Chapter 15

1365 Words
Sa Alminarez mango farm ay abala na ang lahat ng tauhan nila Don Edgardo. Pagkarating nila Edgar, Margaret at Don Edgardo sa farm ay naroon na rin sina Justin at Raegan na inaasahan naman talaga nila na darating sa mga oras na yon sa farm. "Good morning sa inyo Don Edgardo!" unang bumati ay si Raegan na sinundan ni Justin. "Magandang umaga rin sa inyo! kanina pa ba kayo naghihintay?" balik bati at tanong ng Don. "Hindi naman ho! kakarating lang din naman ni Raegan, Don Edgardo." saad ni Justin. "Raegan, meet my apo si Margaret, kapatid siya ni Edgar. Im sure na naikwento na sa iyo ni Justin na nagkakilala na sila kahapon." "Yes po Don Edgardo, naikwento nga po sa akin ni Justin na naimbitahan n'yo rin sila mag dinner sa bahay ninyo kasama ang pinsan kong si Eloisa. Nice to meet you ms. Margaret! I know you, madalas kitang makita sa mga magazine na ma featured sa Fashion week magazine." nagagalak na wika ng pinsan ni Eloisa. "Nice to meet you too, Raegan. Hindi ninyo kasama si Eloisa?" "Hindi eh! ganitong oras tulog pa siguro si Eloisa. Sa madaling araw kase ay gising siya. Bumabalik lang ng tulog 'yon kapag natapos na niyang gawin ang mga orders at paninda ng mga manlalako niya. Yun ang sabi ni tiyang sa amin! ganoon na raw ang daily routine ng pinsan ko magmula ng umpisahan niya ang small business niya two years ago." pahayag ni Raegan sa babaeng apo ni Don Edgardo na halatang interesado sa pinsan niyang si Eloisa. "Oh really! napakasipag pala ni Eloisa noh!" Komento ni Margaret. "Lo, alis na muna ako, balikan ko na lang kayo ni Margaret mamaya. May importante lang akong pupuntahan. Gret, give me a call, pag natapos na ang interview ng wala pa ako." pamamaalam ni Edgar sa kanila. "Okay kuya, ingat ka!" bilin ni Margaret sa kanya. "Mag iingat ka apo!" segunda na rin ni Don Edgardo. "Manong, maiwan ka na rito. Pakialalayan mo na lang ang Lolo ko." aniya sa driver nila. "Sige ho, senyorito." Sinulyapan niya sina Justin at Raegan at tinanguan bago pumasok ng kotse. Plano niyang puntahan si Erin at kausapin. Nagtanong tanong na muna siya sa munisipyo kung saan alam niyang kilala roon ang anak ng Mayor at hindi siya nagkamali ng pinagtanungan dahil sinamahan pa siya ng isa sa mga tauhan ni Mayor sa mismong bahay nila Erin at ng asawa na nito. Dahil kilala ng security guard ang kasama niyang nagpunta kina Erin ay pinapasok sila sa loob ng gate. Unang bumaba ang tauhan ni Mayor at kinausap ang sumalubong na kasambahay siguro nila Erin. Ilang minuto silang naghintay sa entrance door ng lumabas si Erin na karga ang isang anak nito. "Minda, inutusan ka ni Dad na pumunta rito?" tanong agad ni Erin sa babae ng makita niya itong naghihintay sa kanya. "Hindi maam Erin, sinamahan ko lang ang apo ni Don Edgardo Alminarez rito sa bahay n'yo dahil may kailangan raw ho siya sa inyo." saad ng babae kay Erin. Napabaling ang mga mata ni Erin sa lalaking kasama nung Minda. Halata ang naging pagkabalisa ni Erin sa presensiya ni Edgar. "Magkakilala raw ho kayo ang sabi niya ma'am, kaya sinamahan ko na siya rito." dugtong pang saad nung Minda. "Ah, oo Minda kilala ko siya." sagot niya sa tauhan ng kanyang Daddy. "Kumusta ka na, Erin? long time no see!" aning pangungumusta ni Edgar sa babae. "Edgar, pasok ka! Minda pasok ka na muna. Gusto ninyo ng maiinom?" pang aalok pa ni Erin sa dalawa habang naglalakad na ito papasok na sana sa loob ng bahay ngunit natigilan ng magsalita muli ang babaeng naghatid kay Edgar. "Hindi na, babalik na ko ng munisipyo. Inihatid ko lang talaga siya rito sa bahay mo. Alis na ko!" pagtanggi ng babae sa alok ni Erin na hindi na pumasok pa ng bahay at nagpaalam na nga sa kanila. "Okay sige, salamat sa paghatid sa kanya rito Minda. Ikumusta mo ako kay Dad, kapag nagkita kayo mamaya." ani pang wika ni Erin sa babae. "Sure na makararating sa Daddy mo, Ma'am Erin." "Ingat ka sa daan Minda, Sa loob na tayo mag usap Edgar." "Nabalitaan kong naikasal ka na at may anak na rin. Nabatid ko ring barkada pala nung Philip ang naging husband mo." panimulang pangungumusta ni Edgar kay Erin. "Yaya, pakihawakan mo na nga muna si Julia, please!" pagtawag ni Erin sa tagapag alaga sa anak at ibinigay na muna ang panganay niya sa yaya nito at muling hinarap si Edgar pagkalayo ng dalawa sa kanila. "Tama naman ang mga nakarating sayo. Nakita mo naman may sarili na kong pamilya, si Julia ang panganay ko at ang baby ko naman ay nasa nursery room natutulog. Wala rito si Julius nasa trabaho." pagpapabatid ni Erin kay Edgar na tumango naman kay Erin. "Edgar, may idea na ko kung bakit ka narito ngayon! Im sorry, im really really sorry kung nasira ko ang relasyon ninyo ni Eloisa. Galit ako noon kay Eloisa at nagseselos ako that time dahil palagi na lang siya ang napapansin ni Philip. Alam kong boyfriend ka na ni Eloisa noon pero ng gabing sinundan ko si Philip upang kausapin ay nakita kong nagtungo siya sa bahay nila Eloisa, sinadya kong videohan sila dahil naisip kong gantihan si Eloisa kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang ginagawa sa aking masama. I was blinded by love for Philip then. Napag-alaman ko na ng gabing yun pala ay nagpaalam lang si Philip at sumuko na sa panunuyo kay Eloisa. Nalaman ko ang bagay na yun ng si Julius mismo ang nagsabi sa akin ng tunay na dahilan kung bakit kinausap ni Philip si Eloisa ng gabing yon bago umalis patungong america ay para nga magpaalam lang kay Eloisa. Hindi totoo ang mga nasabi ko sayo noon, gawa- gawa ko lamang ang lahat ng 'yon." pagtatapat ni Erin kay Edgar ng tunay na nangyari kung bakit magkausap sina Philip at Eloisa noon. "What!!!?" nagngangalit ang mga ngipin ni Edgar at panay ang paggalaw ng kanyang panga dahil sa galit na nararamdaman niya para kay Erin. Kung hindi lang babae ang kausap at kaharap niya baka nasuntok na niya si Erin sa ginawa nitong pag amin sa kanya ng katotohanan. "Alam mo ba ang ginawa mo sa akin Erin, Nagalit ako kay Eloisa, nasira ang tiwala ko sa kanya at sa mga babae na napalapit sa akin. Wala akong pinagkatiwalaang babae dahil ang naiisip ko ay katulad lang sila ni Eloisa na manggagamit. Nagtanim ako ng sama ng loob sa babaeng una kong minahal dahil sa ginawa mong kasinungalingan! pinaniwala mo ko na bukod sa akin ay may ibang karelasyon si Eloisa. Naniwala ako sayo dahil sa video na ipinakita mo, yun pala ay gawa gawa mo lang ang lahat! I can't believe na napaniwala mo 'ko sa kasinungalingan mo Erin! damn you... sh*t ka, Erin..!! alam mo ba yon ha..? alam mo ba yon!?" galit na galit na aning wika ni Edgar kay Erin. "Sorry Edgar, sorry talaga! babawi ako, kung gusto mo haharapin ko si Eloisa. Ako ang magpapaliwanag sa kanya ng lahat. Ako naman ang naging dahilan ng pagkakasira ng relasyon ninyo ni Eloisa kaya hayaan mong ako rin ang mag ayos. Hihingi rin ako ng tawad kay Eloisa kung kinakailangan." paghingi ng tawad ni Erin kay Edgar. Kumalma na kahit papaano si Edgar sa sinabi ni Erin sa kanya, pero hindi pa rin nawawala ang galit niya sa babae. Ilang taon ang nasayang sa kanila ni Eloisa, nagawa pa niyang sisihin ang dating nobya na wala naman palang nagawang pagkakamali sa kanya. Ngayon nakakaramdam siya ng hiya kay Eloisa dahil mas pinaniwalaan pa niya noon ang sinabi ng iba, kaysa ang magtiwala kay Eloisa. Nasabi pa niya sa sarili na napakatanga niya sa puntong iyon ng kanyang buhay. Ngayon naman ay iniisip niya kung papaano pa siya haharap kay Eloisa gayong ang buong akala niya ay siya ang sinaktan ni Eloisa yun pala ay siya ang nakasakit sa damdamin ng dalaga. Napaupo na lang si Edgar sa malambot na sofa nila Erin at huminga ng huminga ng malalim ng paulit ulit para muling pakalmahin ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD