Chapter 14

1259 Words
Alas tres ng madaling araw nagluluto na ng kakanin si Eloisa hindi na siya gagawa ng mga orders sa kanya dahil natapos na niya kagabi pa bago siya natulog. Sinadya niyang abalahin ang sarili dahil ayaw niyang isipin ang pagkikita nila ni Edgar kahapon. Nang makita n'ya kase si Edgar sa mansyon ni Don Edgardo muli niyang naramdaman ang pag init ng buong katawan niya mulo ulo hanggang paa at ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Alam niya ang ganoong pakiramdam dahil ganun din ang nararamdaman niya sa tuwing naeexcite siyang makita ang lalaki noon at lalo na ng sagutin niya ang binata at hagkan siya nito sa labi noon sa unang pagkakataon. Ayaw na ni Eloisa alalahanin ang nakaraan nila ni Edgar, pero para talagang lahat ng pinagsamahan nila na mga magagandang pangyayari na magkasama sila ay nagpaflashback sa kanyang isipan. Habang naghahalo siya ng ginagawa niyang latik hindi niya namamalayan ang pagngiti ngiti niyang mag isa. Naalala kase niya ang unang halik sa kanya ni Edgar, ramdam niya na mahal talaga siya noon ng lalaki pero nawala rin agad ang ngiti sa mga labi niya ng maalala rin niya ang huli nilang pag uusap bilang mag nobyo. Hindi naging maganda ang break up nilang dalawa dahil sa mga bagay na hindi niya pa noon kayang ibigay kay Edgar. "Kung ngayon niya kaya ako yayain na sumama sa kanya at sabihin na pakakasalan agad baka mabilis pa sa kidlat ang pag yes ko sa kanya, ang kaso malabo na mangyare yun at baka nga may girlfriend na siya sa maynila." bigkas ni Eloisa sa sarili pero narinig naman ng kanyang ama. "Ehemmm... ang aga mong nagrereminisce Eloisa, si Edgar ba ang tinutukoy mong baka may girlfriend na sa maynila?" aning wika ng kanyang ama na ikinagulat ni Eloisa. " Tay, nakakagulat naman kayo! bigla bigla kayong sumusulpot diyan! mabuti na lamang at wala akong sakit sa puso." angil niya sa ama na pinagtawanan pa siya. "Narinig ko kase ang sinabi mo! nagkita na kayo ulit ni Edgar? mahal mo pa di ba!? Okay lang yan anak, naiintindihan ko. Napagdaanan rin naman namin ng nanay mo yan!. Ilang beses ba kaming nagkahiwalay at nagkabalikan noon ng nanay ninyo bago kami nagpakasal? parang dalawa o tatlong beses ata pero ang ending siya pa rin ang nakatuluyan ko at hanggang ngayon kami pa rin ang magkasama di ba!" wika pa ng kanyang ama. "Tay, iba ang love story ninyo ni nanay at iba rin ang sa amin." aniyang sagot sa ama. "Alam ko! sinasabi ko lang na pwede ka naman magbigay ng second chance kung sakaling hingian ka ng pangalawang pagkakataon, lalo na kung mahal o importante naman sa iyo ang pagbibigyan mo at deserve ninyo talaga ng second chances. Get's mo naman na siguro yun anak? huwag mo kong pahirapan Eloisa, mahina ako sa mga ganitong usapin." paliwanag ni mang Nelson sa panganay niya. "Opo tay, nagegets ko naman ho!" natatawa niyang wika sa ama. "Kahapon tay, sa mansyon ni Don Edgardo. Sa kanila kami naghapunan ni Justin di ba, natural na nandoon din siya. Magbabanyo po ba kayo?" dugtong pa niyang sagot sa ama. Na pilit iniiba ang usapan pero nangulit pa rin ang kanyang ama. "Hindi mo sinagot ang huling tanong ko, but never mind! hindi mo man sinagot, halata naman sa iyo na mahal mo pa rin siya. Eloisa, natupad mo na ang pangarap mo para sa amin ng nanay mo at ganoon rin naman sa sarili mo. Napatunayan mo na at na kaya mong abutin ang simpleng pangarap na nais mo. Pagbigyan mo naman na ang sarili mo, hindi ka namin kokontrahin ng iyong ina nasa right age ka na eh! bagkus ay susuportahan ka pa nga namin. Kung mahal mo siya at sa tingin mo ay may pag asa pa, ilaban mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi pa naman huli para sa inyo, pareho kayong mga wala pang asawa, kung may girlfriend man siya sa maynila alamin mo kung mahal nga ba niya o fling lang niya. Lalaki din ako Eloisa hindi naman ang nanay n'yo lang ang naging kasintahan ko noon. Nakita ko kay Edgar ang sinseridad niya sa iyo noon. Malaki rin ang paniniwala kong misunderstanding lang talaga ang naging problema ninyo at kung magkakausap kayong muli ng maayos baka maaari pa kayong magkabalikang dalawa." payo ni mang Nelson sa anak dahil nakikita niyang pinipigilan lang ni Eloisa ang nararamdaman nito ngayon sa dating nobyo. "Tay, matagal na pong nangyare yon at kung talagang minahal niya nga ako at nais balikan e di sana noon pa niya ginawa. Bakit pa niya paaabutin ng six years di ba!? Kaya lang naman siya bumalik rito dahil sa request ni Don Edgardo, dahil kailangan siya ng lolo niya at hindi siya bumalik rito 'tay para balikan pa 'ko." nanlulumong paliwanag niya sa ama. "Hindi ko naman sinasabi sayo na ipagduldulan mo ang sarili mo kay Edgar anak, ang ibig kong sabihin kung mahal mo pa rin siya gumawa ka ng paraan na mapalapit muli sa kanya. Baka kase noon kaya hindi nag work ang relasyon ninyo dahil sa paniniwala ng iba sa salitang you had the right love at the wrong time. Malay mo this time ay tama na pala." pagpapayo pa rin ng kanyang ama. "Ay si tatay ang daming alam! magbabanyo po kayo di ba!?" natatawang saad niya sa ama dahil hindi niya kinakaya ang usapan nilang mag ama kaya umiiwas na siya. "Oo nga pala! Pagkatapos mo diyan bumalik ka agad sa pagtulog gigisingin ko ng maaga ang nanay mo para palitan ka dito." "Naku tay, hindi naman kailangan gumising ni nanay ng maaga ngayon, dahil natapos ko naman na ang iba bago ako natulog kagabi. Panlako lang ho itong ginagawa ko para mamaya ay may benta pa rin sina Jaja at aling Brenda." "Sige, ikaw ang bahala anak, basta pag isipan mo ang sinabi ko sayo. Hangga't narito si Edgar kung mahal mo pa rin siya wag mong pigilan ang nararamdaman mo." "Tay naman eh!" angil niya na sa ama na tinawanan siya bago siya iwan sa kusina. Patapos na siya sa kanyang ginagawa ng tumunog at mag vibrate ang kanyang phone. Unregistered number na naman ang caller kaya hindi niya sinagot at ini off niya ang kanyang cellphone. Mag aalas singko na ng umaga ng tumingin siya sa wall clock nila. Ganoong oras madalas siyang tawagan ng unknown caller niya na wala namang sinasabi at pinakikinggan lang ang pag hello hello niya. Naisip niyang magpalit na lang ng simcard at gawing pang private na lang ang magiging bago niyang phone number at bibili na lamang siya ng isa pang cellphone na mura lang at isa pang simcard na gagawin naman niyang pang business contact number nila para sa mga nais mag order ng mga kakanin at dessert niya at ang ina na lamang niya ang pahahawakin ng para sa mga mag oorders para makaiwas sa mga tawag na hindi naman importante at nanggugulo lamang. Naalala niya ang naging komento ni Edgar tungkol sa unwanted unknown caller niya. Gusto ng lalaki na bigyan siya ng tulong. Napangiti siya ng maisip niya ang bagay na yun dahil naramdaman niya ang pagkakaroon ng concern ng binata sa kanya. Natuwa rin siya ng sungitan siya ni Edgar kagabi ng sabihan siya nitong hindi bagay sa kanya ang nag iinarte. Alam niyang napikon ito sa kanya ng ayaw niyang sumakay ng kotse dahil ito ang driver, pumasok sa balintataw ng dalaga ang face reaction ni Edgar at mahina siyang napatawa ng maalala iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD