"See, ngayon naniniwala ka na na malandi talaga yang si Eloisa, na kunwari ay hindi niya gusto si Philip pero ang totoo alam kong matagal na silang may secret relationship ni Philip noon pa! ayaw lang niya na ipaalam sa iba dahil alam niyang pag iinitan ko talaga siya. Yang paglapit lapit niya sayo sigurado akong ginagamit ka lang niya para tigilan ko na siya, sila ni Philip. Binalaan kita, sinabi ko sayo ang totoo, nakita mo naman hindi ba!?"
Natuod si Edgar sa napanood na video inisip niya na kaya ba ayaw pa ni Eloisa na ipakilala niya ito sa pamilya niya, na kaya pinipilit siya ni Eloisa na umuwi na agad dahil alam nitong darating si Philip ng gabing yon. Na ginu-good time lang siya ng dalaga para nga pagtakpan ang relasyon nito kay Philip upang tigilan na ito ni Erin. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang dalaga. Umalis siya sa labas ng paaralan at hindi na sinundo pa si Eloisa dahil sa naguguluhan siya sa nangyayare. Nag isip siya kung paano niya ilalayo ang nobya kay Philip ng hindi nahahalata ng dalaga.
Kinagabihan lasing na pinuntahan ni Edgar si Eloisa na ikinapagtataka ng dalaga. "Lasing ka!?" bungad na tanong ni Eloisa kay Edgar.
"Nakainum lang!" nakangiting sagot ni Edgar.
"Akala ko ba ngayon mo ako ipapakilala sa lolo mo, anong nangyare!? bakit wala ka sa labas ng school kanina paglabas ko? Ang sabi mo ay susunduin mo ko, naghintay ako ng kalahating oras pero hindi ka dumating! may nangyare bang hindi maganda kanina? sabihin mo sa'kin, mayron ba!?" ani pa ng dalaga.
"Mahal mo ba ko Eloisa?" seryosong tanong ni Edgar.
"Ano ba naman klaseng tanong yan!? Oo naman, mahal kita Edgar!" naguguluhang tanong ng dalaga sa nobyo.
"Kung mahal mo talaga ako Eloisa, sasama ka na sa akin sa maynila para doon na manirahan at magsasama na tayo, pakakasal tayo sa lalong madaling panahon!" desperate move na ni Edgar na hindi masabi ang tunay na dahilan kung bakit pinipilit niya ang nobya na sumama na sa kanya. Natatakot kase siya sa isasagot ng dalaga kung ibang lalaki ang piliin nito at hindi siya.
"Wait, anong pinagsasabi mo, Edgar? Mahal kita, pero hindi pa ko handa sa nais mo. Marami pa kong pangarap na gusto ko munang makamit bago ako mag asawa. Bakit ka ba nagmamadali, kabago-bago pa lang ng relasyon natin gusto mo mag level up agad tayo!? nangako ako sa mga magulang ko na magtatapos muna ako ng pag aaral para maipagmalaki nila at magtatrabaho ako para makatulong pinansyal sa kanila at kapag sinuwerte ako magtatayo ako ng sarili kong negosyo. Alam mo na ang plano ko di ba! ilang beses na natin napag-usapan ang bagay na 'to, nanliligaw ka pa lang noon sa akin alam mo na ang plano ko sa buhay. Hindi mo dapat ako pilitin sa gusto mo, dahil lang sa girlfriend mo na ko. Im sorry, Edgar pero hindi ako pumapayag sa gusto mong mangyare!" pagpapaintindi pa ni Eloisa kay Edgar.
"Iyon lang ba talaga ang dahilan mo Eloisa? o baka naman kase may inililihim ka kaya ayaw mong sumama sa akin? Ang sabi mo mahal mo ko, pero palagi ka naman may excuses sa tuwing may mga plano ako para sa ating dalawa. Marami naman pwedeng maging paraan at kaya kong solusyunan lahat kung hahayaan mo lang akong tulungan ka. Mas giginhawa ang buhay n'yo ng pamilya mo kapag mag asawa na tayo di ba!?." seryosong saad ni Edgar pero hindi iyon nagustuhan ni Eloisa.
"Hep hep hep!!, naririnig mo ba ang sarili mo Edgar!? Paano ko ipagmamalaki sa pamilya mo ang sarili ko kung aasa rin lang ako sayo?. Alam mo, ang mabuti pa ang gawin mo umuwi ka na muna at bumalik ka na lang kapag hindi ka na lasing o nakainom. Hindi maganda ang kahahantungan ng usapan nating ito eh!" napipikong sambit ni Eloisa.
"Palagi mong inirarason sa akin ang pangarap mo para sa pamilya mo. Sa tingin ko naman ay ginagawa mo lang talagang dahilan iyon para makaiwas. Mamili ka na lang Eloisa sasama ka sa akin sa maynila o Tatapusin na natin itong relasyon na 'to dahil ayokong maging kasangkapan mo para pagtakpan ang relasyon mo sa iba." wika ni Edgar na ikinagalit ni Eloisa sa kanya.
"Ano!? anong pinagsasabi mo? Kung gusto mo lang makipagkalas sa akin Edgar ay huwag na wag mo akong paparatangan ng kung anu-ano! Kung hindi mo tanggap ang mga plano ko sa buhay, malaya kang iwan ako. Umalis ka na, Edgar!" galit na saad ng dalaga.
Iniwan si Edgar sa labas ng bakuran at pinagsarahan ng pintuan. Napasuntok na lang sa kung saang bagay si Edgar at nagpasyang umalis.
Sa sobrang sama ng loob ni Edgar ay nagpakalasing siya ng gabing iyon. Ang nasa isipan lang niya ay pinaasa siya ni Eloisa sa wala at niloko siya nito.
*End of flashback*