Tahimik na naghahapunan ang lahat pero mararamdaman ang awkwardness sa kanilang lahat except kay Don Edgardo.
Nasa gitna nakaupo ang matanda habang si Margaret at Edgar ay magkatabi sa kanang bahagi ng lamesa at sina Eloisa at Justin naman ay nakaupo sa kaliwang bahagi. Magkatapat ng upuan sina Justin at Margaret, habang sina Eloisa at Edgar naman ang magkatapat ng upuan na parehong malapit lang kay Don Edgardo.
Panay ang abot ni Margaret ng ulam kay Justin na tinatanggap naman ng lalaki pero iniaabot lang din naman kay Eloisa. Kapag nakakuha na si Eloisa atsaka lamang sasandok ng kanin at ulam si Justin. Kung paano asikasuhin ni Margaret si Justin ay ganun din ang ginagawa ni Justin kay Eloisa na bago tanggapin ng dalaga ay tumitingin pa muna ito sa mga mata ni Justin.
"I can't take this anymore! im done, enjoy your meal." aning wika ni Edgar na hindi kinaya ang nakikita niya sa kanyang harapan.
Tumayo siya at iniwan ang apat sa hapagkainan. Hindi naman siya inawat ng abuelo at hinayaan siyang umalis na wala siyang narinig na salita mula sa matanda, kahit na alam niyang kabastusan ang kanyang ginawa at narinig pa nga niya ang sinabi ni Don Edgardo sa dalawa nilang bisita na pagpasensyahan ang kanyang apo na nagsusungit dahil tumatanda na at malapit ng mawala ang edad sa kalendaryo ay wala pa ring asawa't anak.
Kilala ni Edgar ang lolo Edgardo niya kaya alam niyang nanadya ito. Napangisi na lamang siya sa sinabi ng abuelo, dahil sigurado siyang sinadya rin na iparinig sa kanya ng lolo niya ang bagay na 'yon.
Pagkatapos makapaghapunan ay nagpaalam na sina Eloisa at Justin kina Margaret at Don Edgardo. Ang nais ng matanda ay ihatid sila ng driver nito pero tinanggihan na talaga ni Eloisa ang alok ng Don.
"Wag na ho Don Edgardo!, kabisado ko naman ho ang poblacion at taga rito din ho ako, kaya alam kong safe na kami rito ni Justin. Maglalakad na lang ho kami at kapag may masalubong kaming masasakyan ay sasakay din ho kami kaya wag po kayong mag alala dahil makakauwi kaming safe na dalawa sa bahay namin." wika ng dalaga.
"Sure kayo na maglalakad lang!? medyo malayo ang lalakarin ninyo palabas patungong sakayan rito, ang mabuti pa ihatid na lang kayo ni manong hanggang sa sakayan na lang." nagpipilit na saad ni Margaret.
"Hindi na Margaret, maaga pa naman marami pang mga dumaraan na sasakyan diyan sa labas. salamat na lang."
"Tara na Justin, kanina pa naghihintay sa atin sina nanay pati na rin si Raegan sa ating dalawa!" aya na ni Eloisa sa lalaki.
Paghakbang nila Eloisa at Justin ay lumabas naman sa pintuan si Edgar at walang pasabi na kinuha ang susi ng kotse sa driver ni Don Edgardo na kanina pa nakatayo roon at naghihintay kung ihahatid nga ba o hindi sina Eloisa.
Mabilis na sumakay si Edgar sa kotse at pinaandar iyon ng wala man lang pasabi sa mga taong naroon. Na ikinailing ng ulo nang abuelo nito at ngiti ni Margaret sa ginawa ng kanyang kuya.
Tumigil naman sa paglalakad sina Eloisa at Justin ng businahan sila ni Edgar at hintuan sila sa tapat nila. Ibinukas ni Edgar ang pintuan ng kotse at pilit pinasasakay ang dalawa.
"Sakay na! ihahatid ko na kayo." utos ni Edgar.
"H-Hindi na Edgar, kaya na namin ang sarili namin at makakauwi kami ng hindi kailangang ihatid pa." ani ni Eloisa na hindi naman ikinatinag ni Edgar.
"Pare, pasakayin mo na yang kasama mo at ihahatid ko lang kayo sa labasan. Nakakahiya naman kase sa ginawang pang aabala sa inyo ng kapatid ko at ni Lolo. Batid kong hindi bukal sa loob ninyo ang pagpunta sa bahay at napilitan lamang kayo. Sumakay ka na Eloisa at wag ka ng mag- inarte pa, hindi bagay sayo!" aning wika ni Edgar na napipikon na sa dalaga.
"Aba't, anong sinabi mo, nag iinarte ako!?" pikong turan ni Eloisa na pinatigil na ni Justin.
"Eloisa, sumakay na tayo! nakakahiya na kay Don Edgardo, nakatingin pa sila sa atin at pinanunood tayo, oh!. Sa labasan lang naman niya tayo ihahatid pumayag ka na." pakiusap na ni Justin kay Eloisa.
Bumuntong hininga si Eloisa at nauna ng sumakay sa kotse sa likuran bahagi ng upuan na nakasimangot. At si Justin naman ay sa shotgun seat naupo dahil ayaw n'ya namang pagmukhain driver nila si Edgar.
Pare-pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan ng tumunog ang cellphone ni Eloisa. Tinignan ni Eloisa kung sino ang caller kaso hindi nakaregistered ang numero, pero sinagot na rin niya at baka importante o mag- oorder ng kakanin niya.
" Hello.. " aniya pero wala namang sumagot kaya inulit niya ang pag hello ngunit wala pa ring nagsalita kaya pinatayan niya ng tawag.
"Tatawag- tawag tapos kapag sinagot hindi naman nagsasalita pinakikinggan lang niya ang boses ko. Nakakainis na, hindi na talaga nakakatuwa ang ginagawa niya!." pagrarant ni Eloisa dahil naiinis na nga siya na kasama niya sa iisang sasakyan si Edgar sinabayan pa ng unknown caller niya.
"You mean Eloisa maraming beses ka ng nakakatanggap ng ganyang tawag?" aning pang- uusisa ni Justin na ikinapag alala rin ni Edgar para kay Eloisa pero hindi nagpahalata.
"Oo eh! nung una hindi ko pinapansin, but lately kase sunud- sunod na. Alam mo yung feeling na may nang i stalk sa'yo. Madalas tumawag ang unknown caller na yan sa madaling araw, para bang alam niya na gising ako ng mga ganoong oras. Nakikinig lang talaga siya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit niya gustong pakinggan lang ang boses ko. Nakakairita na kaya ang ginagawa niya!" saad ng dalaga na lalo lang ikinapag-alala sa kanya ni Justin.
"Bakit hindi mo ireport sa pulis?" suhestiyon ni Justin.
"Ireport sa pulis e hindi ko nga kilala kung sino ang makulit na caller, tapos paiba iba pa ng number. Papaano naman nila ako matutulungan?"
"May point ka naman pero mabuti na rin yung may report ka pa rin sa pulis, just in case na lumala pa yan." sagot ni Justin kay Eloisa.
"Alam ba ng pamilya mo ang tungkol diyan?" pakikisabat na ni Edgar dahil hindi siya makatiis na hindi makisali sa usapan.
Nagpakawala ng malalim na paghinga si Eloisa. "Hindi, wala pa kong napagsasabihang iba!" aning sagot ni Eloisa.
"May friend ako na alam kong makakatulong sayo para malaman kung sino ang unknown caller mo na 'yan. Kung sa tingin mo ay nakakagulo na siya sa sistema mo at nakakaramdam ka na ng takot sa ginagawa niya, tama ang boyfriend mo ireport mo na sa pulis o kumuha ka na ng taong makakatulong sa iyo." komento ni Edgar na hindi nagustuhan ni Eloisa ang ilan sa sinabi niya kaya napaikot ang eyeball ni Eloisa at nagsungit na naman.
"Hindi kami ni Justin okay, hindi ko siya boyfriend for your information!. Thank you sa advice pero tingin ko harmless naman ang caller. Dito na lang kami ni Justin, okay na kami rito, bababa na kami!" aniya kay Edgar pero pinagpatuloy pa rin ng lalaki ang pagmamaneho kahit na lumagpas na sila sa labasan.
Binaling ni Edgar ang paningin kay Justin na nginitian siya at inilingan nito. "Magkaibigan lang kami ni Eloisa, Edgar!" segunda ni Justin sa sinabi ni Eloisa. Hindi naman nagsalita pa tungkol sabagay na yon si Edgar.
"Ihahatid ko na kayo, baka kung ano pa ang mangyare sa inyo sa daan, mahirap na! Lalo na at ganyan na parang mayroon ka pa yatang stalker."
Halata at ramdam ang pagiging concern ni Edgar sa dalaga na ikinatahimik ni Eloisa dahil ayaw niyang maging asyumera, ayaw niyang isipin na may nararamdaman pa rin sa kanya hanggang ngayon si Edgar.