Alas kwatro na ng hapon ay hindi pa rin nakukuha ang inorder kay Eloisa na isang medium size na bilao ng pichi pichi at 20 pcs na lanyerang ubeng may macapuno at isang bilao na rin ng nilupak na saging na saba kaya naman tinawagan na niya ang costumer niyang nag order ng mga ginawa niya.
" Hello, Mrs. Tuazon! ask ko lang what time po ninyo ipapakuha ang mga inorder ninyo sa akin?" aniya ng sagutin ang tawag niya.
( Eloisa, pasensiya ka na ha, kanina pa nga ako naghabanap ng mauutusan para kunin ang mga order ko sayo, kaso ang problema wala akong maasahan sa ngayon. Sobrang busy ko ngayon sa pag aasikaso rito sa reception at nagagahol na rin kami dahil malapit ng dumating ang mga bisita ng anak ko. Okay lang ba kung ikaw na lang ang magdeliver ng mga yan rito at mag a-add na lang ako ng extra payment kung kinakailangan. Yung mga tao kase na inaasahan kong tutulong sa amin rito ay mga hindi naman nagpunta at kung sakaling dumating ay baka mamaya pa din ang mga iyon. )
"Ganun po ba!? sige ho wala pong problema, ako na lamang ho ang magdedeliver ng mga ito. Eh saan ko ho ba ihahatid ito?"
( Andito kami sa Lusay ngayon sa bahay ng mga biyenan ko Eloisa, malapit lang kami sa may basketball court rito. Kapag malapit ka na tawagan mo ko para masalubong kita. Maraming salamat Eloisa sa tulong at pasensiya na talaga sa abala.)
"Okay lang po Mrs. Tuazon, ang importante maiayos natin ang usapan natin. Hintayin n'yo na lang po ako at paalis na rin ako para maihabol ang order ninyo at nakakahiya naman kung mahuli pa ito sa handa ng anak ninyo."
( Sige Eloisa, salamat uli sayo, hulog ka ng maykapal. )
Natawa si Eloisa sa huling sinabi ni Mrs.Tuazon. Bigla naman siyang namuroblema dahil wala pa ang nanay niya dahil nagtungo ng bayan. Nasa school pa si Cecil at wala rin ang tatay niya, hindi naman niya pwede isama si Michael.
Habang iniisip niya kung ano ang gagawin niya ay inaayos na niya ang mga dadalhin niya ng lumabas ng silid si Justin, hindi na siya nag alinlangan pa at nagpatulong sa lalaki na ideliver nila ang mga order sa kanya, na agad namang pumayag sa kanyang pakiusap, lalo na at naiinip rin naman daw ito sa loob ng silid dahil tinulugan raw ito ng pinsan niyang si Raegan.
At dahil marami- rami ang bitbit nila ay nauna ng lumabas si Justin para tumawag ng masasakyan.
Saglit lang na naghintay si Eloisa at dumating naman agad si Justin na nakasakay na sa tricycle.
Tinulungan at inalalayan ni Justin si Eloisa na makapasok sa sasakyan at dahil maluwag naman ang loob ng sidecar ay sa tabi na ni Eloisa naupo si Justin.
Malapit na sina Eloisa sa pupuntahan nila ng tumirik naman ang sinasakyan nilang tricycle naubusan na pala ng gasolina ang motor kaya ayaw ng umandar.
Nataranta pa si Eloisa ng tumawag na si Mrs.Tuazon sinabi niya na nagkaproblema ang nasakyan nila pero gagawan nila ng paraan.
"Paano yan ngayon? madalang pa naman ang dumaraang sasakyan dito! sigurado akong mahuhuli tayo sa oras ng pagdeliver nito." nag aalalang saad ni Eloisa.
"Si manong naman kase bakit hindi kayo agad nagpapagasolina, ayan tuloy natirikan kayo ng sasakyan. Hindi po kami pwede magtagal dito ng kasama ko dahil may hinahabol po kaming oras. Ito po ang bayad namin, lilipat na lang po kami ng ibang masasakyan. Sana lang may dumaan at may mag magandang loob. Ay naku!" paninisi ni Eloisa sa manong driver pero halata ang pamumuroblema sa mga orders sa kanya.
"Pasensiya ka na, hindi ko agad na check ang gas ng motor ko. Salamat na rin dito. Maiwan ko na muna kayo rito at itutulak ko na lamang itong sasakyan hanggang sa makahanap ako ng gasolinahan na malapit rito." ani ng driver na nahiya kina Eloisa at Justin.
"Sige po manong ingat ho kayo!" aning wika ni Justin na pinagpasalamatan din ng driver bago sila tuluyang iwan sa daan.
"Relax ka lang Eloisa, may darating na tulong sa atin rito maghintay lang tayo." pagpapalubag ng loob ni Justin sa kanya.
"Wala naman tayong ibang magagawa kundi ang maghintay sa darating na tulong sa atin talaga rito, sana lang agad agad please, lord!" aniyang hiling pa.
Magsasampung minuto na silang naghihintay ng may dumaang sasakyang kotse sa harap nila.
Pinara ni Justin ang kotse na tinigilan naman sila.
Pagbaba ng salamin ng bintana ng kotse ay bumungad ang driver ni Don Edgardo at ang mismong Don, pati na rin ang nasa tabi nitong magandang babae na hula nila ay apo ng matanda.
Nagkatinginan sina Eloisa at Justin, nabanaag ni Justin sa mga mata ni Eloisa ang pagtutol pero kailangan nila ng tulong kaya itinuloy ni Justin ang pakikipag- usap kina Don Edgardo at sinabi niya ang problema nila.
Nagpaunlak naman ng tulong ang matanda na ihahatid na sila sa Lusay na ikinapagpasalamat ni Justin ngunit si Eloisa ay nahihiya sa matanda kaya hindi makapagsalita.
Sa tabi na ng driver na upo si Justin at si Eloisa naman ay sa tabi ni Don Edgardo naupo. Nginitian siya ng matandang lalaki kaya matipid niya rin itong nginitian.
Hindi mapakali si Eloisa sa loob ng sasakyan dahil hindi niya alam paano pakikitunguhan si Don Edgardo at ang kapatid ni Edgar na si Margaret na ipinakilala sa kanilang dalawa ni Justin, na magiliw naman siyang kinilala pero halata ang pagkagusto ng babae kay Justin na panay ang tingin nito sa kasama niya.
Pagkarating nila sa Lusay ay ibinilin ni Don Edgardo na isasabay na sila pabalik sa poblacion dahil uuwi na rin naman din daw sila kaya kahit na nahihiya ay sumang- ayon na rin si Eloisa.
Nagkakwentuhan sina Eloisa at Margaret tungkol sa kanyang business na minsan ay si Justin naman ang tinatanong ni Margaret sa trabaho nito. Nakikinig lang ang matanda sa usapan at dahil pagod si Eloisa ay nakaidlip siya sa loob ng kotse.
"Eloisa.. Eloisa..!!" panggigising ni Justin sa dalaga na napasarap ng tulog.
"Umm.. nasa bahay na tayo?" tanong ni Eloisa.
"Yes, iha! narito na tayo sa bahay ko." sagot ni Don Edgardo.
Napabalikwas sa upuan ang dalaga at tumingin sa labas ng sasakyan. Nakita niya ang malaking bahay ni Don Edgardo sa harapan niya. Sinulyapan niya ng tingin si Justin na napapeace sign sa kanya at biglang napabagsak ang magkabilaan niyang balikat at napapikit ang mga mata at napahinga ng malalim.
"Hindi ka pa ba lalabas ng kotse, Eloisa?" magiliw na tanong ni Margaret sa kanya.
"Ha!? ah..eh..!! lalabas na." aniyang nakangiting pilit kay Margaret.
"Don Edgardo, Margaret, uuwi na ho kami ni Justin. Salamat ho sa free ride." aniya.
"Uuwi na kayo!? eh ininvite kayo ni Lolo Edgardo na mag dinner na dito sa bahay. Pumayag naman si Justin at ganoon ka rin naman ng tanungin ka niya kung okay lang sayo, bakit nagbago na ang isip mo!?" saad ni Margaret.
"A-ako pumayag na mag dinner!?" napakunot noong nagtataka sa sarili niya si Eloisa. Kaya pasimple siyang tumingin kay Justin.
"Sumagot ka ng oo, Eloisa. Hindi mo matandaan? Hindi kaya nakaidlip ka na noong ininvite tayo ni Don Edgardo at nang tanungin kita ay sumagot ka ng oo ng tulog ka. Nagsasalita ka ng tulog, Eloisa! Sorry hindi kase ako nakatingin sayo ng tanungin kita, kaya ang akala ko ay gising ka nun. Andito na tayo, pagbigyan na natin. Nakakahiya kung tatanggi pa tayo, narito na tayo eh!"
"Justin, hindi mo kase naiintindihan." aniya na halos pabulong kay Justin
"Alam ko, naiintindihan kita! kung makaharap mo ang ex mo ngayon wag mo na lang pansinin." pabulong na ring sabi sa kanya ni Justin.
Nagkasalubong ang mga mata nila Justin at Eloisa . Hinawakan ni Justin ang isang kamay ng dalaga at pinisil iyon kaya napangiti si Eloisa. Alam ni Eloisa na pinapakalma lang siya ni Justin, kaya napatango na siya sa lalaki.
At iyon ang nakita ni Edgar, simula ng magbulungan ang dalawa na parang sa tingin niya ay naghaharutan pa sa kanyang harapan ang mga ito.
"Edgar, come here! andiyan ka pala bakit hindi ka kaagad lumapit." ani ng Don na nagpaagaw pansin kina Justin at Eloisa.
"Kuya, may kasama kami ni Lolo. Sina Eloisa at Justin, dito sila maghahapunan kasabay natin." wika ni Margaret sa kapatid.
"What!?" malakas na pagsambit ni Edgar sa sinabi ng kapatid niya.
"Yes Edgar, dito silang dalawa maghahapunan kasama natin. Justin, Eloisa, pumasok na tayo sa bahay ko." aning wika ni Don Edgardo.
Walang nagawa si Edgar at sina Eloisa at Justin kundi ang sumunod sa matanda.
Natigilan naman si Edgar ng makita niyang hawak hawak ni Justin ang kamay ni Eloisa na hila ang kamay ng dalaga papasok sa bahay ng lolo niya.
Gumalaw ang mga panga ni Edgar at itinaas ang ulo at napapikit na lamang sa inis dahil sa nangyayari ngayon sa kanya.
Parang gusto niyang sunggaban ng suntok sa mukha si Justin sa mga oras na 'yon.