Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Edgar ng marinig niya ang pag ring ng kanyang cellphone. Nakita niya na si Margaret ang caller kaya pinatayan niya ito ng phone. Ayaw na muna niyang makipag usap sa kahit na sino. Muli siyang dumampot ng bato at ibinato sa dagat, paulit- ulit siyang bumato hanggang sa magsawa siya. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at kinuha ang kanyang cellphone para tawagan na ang kapatid.
"Kuya, finally! tumawag ka na rin, asan ka ba? kanina pa kita hinihintay, nakakainis ka! aalis ka pala hindi mo man lang ako isinama." bungad na pagsagot ni Margaret sa tawag ni Edgar.
"Pabalik na ko." tanging sambit ni Edgar at iniend call na ang kanyang tawag sa kapatid.
Pagkauwi niya sa mansyon ay nakahain na ang kanilang hapunan. Magkakasabay silang nag dinner habang pinag uusapan ang mga gagawin nila sa mga susunod na araw.
Kinabukasan ay nagpunta si Don Edgardo sa manggahan kasama ang apong si Edgar. Hindi na sumama si Margaret dahil may gagawin daw ang dalaga kaya sila na lang dalawa ang nagtungo roon at hinayaan na muna nila si Margaret sa gusto nito.
"Don Edgardo, sir Edgar, magandang araw ho sa inyo!" bati ng mga tauhan nila sa manggahan.
"Magandang araw din sa inyo!" balik bati ng Don.
"Magandang araw ho!" bati naman ni Edgar sa mga tauhan nila.
"Don Edgardo, may mga bisita po pala kayo na kanina pa naghihintay sa inyo. Mula pa raw sila sa manila at sa isang advertising companies po raw sila nagtatrabaho. Gusto ho sana nila kayong mainterview, dahil nais raw ho nila ilathala sa magazine nila ang magandang pangangalaga ninyo sa Alminarez farm." aning salubong ni mang Berting sa mag lolo na ng ito naman ang sumalubong sa kanila na kasunod ang dalawang matitipuno at nag gagandahang lalaki na hindi nalalayo sa hitsura ni Edgar.
"Good morning po, Don Edgardo Alminarez. Im Raegan Villaluz and this is my partner Justin Paul Acosta. Kami po ang representative ng FAB Magazine Advertising and we are hoping na mapapayag po namin kayo para sa isang interview. Nais po kase ng company na maiadvertise ang inyong manggo farm, dahil alam naman ng lahat na kilala ang bayan ng guimaras kapag mangga na ang pinag- uusapan. Sikat ang guimaras manggo dahil masarap talaga ang mangga na nanggagaling rito sa lugar ninyo" panimulang pagpapakilala ng pinsan ni Eloisa.
"Wait, parang familiar kayo sa aking dalawa! nagkakilala na ba tayo before?" pag interrupt ni Edgar sa usapan habang kay Justin ito nakatitig.
"Sorry sir, pero wala akong matandaan na nakaencounter na kita before. What about you Raegan, baka nakasalamuha mo na dati si sir?" aning wika ni Justin at nagtanong pa muna kay Raegan na ipinilig naman ang ulo sa kaibigan, tanda na wala rin itong matandaan o maalala na nagkakilala na sila noon ni Edgar.
"Ah baka nagkamali lang ako! dont mind me guys, tuloy n"yo lang ang kung anong pakay ninyo kay Lolo Edgardo." ani na lang ni Edgar sa dalawa.
"I am glad na gusto ninyong ifeatured sa magazine ninyo ang aming mango farm. But sad to say na hindi ko kayo mapapaunlakan for the interview today, dahil marami akong gagawin ngayon at mamayang hapon ay nakapangako ako sa aking apo na si Margaret na mamasyal kami sa kalapit na bayan. Kung gusto ninyo talaga akong mainterview ay pwede kayong bumalik bukas ng umaga." nagagalak namang wika ni Don Edgardo.
"Naku, Don Edgardo okay lang po kung hindi namin kayo mainterview kaagad, di naman ho kami nagmamadali may 2 weeks naman pong ibinigay sa amin ang advertising na deadline para sa interview. Nagbabakasakali lang po talaga kami ngayon na makausap kayo para makahingi na rin ng appointment for the interview." nalulugod na sambit naman ni Raegan sa matanda.
"Okay, paano e di babalik na lang kayo bukas niyan!? pasensiya na mga iho at nakakompromiso na ako ngayong araw sa apo ko, kaya hindi ko kayo maasikaso ngayong araw. Saang hotel nga pala kayo tumutuloy rito?" wika at usisa pa ng Don sa dalawang bisita nila sa manggahan.
"Hindi ho kami sa hotel tumutuloy, taga rito din po ako sa Guimaras pero hindi na ho ako dito lumaki dahil sa manila talaga ang ama ko nakatira at nagtatrabaho kaya lumipat na rin kami ni mom pagkatapos kong makagraduate ng elementary. Taga rito po sa poblacion ang kamag anak ng mommy ko, kaya pansamantala kina tita Susan po muna kaming dalawa ni Justin tumutuloy." mahabang pahayag ni Raegan na ikinakunot noo ni Edgar ng marinig ang ngalan ng ina ni Eloisa.
"Ang sinasabi mo bang tiyahin mo na Susan ay ang asawa ni Mang Nelson Marasigan, ang ina ni Eloisa?" seryosong pang uusisa ni Edgar na napansin naman ng lahat.
"Siya nga po! kilala pala ninyo ang tiyahin ko at si Eloisa na pinsan ko." nakangiting sagot naman ni Raegan.
"Pinsan mo si Eloisa!?" bulalas na tanong pang muli ni Edgar.
"Yeah since birth! magkapatid kase ang mga ina namin. May problema ba Mr. Alminarez?" aning pagtataka ni Raegan sa mga itinatanong at nakikita niyang facial reaction sa apo ni Don Edgardo.
"Pasensiya na kayo sa apo ko. I think di pa rin niya nakakalimutan ang pinsan mo. Ang pinsan mo at itong apo ko ay dating magkasintahan. Kaya kilala niya ang tiyahin mo at si Eloisa." pagsingit ni Don Edgardo sa dalawang lalaki.
"Ah! kaya naman pala! malihim talaga si Eloisa." saad ni Raegan na may pilyong ngiti.
"Kaya naman pala ayaw tayong samahan rito ng pinsan mong si Eloisa!" pabulong naman na wika ni Justin kay Raegan na narinig din naman nila Edgar at Don Edgardo na ikinasulyap ng mag lolo sa isa't isa.
"Now i'll understand, kaya naguguluhan ako sa reaksyon ng apo ninyo Don Edgardo. Dahil pala kay Eloisa mismo." aning turan ni Raegan na hindi na pinansin pa ni Edgar at sinadyang lumayo na muna sa mga bisita ngunit napigilan siya ni Raegan ng magsalita itong muli.
"Mr. Alminarez, we are here para sa trabaho namin at walang kinalaman si Eloisa sa gagawin naming interview at pag features sa mango farm ninyo. To make it clear, kung may problema kayo ng pinsan ko ay labas naman kami sa bagay na 'yon!" dagdag pang wika ni Raegan kay Edgar.
"Wag kayong mag alala my grandson is also a businessman, kaya alam niya ang tinatawag na professionalism . Ako naman ang pakay ninyo rito at ang farm, kaya labas din rito si Edgar. Maswerte kayo at naabutan pa ninyo akong narito sa Guimaras. Sa isang araw ay tutungo na ako ng maynila para magpahinga at magbakasyon na muna kasama ang mga anak ko sa ibang bansa at si Edgar na muna ang pansamantalang mamahala na muna rito, Right apo!?" maaliwalas na sambit ng matanda na ikinangiti nila Raegan at Justin.
"Of course Lo!" aning sagot ng binata sa abuelo at muling lumapit kina Don Edgardo.
"Katulad nga ng sinabi ng lolo ko ay maaari kayong bumalik bukas rito sa manggahan para sa interview at tour na rin. Sorry for the inconvenient earlier, if you'll excuse us! Marami pa kase kaming gagawin ngayong araw ni Lolo, hope you'll understand!" dugtong pang wika ni Edgar.
"Ah okay! Don Edgardo, mauuna na ho kami. So paano bukas na nga lang po!. Nga pala nakalimutan ko, nice to meet you Don Edgardo and Mr. Alminares. Have a nice a day!" pahabol pang saad ni Raegan na nawala na ang kabang nadarama kani- kanina lamang dahil sa pagkausap ni Edgar sa kanila.
"Edgar na lang! Lo, lets go!?" wika ni Edgar at inaya na ang abuelo.
"Sige iho, Berting tara na!" aning saad ng Don.
Samantalang si Eloisa naman ay abala sa kanyang mga ginagawang kakanin dahil sa napuyat siya kagabi dahil hindi siya makatulog na hindi niya alam ang dahilan kung bakit kahit anong pikit niya para matulog ay gising pa rin ang diwa niya kahit wala naman talaga siyang iniisip. Mag aala una na ng gabi kase siya nakatulog kagabi pagkatapos niyang subukang uminom ng isang basong gatas at pilitin ang sarili na makatulog dahil kailangan niyang gumising ng maaga para isaayos ang gagawin niyang puto at kuntsinta na ilalako nila Jaja at aling Melba at Len Len. Tatlong bilao rin kase iyon at sayang naman ang mapagbebentahan ng tatlo niyang tindera at yun ang isa pa niyang iniisip.
Mag aalas sais na siya nakabangon kanina, mabuti na lamang at maasahan niya ang nanay niya sa ganoong bagay kaya halos patapos na ng makarating siya sa kusina kanina. Ngayon naman ay inaayos niya ang paglalagay sa lanyera ng halayang ube na may macapuno sa ibabaw na order ng isa sa mga masugid na costumer nila sa kabilang bayan at pichi pichi na iba iba ang kulay kaya matrabaho ang pag gawa.
Nagulat sina aling Susan at Eloisa ng maagang nakabalik ng bahay nila sina Raegan at Justin.
"Anong nangyare sa lakad ninyo at bakit bumalik agad kayo?" panimulang usisa ni aling Susan sa dalawang bagong dating.
"Busy ngayong araw si Don Edgardo, tiyang. Bukas na lang daw kami pagbibigyan para sa interview." sagot ni Raegan na nilapitan si Eloisa sa kusina at iniwan si Justin sa sala.
"Eloisa, bakit hindi mo sinabi sa akin na ang apo pala ni Don Edgardo ang naging boyfriend mo noon." seryosong tanong ni Raegan sa pinsan.
Natigilan si Eloisa sa ginagawa dahil sa sinabi ni Raegan. Bumaling ang mata niya sa ina at napabuntong hininga.
"Hindi naman na kase kailangan pang ungkatin ang nakaraan. Matagal na silang wala at tapos na yon!" sagot ni aling Susan sa pamangkin.
"Tama si nanay kung anuman ang nalaman ninyo kanina ay tapos na yun, matagal na!" segunda ni Eloisa sa ina.
"In fairness naman, ang gandang lalaki ni Edgar Alminarez at mayaman pa! nagkagusto talaga sa'yo yun, Eloisa? sayang naman kung nakatuluyan mo si Mr. Alminarez e di sana hindi lang ganito ang business mo ngayon mas malaki pa." pabirong saad ni Raegan na ang tiyahin nito ang sumagot.
"Raegan, maganda ang lahi natin kaya hindi ka na dapat nagtataka kung bakit nagustuhan ni Edgar ang panganay ko, na pinsan mo naman! ang mabuti pa kumain na muna kayo nitong gawa ni Eloisa ng manahimik yang bibig mo sa kakadaldal at baka mapikon sayo si Eloisa mabato ka ng bilao sa mukha." naiiling pang wika ni aling Susan.
"Justin, gusto mo ng kutsinta o nitong pichi pichi? si Eloisa ko ang gumawa nito. Raegan, doon ka na muna sa sala at wag mong abalahin ang pinsan mo rito." aning saad pa ng ina ni Eloisa na halatang pinaiiwas nito ang pamangkin sa panganay na anak.
Nang sila na lang mag ina sa kusina ay kinausap ni aling Susan ang anak.
"Alam mo bang narito sa poblacion si Edgar?"
"Oho nay, nasabi sa akin ni Janet nung isang araw dahil naikwento sa kanya ng asawa niya ang paghahanda sa pagdating ng mga apo ni Don Edgardo." pag amin niya sa ina.
"Anong naramdaman mo ng malaman mong narito siya sa atin ngayon?"
"Wala! Nay, alam ko ang naiisip mo pero totoo ang sinasabi ko wala talaga. Hindi ko nga lang alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nagkita muli kami."
"Hindi mo na ba mahal si Edgar? kung sakali na makipagbalikan sayo si Edgar, may chance pa ba? malaya ka na ngayong piliin siya dahil natupad mo na ang mga pangarap mo at nasa tamang edad ka na rin at kuntento na kami ng tatay mo dahil maayos na ang buhay ng pamilya natin sa tulong mo. Malapit na rin makapagtapos si Cecil kaya naman panatag na kami ng inyong ama para sa kinabukasan naman na ni Michael."
"Nay, kung saan saan na nakarating ang imahinasyon n'yo ah! ang akala ko ba ay galit kayo kay Edgar dahil sa ginawa niya. Bakit parang nag iba na ang ihip ng hangin at gusto ninyong balikan ko pa ang nakaraan namin ni Edgar."
"Nagalit ako sa kanya oo, dahil sinaktan niya ang puso mo anak. Pero palagay ko may malalim siyang rason kung bakit bigla bigla na lang siyang nagdesisyon ng ganun. Alam kong nasaktan din siya dahil hindi ka sumama sa kanya kahit na magaganda ang plano niya para sa inyong dalawa. Sa mga sinabi mo sa akin noon ay nakikita ko ang pagiging desperado niyang maangkin ka niya ng buong buo pero nireject mo siya dahil sa may gusto kang patunayan sa pamilya niya at sa ibang tao na hindi naman naiintindihan ni Edgar dahil ang tanging nais lang niya ay ang nasa isipan niyang gustong mangyare. Ramdam namin na mahal ka ni Edgar noon, nakikita namin sa kanya 'yon ng tatay mo. Kaya nga hindi kami humadlang di ba! Ang sapalagay ko, takot siguro sa puso niya na mahihiwalay siya sayo ng matagal at mababaw na paniniwala sa long distance relationship ang naging dahilan ng hiwalayan ninyo at dahil lalaki siya hindi maiwasan na mangibabaw ang ego o pride. Mga bata pa kayo noon kaya hindi pa ninyo kayang ihandle ang problema sa usaping puso." paliwanag ni aling Susan sa anak na matipid na napangiti naman sa ina.
"Parang sinabi na rin ninyo na walang tiwala si Edgar sa akin noon, sa pag ibig ko para sa kanya noon. Wala na kami 'nay, kahit ano pang naging dahilan o rason niya noon, hindi pa rin mababago na nasaktan niya ako dahil sa kakitiran ng utak niya. Tanggap ko naman na 'nay na pinagtagpo lang kami noon pero hindi kami ang nakatadhana para sa isa't isa." aniya sa ina.
"Binata pa rin ata si Edgar ngayon at dalaga ka naman, wag ka munang magsalita ng tapos, Eloisa. Malay mo may binabalak ang nasa itaas para sa inyong dalawa ni Edgar, hindi pa naman huli ang lahat para sa inyo!" bigay payo ni aling Susan na ikinakibit balikat lang ni Eloisa at hindi na inisip pa ang sinabi ng ina.