Nakaalis na si Martin pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ni Eloisa.
"Eloisa.. best.. Hoy, best friend..!!" matinis na boses ni Janet na umagaw pansin kay Eloisa.
"Janet, ang ingay mo! Bakit ka ba sumisigaw, para kang sira!?" aniya sa matalik na kaibigan.
"Paanong hindi ako sisigaw, eh kanina pa kita tinatawag ayaw mo kong pansinin. Nakatulala ka lang diyan! nakapasok na ko ng gate ninyo di mo man lang ako napansin. Ano bang iniisip mo? hulaan ko si Edgar ano?"
"Isa ka pa! madalas ba kayong nagkakausap ni Cecil? mukhang naiimpluwensyahan mo yung kapatid ko eh!"
"Yung kapatid mong yun, hindi nga ako pinapansin no'n kapag narito ako sa inyo tapos dinadaan daanan nga lang ako ni Cecil kapag nakakasalubong ko sa daan, sasabihin mong naimpluwensyahan ko pa. Okay ka lang!?" angil ni Janet sa kanya.
"Anong kailangan mo? asan mga anak mo, bakit hindi mo ata kasama?" pag iiba na lang niya ng usapan.
"Hiniram ng mga biyenan ko. Kakaalis nga lang nila at ipapasyal raw ang mga bata. Ayaw akong isama at gumawa na lang daw ako ng gawaing bahay. Mantakin mo yun, harap harapan sabihin sa akin na hindi nila ako isasama. Naku best, kung hindi ko lang mahal ang anak nila matagal na kong nakipaghiwalay kay Leo eh! magkaroon ka ng ganung klaseng biyenan mamumuti agad mga buhok mo sa gitnang bahagi ng iyong mga hita talaga, Nakakainis sila! pasalamat na lang ako at mahal nila ang mga anak ko kahit na hindi maganda ang pagtrato nila sa akin bilang manugang. Lalo na yung biyenan kong babae kung umasta at makapagsalita sa akin ay akala mo naman ay mayaman ang pamilya nila, trabahador nga lang ang anak nila sa manggahan." paghihimutok ni Janet sa kanya kaya nawala na ang takot na naramdaman niya kanina.
"Sabi mo nga mahal mo si Leo at hindi mo kayang iwan ang anak nila di ba! magtiis ka, ginusto mong pakisamahan ang anak nila na ama ng dalawa mong anak eh! Magkasintahan pa lang kayo ni Leo alam mo ng ayaw sa iyo ng magulang niya sumige ka pa rin kase. Ngayon mag aangal ka, manahimik ka na nga lang!. Para naman mawala na yang inis mo sa mga biyenan mo ay mabuti pang samahan mo na lang ako sa bayan mag gala din tayong dalawa. Ano, sasamahan mo ko o hindi?"
"Minsan ka lang mag aya best, syempre sasama ako noh! libre mo ko ha!"
Natawa si Eloisa sa sinabi ng kaibigan. "Ano bang bago Janet, palagi naman kitang nililibre. Minsan naman libre mo rin ako." aniya pa sa kaibigan.
"Alam mo namang maliit lang sinasahod ng asawa ko, pasalamat na nga lang kami at may binibigay na kalahating kaban na bigas si Don Edgardo sa mga tauhan niya sa manggahan bukod sa sweldo. Malaking tulong yun sa amin, sinisigurado ni Don Edgardo na nakakain ng ayos ang pamilya ng mga tauhan niya. Alam mo Eloisa napakaswerte mo kung nakatuluyan mo si Edgar kase napakabait ng pamilya nila. Kwento nga sa akin ni Leo na kahit ang apong babae ni Don Edgardo ay sobra din ang bait hindi raw matapobre, medyo maarte nga lang daw, pero normal na siguro yun kase mayaman naman sila."
"Malabo ng mangyari yun Janet, nagkita na kami ni Edgar kagabi at sa mansyon ni Don Edgardo ako naghapunan kasama sila. Galit siya sa akin at hindi man niya sinasabi na may sama siya ng loob sa akin ramdam ko naman." kwento niya pa kay Janet.
"Talaga?!, nagkita na kayong dalawa? ano ang naramdaman mo best ng makita mo siyang muli? Yun tulad ba sa mga napapanood ko sa tv na kumakalabog ang puso mo? yung nag i slow motion siya sa paningin mo? at natutulala ka sa angkin niyang kagwapuhan? ganun ba best ha, ganun ba!?"
"Ang OA naman ng ganun best! matagal ko ng alam na gwapo talaga si Edgar kaya hindi na ko natulala pa ng makita ko siyang muli. Hindi siya nag slow motion dahil hindi ko naman siya tinignan talaga, napapatingin lang ako pero hindi ako tumitingin. Yung kalabog exaggerated talaga yon best, naramdaman ko lang ang pagbilis ng pintig ng puso ko na para akong nagpalpitate at nag init ang mukha ko yun lang." pagsabi niya ng totoo sa kaibigan na kinilig naman ng husto.
"Ayyyieeehh.. grabe best kinikilig ako sa inyong dalawa!"
"Parang tanga 'to!, wala naman nakakakilig sa nangyare kagabi. Gusto mo ng kape? hindi pa ko nag almusal, palambing naman best timpla mo kong kape!" aniya kay Janet na nginitian si Eloisa.
"Kaya love na love kita best eh! namimiss ko din yang paglalambing mo sa akin. Pasok na tayo sa bahay ninyo at ipagtitimpla kita ng masarap na masarap na kape."
Nauna pang pumasok ng bahay nila si Janet at dumiretso ng kusina nila at inabutan pa nila roon si aling Susan na nagluluto ng uulamin nila para sa tanghalian.
"Hi, nay Susan! magtitimpla po ako ng kape ha at ang magaling ninyong panganay ay naglambing sa akin na ipagtimpla ko siya, imbes na ako ang ipagtimpla niya dahil ako ang bisita sa bahay n'yo. Ang bait ng panganay po ninyo ano nay Susan!." pagbibiro ni Janet na tinawanan lang ng ina ni Eloisa dahil sanay na ito sa magkaibigan.
"Pagbigyan mo na Janet, napakadalang naman mag request sayo n'yang anak ko. Napasyal ka? himala at wala kang bitbit na anak ngayon." puna naman ni aling Susan kay Janet.
"Isinama po ng biyenan ko, mamasyal raw at hindi ako pinasama kaya pumunta na lang ako dito, para sana maglabas ng inis ang kaso puro naman paninisi ang ibinato sa akin ng panganay ninyo!" aning wika ni Janet na sinamaan kunware ng tingin si Eloisa na pinagkibitan lang siya ng balikat ng kaibigan.
"Nakaalis na ba si Martin, Eloisa?" tanong ni aling Susan sa anak ng maalala na iniwan nito ang anak na kausap ang lalaki.
"Opo nay, nakaalis na po bago pa dumating yang si Janet." sagot ni Eloisa sa nanay niya.
"Nay, nagalit po ata sa akin si Martin sa pambabasted ko sa kanya kanina. Hindi ata n'ya nagustuhan ang mga sinabi ko. Bago siya umalis tinitigan n'ya ko ng masama, nakita ko ang galit sa mga mata n'ya at bigla ako nakaramdam ng takot!" pagpapabatid niya sa ina at sa kaibigan na rin dahil nga nangangamba talaga siya at hindi siya mapakali kaya sinabi na niya ang nasa isipan.
"Baka naman nagiguilty ka lang best, kaya pakiramdam mo ay may galit na sa'yo yung tao. wag ka na kayang magkape baka lalo ka lang kaseng mapraning!" komento ni Janet na ikinapikon ni Eloisa sa kaibigan kaya nahampas niya sa braso si Janet.
"Aray ko naman! Nay Susan, pagsabihan mo nga yang praning mong anak, nananakit na eh!" pagsusumbong ni Janet na parang bata kung umasta.
"Mabait naman ang anak na iyon ni Tudeng, at kung sa tingin mo nga ay nagalit sa iyo si Martin hindi ka naman siguro gagawan ng masama. Isipin mo na lang na nasaktan lang yun! kaya ganoon ang naging reaction." pagpapakalma sa anak ni Aling Susan.
Samantala umalis na sa bahay ni Erin si Edgar. Ilang beses pang humingi ng tawad sa kanya ang babae kanina pero hindi maalis ang galit niya.
Tinalikuran ni Edgar si Erin at umalis siya ng hindi na nagbigkas pa ng kahit na anong salita dahil baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi niya na pagsisihan niya pa sa huli.
Nagmaneho siya ng nagmaneho pero hindi niya alam kung saan siya tutungo hanggang sa namalayan na lang niya nasa tapat na siya ng bahay nila Eloisa. Matagal siyang nakatambay roon na parang naghihintay sa paglabas ni Eloisa kahit hindi naman siya sigurado kung lalabas nga ang dating nobya.
Lumipas ang oras na naroon pa rin si Edgar sa lugar nila Eloisa. Wala naman siyang ginagawa, nag iisip lang siya kung paano niya makakausap si Eloisa ng hindi ito magagalit sa kanya.
Nakatuon lang ang paningin ni Edgar sa harapan ng bahay nila Eloisa kaya napansin niya agad ang paglabas nila Eloisa at ng isang babae na namumukhaan niya pero hindi niya matandaan kung sino ito.
Lalabas na sana siya ng kotse upang lapitan sina Eloisa ngunit tumunog naman ang kanyang cellphone. Ang kapatid niyang si Margaret ang tumatawag kaya sinagot niya ang call dahil baka importante.
"Kuya, gusto ng bumalik ni lolo Edgardo sa mansyon, bumalik ka na raw dito dahil inaantok daw siya at gusto niyang mag nap time sa bahay." wika ng kanyang kapatid.
"Ngayon na ba? Hindi ba pwedeng mamaya na lang!?" àniya kay Margaret.
"Kuya, kanina ka pa nga namin hinihintay na makabalik ka dito. Ang sabi mo sandali ka lang, ilang oras ka na sa galaan, Kung gusto mo sunduin mo na muna kami rito ni Lolo at pagkauwi natin sa mansyon umalis ka uli, kung gusto mo lang ha!. Basta sunduin mo na kami rito ni Lolo, kase kuya naiinip na rin ako dito."
Nagbuntong hininga si Edgar, wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng kapatid. Babalikan na lamang niya si Eloisa kapag may lakas na siya ng loob na harapin muli ang dalaga para humingi ng tawad.