Chapter 16

1109 Words
Pagkalabas ng silid ni Eloisa na kagigising lang ay nasalubong niya si Cecil na papasok naman na sana ng silid nilang dalawa. "Good morning ate! ilang oras ka pa lang nakakatulog ah, bakit bumangon ka na agad?" bungad na tanong ni Cecil sa kanya. "Hindi na ko makatulog eh! Wala ka bang pasok ngayon?, Si nanay asaan?" tanong niya sa kapatid. "Wala!, nasa labas si nanay nakita kong may kausap." sagot ni Cecil. "Si Michael pumasok na? sina Raegan at Justin?" tanong niya pang muli kay Cecil. "Si Michael may pasok sa school at mamaya pang tanghali ang uwi ni bunso di ba! Sina kuya Raegan maagang umalis nagpaalam kay nanay at ang sabi ngayon ang appointment interview nila kay Don Edgardo. Kanina pa sila nakaalis pero baka mamaya pa ang balik nila. Bakit mo hinahanap sina kuya Raegan? Uyyy.. si ate Eloisa mukhang type ang katrabaho ni kuya Raegan." "Maka uyyy ka Cecil akala mo hindi ko alam na ikaw talaga ang may crush kay Justin. Makatingin ka sa tao ang lagkit. Tigilan mo ko sa panunukso mo, wala akong gusto kay Justin okay!" pagtatanggol ni Eloisa sa sarili. "Binibiro lang kita! masyado ka na kaseng seryoso sa buhay ate Eloisa. Ngumiti- ngiti ka naman din kase minsan." "Tse! dami mong napapansin Cecil, para kang si Janet, kayo atang dalawa ang magkapatid eh!" paninita niya sa kapatid na binungisngisan pa siya nito bago siya iniwan at pumasok na ng silid nila. Tumuloy naman si Eloisa sa kusina at tinignan kung naiayos na ng nanay niya ang lahat ng kalat niya roon. At nang maayos naman na pala ay lumabas siya ng bahay upang puntahan ang kanilang nanay na ang sabi ng kapatid niya ay may kausap sa labas naisip niyang baka costumer na mag oorder ng kakanin. "Ayan na pala si Eloisa, Martin." dinig ni Eloisa na sabi ng ina niya ng makita siya. Nagulat naman si Eloisa dahil nasa labas ng bahay nila ang lalaki at ito pala ang kausap ng kanyang nanay. "Eloisa, dumito ka! Narito si Martin para dalawin ka. Maiwan ko na muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryenda at magsisimula na rin akong magluto ng pananghalian." aning wika ni aling Susan. "Salamat ho aling Susan." saad ni Martin. "Ang aga mo naparito Martin, wala ka bang pasok sa munisipyo ngayon? may kailangan ka?" tanong ni Eloisa. "Para sayo Eloisa, sana magustuhan mo?" iniaabot ang bulaklak na tatlong red roses sa dalaga na alanganin naman si Eloisa na tanggapin iyon pero ayaw naman niyang ipahiya si Martin kaya kinuha na rin niya ang bulaklak. "Salamat, maupo ka! kanina ka pa ba nandito?" aniya sa lalaki. "Wala pa namang sampung minuto, naka leave ako sa trabaho ng dalawang linggo. Galing ako sa palengke kanina at nautusan ako ni mama na ihatid rito sa inyo ang sampung kilo na malagkit na bigas na itinawag ni aling Susan kanina." "Ah kaya pala! thank you ha. Pero ang alam ko pinatabi lang yun ni nanay kay aling Tudeng at ang alam ko rin ay kukunin naman ni tatay mamayang hapon sa tindahan ninyo yung malagkit na bigas. Nag abala ka pang ihatid dito, pwede namang hindi na dahil hindi naman minamadali at mamaya ko pa naman gagamitin." "Actually Eloisa, sinadya ko talagang ako na ang maghatid ng malagkit na bigas para masilayan kita ngayong araw." pagtatapat ni Martin na ikinapagbuntong hininga ni Eloisa. "Intsik ka ba? kase tirik ang araw kung manligaw ka eh!" biro ni Eloisa na matipid na ikinangiti ni Martin. "Alam ko kaseng madalas na busy ka sa gabi Eloisa, kaya hindi na kita inaabala ng ganoong oras. Sa tuwing dadalaw ako noon sa iyo sa gabi hindi mo naman ako maharap dahil may ginagawa ka palagi." aning wika ni Martin sa kanya. "Sabagay, totoo naman na sa gabi ako gumagawa ng mga orders na kakanin kaya talagang wala akong oras na makipag usap ng matagal. Nasabi rin ba sayo ng nanay ko na patanghali na ko nagigising sa araw araw?" aniya kay Martin. "Nasabi niya noon, nang minsang nagtanong ako tungkol sayo. Kumusta ka nga pala ngayon, Eloisa?" pag amin naman uli ni Martin. "Okay ako, wala naman nagbago ganun pa rin. Tulad ng madalas kong sabihin sayo Martin, wala pa ring magbabago roon.Tigilan mo na ang pagsasayang mo ng oras at pera pambili ng mga ganitong bulaklak. Wala kang maaasahan sa akin, I'm so sorry, pero wala talagang patutunguhan itong panliligaw mo sa akin. Sinabi ko naman na noon pa sayo na ibaling mo na lang sa iba yang nararamdaman mo para sa akin, dahil hindi ko nga kayang tugunan. Pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo Martin." muling pambabasted ni Eloisa sa lalaki. "Wala ka namang nobyo di ba? at wala ka pang napupusuan? bakit hindi mo magawang pag aralan na mahalin din ako Eloisa? willing akong maghintay kahit na napakatagal, maghihintay ako Eloisa. Hayaan mo lang akong mahalin ka at ipadama sayo kung gaano kita kamahal." pangungulit pa rin ni Martin kay Eloisa. "Sorry talaga Martin, matagal na akong may minamahal at siya lang ang nais ng puso ko. Hindi ko kayang magawang magmahal ng iba dahil umaasa ang puso ko na babalik siya sa piling ko." pag amin niya kay Martin ng tunay niyang damdamin. "Pero wala siya rito, ako ang narito Eloisa. Ako ang tunay na nagmamahal sayo. Subukan mo lang Eloisa na pag aralan akong mahalin, pangako ibibigay ko sa iyo ang lahat mahalin mo lang ako. Please Eloisa, nakikiusap ako sa'yo." pag iinsist pa rin ni Martin sa dalaga, na buo naman ang loob sa pag reject sa lalaki. Inilingan ng inilingan ng ulo ni Eloisa si Martin at tinignan niya sa mata ang lalaki. "Nakikiusap ako Martin, tama na, tumigil ka na! nasabi ko na sayo ang lahat ng gusto kong sabihin, makakaalis ka na! pagkalabas mo nga pala sa gate, pakisara na lang din." pagtataboy na ni Eloisa sa lalaki dahil hindi niya makuha sa magandang pakiusapan at baka sakali na kung magiging rude siya kay Martin ay ma turn off na ito sa kanya. Umaasa si Eloisa na iyon na ang huling pag uusap nila ni Martin at hindi na siya kukulitin pa ng lalaki. Ngunit nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Martin at sa harap niya mismo malakas itong napahugot ng malalim na paghinga at bagsak ang balikat na tinalikuran siya ng hindi na nagpaalam pa. Tinanaw lang ni Eloisa ang lalaki hanggang sa makalabas ng gate nila. Pero nang tignan siya muli ni Martin ng nasa labas na ng gate nila ito ay nakaramdam ng takot si Eloisa dahil kita niya ang galit sa mga mata ni Martin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD