Chapter 10

1764 Words
Edgar had a bad day earlier dahil sa kanyang nabatid na ang dalawang lalaki pala kanina na kumausap sa kanyang abuelo ay kakilala pala ni Eloisa at ang isa ay pinsan pa pala ng babae at sa bahay pa ng pamilya Marasigan nanunuluyan pansamantala. Naalala niya ang ginawa niya kahapon sa kalsada na pagpapaharurot ng kotse ng lolo niya na ginamit niya kahapon upang makapagrelax sana pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita niya ang dating nobya na nakikipagharutan sa lalaking kasama nitong naglalakad sa tabing kalsada. Mabagal lang ang pagpapaandar niya ng sasakyan kahapon ng mahagip ng mga mata niya ang babaeng minahal niya noon pero nagwasak naman ng puso niya. Sa inis niya dahil sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha ni Eloisa na natutuwa sa dalawang lalaking kasama nito ay sinadya niyang pabilisin ang takbo ng kotseng dala niya. Natatawa si Edgar sa kanyang sarili dahil kahit na alam niyang may galit siyang nararamdaman para kay Eloisa ay hindi niya maikakaila na nakaramdam siya ng selos kahapon at ngayon nga ay hindi siya mapakali dahil sa pilit pumapasok sa kanyang isipan na yung Justin na katrabaho ng pinsan ni Eloisa ay naroroon sa bahay ng mga Marasigan at maaaring mapalapit kay Eloisa. Napapakuyom ang kamao ni Edgar at nagngangalit ang ngipin niya kapag naalala pa niya ang nakita niya sa side mirror ng kotse niya ang paghawak nung Justin sa katawan ni Eloisa ng hilahin ng lalaki ang dalaga upang ilayo sa daan. Nakabalik na sila Edgar sa mansyon ng maisipan niyang tawagan ang kaibigan niyang si Anthony. Umalis ang abuelo niya at ang kapatid na si Margaret dahil makikipagkita ang lolo nila sa isa sa mga kaibigan nito at gusto rin daw makita si Margaret. Ayaw man ng kapatid niya ay wala ring nagawa ito kundi samahan ang lolo nila. Isinasama siya ni Don Edgardo pero wala talaga siya sa mood na nahalata naman ng matanda kaya hindi na siya pinilit pa. Dahil sa wala siyang ginagawa at naiinip siya ay tinawagan niya ang kaibigan niyang si Anthony. ( Hello! kumusta ang Guimaras? ) aning bati ni Anthony sa kanya na ikinangiti niya. " Guimaras pa rin, pare! kumusta si Cherry at ang inaanak ko? nasa bahay ka?" aniya namang sagot sa kaibigan. ( You feel bored, right!? My wife is still beautiful at ang inaanak mo sobrang likot na sa loob ng tummy ng mommy niya. Naaawa na nga ako sa asawa ko dahil nahihirapan ng makatulog sa sobrang kahyperan ng baby namin sa loob ng tiyan niya. Nag halfday lang ako dahil sinamahan ko si Cherry Lou na magpacheck up at kakabalik lang din namin ng bahay.) " Naiinggit ako sa'yo Ton!, nakakatuwang dinaranas mo na ang pagiging asawa't ama. Napakaswerte mo dahil minahal ka rin ng tunay at tapat ni Cherry Lou. You deserve the love pare!" ( Woohh.. nagdadrama ka!? may problema ka noh? spill it out, makikinig ako pare! problemang pampuso ba yan? ) Napabuntong hininga si Edgar. " May naalala lang ako pare! Tumawag na sa iyo si Enrico at Nick?" ( Kanina si Nick tumawag, mayroon lang hininging pabor. Si Enrico mahirap hagilapin yun ngayon at abala na naman siguro, kaya naka off na naman ang phone niya. Ayaw mo talagang magkwento? marami akong time para makinig sayo ngayon.) wika pa ni Anthony na may himig pag- alala sa kaibigan. ( Call me again kapag ready ka na, ramdam kong may pinuproblema ka Edgar matagal na tayong magkakaibigan kilala na natin ang bawat isa kaya kung ano man yan, hindi mo rin yan maitatago sa amin ng matagal. ) ani pang dugtong ni Anthony sa sinabi nito sa kanya. " I know, thanks Ton! regards mo ko kay Cherry at kay baby Ivan, bye!" aniya na lang sa kaibigan dahil ayaw pa niyang magkwento about sa lovelife niya. Tinawagan lang talaga niya ang kaibigan para may makausap. Nakaramdam ng pagkauhaw si Edgar kaya pumunta siya ng kusina at naabutan niyang naroon si Nenita. "Senyorito Edgar, may kailangan po kayo?" alistong tanong ni Nenita na naghahanda pala ng lulutuin para sa hapunan nila mamaya. "Kukuha lang ako ng maiinom, Nenita!" Lumapit siya sa refrigerator at kumuha ng isang pitsel na tubig at isinalin sa baso at ininom ang tubig. Napansin niya na napapatingin sa kanya si Nenita kaya lumapit siya sa kasambahay. "Anong lulutuin ninyo para mamaya sa hapunan?" tanong niya sa babae na napasulyap sa kanya. "Pork humba senyorito at chopsuey at steam prawns. Request po ng kapatid ninyo lahat ang lulutuin. Kayo senyorito, may gusto po ba kayong ipaluto?" "Okay na yan! ipagluto mo na lang ako bukas ng kalderetang manok kung pwede." aniya. "Sige po senyorito, sasarapan ko ang calderetang manok ninyo at dadamihan ko rin ang sarsa." masayang turan naman ni Nenita dahil alam niyang paborito ni Edgar iyon. "Nenita, may itatanong ako sayo. Sana sa atin na lang at wag mo ng iparating kung kanino pa lalo na kay lolo Edgardo." "Tungkol po ba yan senyorito kay Eloisa!?" diretsahang tanong ni Nenita sa kanya na hindi naman niya tinanggi. Tumango siya kay Nenita. "Kumusta siya?" "Maayos na ang buhay nila ngayon senyorito, may sarili na ngang negosyo si Eloisa ngayon katuwang ang kanyang ina. Yung kakanin store niya, at ang tatay naman niya ay isa sa mga konsehal na dito sa poblacion. Hanggang ngayon dalaga pa rin siya at ang balita ko nililigawan siya ng anak ni aling Tudeng yung may ari ng malaking tindahan na bilihan ng mga mga mani, mantika at asukal sa palengke at ang alam ko ay nagtatrabaho yung anak na lalaki ni aling Tudeng sa munisipyo, yun ata yung sumunod sa panganay niya kase may asawa na yung panganay ni aling Tudeng eh!, nakalimutan ko ang pangalan kung sino ba yon, hindi ko matandaan!" mahabang litanya ni Nenita. "Natupad na rin pala niya ang pangarap niyang magkaroon ng maliit na business. Bakit hanggang ngayon dalaga pa rin siya?" "Aba senyorito malay ko kay Eloisa, baka kase hinihintay kang bumalik! kayo rin naman binata pa hanggang ngayon di ba!?" bulalas na sagot ni Nenita na nabigla sa nasabi sa amo. "Sorry senyorito!" hinging paumanhin ng kasambahay kay Edgar. "Okay lang, Nenita! alam kong may alam ka sa naging relasyon namin ni Eloisa noon, kaya nga ako sayo nagtatanong ng tungkol sa kanya. Wala ba siyang naging boyfriend magmula ng umalis ako? hindi ba sila nagkatuluyan nung Philip?" "Philip? yung kabarkada ba ng asawa ng anak ni Mayor na matagal na manliligaw noon ni Eloisa ang tinutukoy mo senyorito? Ang balita ko ay foreigner ang napangasawa nun ah!, chinese ata yung babae. Naging sila rin ba ni Eloisa, bakit hindi nakarating sa akin yon? joke lang senyorito!" saad na pahayag ni Nenita. "May asawa na si Erin, yung anak ni Mayor Bustamante? kailan pa!?" tanong na paninigurado ni Edgar. "Matagal na, may tatlong taon na atang naikasal yun dito! may dalawang anak na nga yung si Erin ang sabi ay kakapanganak lang din sa bunso niya nung nakaraang buwan." mabilis namang sagot ng kasambahay. "Nenita, nagtataka ako sayo! bakit ang dami mong alam sa paligid mo?" "Senyorito, sa liit lang ng bayan na ito halos lahat ay magkakakilala kaya hindi na maiiwasan ang tsismis rito. Kayo naman eh! alam ko nga ang dahilan kung bakit ngayon na lang uli kayo nakapunta rito. Biro lang senyorito kilala ko ho ang mga katulong dito may pederasyon ho kase kami." aning sagot naman sa kanya ni Nenita na tinawanan niya. "Ibig mong sabihin, nagkakatsismisan kayo kapag nagkakasama kayong lahat?" "Senyorito uso na ang cellphone ngayon dito at noon pa man kahit sa daan basta magkita kita kami hindi na naiiwasan ang pag usapan namin ang mga ganoong bagay. Kaya marami kaming nalalaman sa paligid namin dito." pagtatanggol ni Nenita sa sarili na nakuha naman ni Edgar ang ibig sabihin ng kasambahay nila. "Para pala kayong mga radar ano!? baka naman pati kami rito Nenita ay itsinitsismis mo sa iba ha?" natatawang naiiling na lamang si Edgar sa kasambahay nila. "Wag kang mag alala senyorito may maikwento man ako sa mga taga rito tungkol sa pamilya ninyo ay puro magagandang bagay naman, wala naman kase maipipintas sa pamilya ninyo kaya nga kami tumagal rito sa inyo." magandang kabig naman ni Nenita sa iniisip ni Edgar sa kanya. "And thanks for that Nenita!" aning sambit na lang ni Edgar na ikanalawak ng ngiti ni Nenita sa kanya. "May itatanong ka pa po senyorito?" "Wala na! sarapan mo na lamang ang Chopsuey." at iniwan na si Nenita sa kusina. Pumasok siya sa kwarto niya dahil may naalala siyang isang bagay na dapat sana ay ibibigay niya noon kay Eloisa pero hindi na nga niya naibigay pa dahil sa nangyari. Ang balak kase niya ay iaabot niya iyon pagkatapos ng pagpapakilala niya kay Eloisa sa lolo Edgardo niya na hindi nga natuloy. Pagpasok niya sa kwarto niya ay binuksan niya ang built in cabinet niya at binuksan ang maliit na drawer na nasa loob at may hinanap na pahabang box na kulay puti at nang makita niya iyon ay kinuha ito at tinignan ang nasa loob. Naroon pa rin ang kwintas na binili niya para kay Eloisa na may pendant na hugis puso na may pana ni kupido. Binili niya ang kwintas na iyon ilang araw mula ng sagutin siya ni Eloisa. Muli siyang naghalughog ng gamit sa drawer at nakita niya ang picture nilang dalawa ni Eloisa na pinakuhanan nila sa isang photo shop studio sa bayan nung nanliligaw pa lamang siya kay Eloisa at solo picture ng dalaga na mismong si Eloisa ang nagbigay sa kanya para daw may remembrance sa kanya ang dalaga kapag bumalik na siya ng maynila at natatandaan pa nga niya ang sinabi sa kanya ni Eloisa noon na kapag na miss niya raw ang dalaga ay titigan lang niya ang picture nito at ngitian mapapawi na ang pagkamiss niya rito. Napatitig siya sa litrato nila ni Eloisa at nakadama siya ng panghihinayang. "Bakit, kailangan mo pa kaseng maglihim sa akin Eloisa noon! kung sana ay naging tapat ka sa akin sa una palang e di sana ay naintindihan siguro kita at ipinaglaban kahit na may una ka ng minamahal." "Because of you, naging mapaglaro ako sa mga babae, nawalan ako ng tiwala sa pag- ibig, pati na rin sa sarili ko na pakiramdam ko ay lolokohin lang din ako at hindi rin seseryosohin ng ibang mga babae." "Kasalanan mo Eloisa, kung bakit ako galit sayo. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako ang puso ko ng dahil sayo." paglalabas niya ng sama ng loob sa babaeng nasa larawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD