Chapter 13

1518 Words
Naihatid na ni Edgar sina Eloisa at Justin at nakabalik na rin siya sa mansyon. Nasa loob pa rin siya ng kotse at nag iisip. Naguguluhan ang puso't isipan niya. Kahit na sinabi ng dalawa sa kanya na magkaibigan lang at walang relasyon ay nakakaramdam pa rin si Edgar ng selos. Ang isipin na magkasama pa rin sina Eloisa at Justin ay parang nanglalambot ang kanyang mga kalamnan at gusto niyang manakit. Nag- aalala rin siya kay Eloisa ngayon sa kanyang nalaman na kahit na sinabi nito na harmless naman ang unknown caller nito na nang-gagambala sa dating nobya ay hindi niya maiwasan makaramdam ng takot para sa babae. Ramdam niya ang tampo at galit sa kanya ni Eloisa hindi iyon maitatago sa kanya ng babae dahil kahit na hindi matagal ang naging relasyon nila noon ay kilala niya ang dalaga kung paano ito umasta kapag galit, naiinis o napipikon dahil sa magandang mata ng dalaga na napaka-expressive. Maraming tanong ngayon sa isipan niya na gusto niyang hanapan ng sagot. Aminado siya sa sarili na sa sobrang galit na naramdaman niya noong nalaman niya na ginagamit lang siya ni Eloisa para pabulaanan ang relasyon nito kay Philip at sa kanya na matuon ang isip ng mga tao ay hindi pa rin mawala sa isip niya na pinagsabay sila ni Eloisa. Hindi lang niya masabi noon sa dalaga na alam niya ang ginawa nito kaya gumawa na lang siya ng paraan para siya ang piliin ni Eloisa at mailayo niya ng tuluyan ang kasintahan noon sa Philip na yun na nauna pa palang naging nobyo ni Eloisa. Pero nagkamali ata siya ng naging plano niya dahil imbes na maiayos niya ay lalo lamang lumaki ang naging lamat sa pagitan nila ni Eloisa. Kung hindi pala si Eloisa ang nakatuluyan ni Philip, anong nangyare sa dalawa at bakit nagkahiwalay rin ang mga ito. Tunog ng phone ang umistorbo sa isipan ni Edgar. "Nick, what's up! napatawag ka?" aniya sa kaibigan ng mag pop up sa screen ang name ng caller. ( Nasa Guimaras ka pa? ) tanong ni Nick. "Yeah, why? matatagalan pa ako rito usapan namin ni Lolo ay 2 months akong mag stay na muna rito. Need help?" aniya sa kaibigang halata niyang nakainom na at medyo lasing na rin. ( Yayain sana kitang lumabas ngayon, Hindi ko matawagan si Enrico, may family dinner naman si Anthony kasama ang mommy niya at mga biyenan niya dahil despedida raw ng kapatid ni Cherry Lou ngayon. ) "Sorry dude, bawi kami next time. Sabihin mo na lang sa akin ang problema mo at makikinig ako." aniya kay Nick na narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga. ( Nahihirapan akong magdesisyon bro! Paano ko sasabihin sa kanyang alam ko na ang tunay niyang pagkatao, kung iyon ang magiging dahilan ng paghihiwalay naming dalawa. Mahal ko na siya pare. ) panimulang salaysay ng kaibigan niya na may idea na siya kung ano. " Kailan mo pa nalaman ang totoo? So, hindi nga ako nagkamali!? siya nga ba talaga ang babaeng sinabi ko sa'yong namumukhaan ko na ipinakilala sa akin ni Patrick." ( Siya nga Edgar, siya nga! anong gagawin ko? hindi ko na kayang mawalay pa siya sa akin! ) "Hindi ko rin alam ang maipapayo ko sayo Nick! tulad mo problemado rin ako sa isang babae ngayon, na nahihirapan din akong mag isip kung anong dapat kong gawin, dahil di ko na kayang kontrolin ang sarili ko kapag nasa paligid ko lang siya." ( Ano ba namang sumpa itong dinaranas ko ngayon pare sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa akin ay sa kanya pa talaga ako nahulog ng lubos at napamahal ng wagas. ) himutok ni Nick sa kaibigan. ( Ang hirap turuan ng puso, napaka-unpredictable, napakahirap pigilan na magmahal and worst hindi natin alam kung para kanino siya titibok ng mabilis. 'Tang nang pag ibig ito, lalaki ako pero nagagawa niya kong paluhain, saktan at pahirapan ng ganito.) dagdag pang turan ni Nick kay Edgar. "Nick, hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng ganyang problema. I am so sure na malalagpasan mo rin ang pagsubok na yan sa buhay mo. Isipin mo lang kung ano ang sa tingin mong tama bro!. Kailangan mong sabihin sa kanya ang mga nadiskubre mo sa pagkatao niya, she needs to know Nick! karapatan niyang malaman ang totoo." payo niya sa kaibigan. ( Easy to say, hard to do.) muling napabuntong hininga si Nick at nagpaalam na kay Edgar. Binitiwan ni Edgar ang cellphone niya at isinandal ang katawan sa upuan at ipinikit ang mga mata niya. "Senyorito.., senyorito Edgar.." pagtawag sa kanya ng driver ng lolo niya na nasa labas ng kotse at kinatok pa ang salaming bintana ng sasakyan upang mapansin niya. Ibinaba niya ang salamin ng bintana at tinanong ang driver kung bakit. "Kase senyorito kanina pa kayo dumating pero hindi pa kayo lumalabas sa kotse. Pinatatawag na kayo ni Don Edgardo, gusto niya raw ho kayo makausap. Nasa sala pa ho si Don Edgardo at ang kapatid n'yo hinihintay talaga ang pagdating ninyo." pahayag ni manong driver. "Sige susunod na ko!. Ito nga pala ang susi ng kotse, ikaw na bahalang mag garahe niyan. Nga pala manong pakilinis na rin ang kotse bukas ng umaga gagamitin ko at may pupuntahan lang ako. Salamat!" aniya sa driver ng lolo niya pagkalabas niya ng kotse. "Sige senyorito Edgar, bukas po paggising ninyo malinis na ang sasakyan." Tinapik ni Edgar ang balikat ni manong at tumuloy na sa loob ng bahay, dumiretso siya sa sala at naroon nga ang lolo niya at kapatid na umiinom ng tsaa. "Kumusta ang paghatid mo sa dati mong nobya Edgar?" salubong na tanong ni Don Edgardo sa apo. "Kaya pala ganun na lamang ang ikinikilos ni Eloisa kanina na parang nahihiya, may past pala kayong dalawa! in fairness kuya ha marunong ka pala noon na kumilatis ng babae kumpara sa mga babae mo sa maynila puro pasosyal lang ang alam!" komento ni Margaret. Napaupo na lang si Edgar sa mahabang sofa at nagsalin ng tsaa sa maliit na tasa na alam niyang nakalaan para sa kanya at ininom ang kalahating tasa ng tsaa. "Kuya, bakit nga pala kayo nag break ni Eloisa noon?" curious na tanong ni Margaret sa kapatid. "Yan din ang tanong ko sayo Edgar, ano nga bang dahilan at naghiwalay kayo ni Eloisa?. Ang natatandaan ko kase ay dapat ipapakilala mo na sa akin ng pormal noon si Eloisa bago ka bumalik ng maynila, pero hindi na yun nangyare at umuwi ka rito na galit at sinabi mong hindi na matutuloy ang dinner at kinabukasan din ay umalis ka ng hindi man lang sinabi sa akin ang rason ng biglaan mong pagbalik ng maynila. Alam kong nagkaroon kayo ng problema noon ni Eloisa, pero hindi ko inasahan na grabe pala talaga ang naging pagtatalo ninyo noon dahilan upang hindi mo na ginustong bumalik pa rito at kung hindi ko pa ipinilit na pamahalaan mo muna ang manggahan ay hindi ka na pupunta pa rito sa guimaras." mahabang litanya ni Don Edgardo. "Margaret, Lo, kung anuman ang dahilan ng hiwalayan namin ni Eloisa, sa amin na lang yon!" seryoso niyang saad sa kapatid at lolo. "Curious lang kami ng kapatid mo apo! Kanina, hindi mo man aminin sa amin ng kapatid mo, alam kong nagseselos ka kay Justin. Ang alam ko wala pa ring nobyo si Eloisa, dalaga pa rin siya at hanggang ngayon nakikita ko sa mga mata niya na may pagtingin pa rin siya sa'yo. Why dont you try na suyuin siyang muli, malay mo mangyari sa inyo ang sinasabi ng iba na love is lovelier the second time around." aning wika at suhestiyon ni Don Edgardo sa apo. Napangiti si Edgar sa sinabi ng kanilang abuelo dahil lumalabas ang pagiging romantic na naman nito. "Naniniwala ka pala sa ganyan Lo, eh bakit hindi ka nag asawang muli!?" balik tanong niya sa matanda. "It's just because sa lola Mira n'yo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. I mean siya lang ang minahal ko at wala akong nakitang iba kahit na sinubukan ko naman noon." paliwanag ng lolo nila. "Kuya, mukha namang gusto mo pa rin si Eloisa bakit di mo nga ligawan uli! tulungan kitang mapalapit uli sa kanya kung gusto mo." "Para-paraan ka Margaret, baka akala mo hindi ko nahahalata na type mo ang lalaking kasama ni Eloisa." paninita ni Edgar sa kapatid. "Kuya, magkaibigan lang sila ni Justin. Binata yung tao at walang girlfriend, may magandang trabaho at nag research na ko ng tungkol kay Justin, mayaman din sila dahil co owner ng isang sikat na publishing house ang pamilya niya. Teka bakit nalipat sa akin ang usapan hindi ba kayo ni Eloisa ang pinag uusapan natin rito!?" "Sabat ka kase ng sabat eh! pag iisipan ko. Matutulog na ko Lo, inaantok na ko. Mauna na ko sa inyong pumasok ng kwarto ko. Ikaw, Margaret hindi ka pa ba papasok ng silid mo? pagpahingahin mo na si Lolo Edgardo at may appointment siya sa pinsan ni Eloisa at kay Justin bukas ng umaga." pagtakas ni Edgar sa usapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD