Chapter 18

1460 Words
Nasa bayan na sina Eloisa at Janet at namimili. Hindi na sila kumain ng tanghalian sa bahay nila Eloisa dahil nag crave si Janet ng burgers, naglambing ito kay Eloisa kaya naman imbes na mamaya pa sila aalis pagkatapos nilang makapananghalian ay napaaga ang pag alis nila. Kanina paglabas ng gate nila Eloisa namataan ng dalaga ang kotse nila Don Edgardo sa tapat ng bahay nila. Dahil medyo tinted ang salamin ng sasakyan ay hindi niya maaninag kung sino ang nasa loob. Nakita niya ang pagbukas ng pintuan ng kotse pero hindi naman lumabas ang nagbukas. Sinipat pa nga niya ang kotse pero nagmamadali si Janet dahil mainit ang sikat ng araw kaya hinabol niya na ang kaibigan. Lakad takbo ang ginawa nila dahil nakalimutan nilang magbitbit ng payong. Buti na lamang at may tricycle na walang pasahero na napadaan kaya agad rin silang nakasakay papuntang bayan. Habang nasa byahe pa sila kanina hindi mawala sa isip niya ang kotse nila Don Edgardo na nasa malapit lang sa bahay nila "Bakit kaya naroon ang sasakyan ni Don Edgardo? sino kaya ang nasa loob ng sasakyan? hindi kaya si Edgar ang nasa loob ng kotse? pero bakit naman siya magtatambay malapit sa bahay namin?" Maraming tanong sa isipan ni Eloisa na sinarili lang niya. Ayaw niyang ipaalam kay Janet dahil baka sabihin pa nitong bumalik sila sa bahay nila at komprontahin ang kung sino man ang nasa kotseng iyon. Pero sa mga oras na yun ay umaasa siyang sana ay si Edgar nga ang nasa sasakyan at nahihiya lang na lapitan at kausapin siya. Inabot na ng maghapon ang dalawa sa bayan. Bukod kase sa bumili si Eloisa ng bagong phone at dalawang simcard pagkatapos nila kumain sa fast food ni Janet ay namili pa siya ng mga bagong gamit para sa small business niya tulad ng ilang bilao, lanyera at espatula at nag grocery na rin sila ng ilang delata tulad ng gatas na gagamitin niya sa paggawa ng leche flan at halayang ube at pang personal hygene na rin n'ya. At dahil sa sinamahan siya ng kaibigan n'ya ay naisipan niyang bumili ng dalawang running shoes na buy 1 take 1 na pareho ang design pero magkaiba ang kulay. Tuwang- tuwa naman si Janet nang ibigay niya ang isa sa dalawang pares na sapatos na binili niya at sabihin niyang advance gift niya iyon para sa nalalapit na kaarawan nito. Kung hindi pa nag padala ng message ang biyenan ni Janet para ipaalam na pabalik na ang mga ito galing sa pamamasyal kasama ang mga anak ni Janet ay hindi pa nila maiisipang umuwi. "Paano yan best, kailangan na nating umuwi. Dapat mauna ako makarating sa bahay namin bago sila makauwi kung hindi ay mabubutaktakan na naman ako ng biyenan kong babae. Okay lang ba na isakay na lang kita sa tricycle, tapos uuwi na rin ako sa amin?" turan ni Janet. "Oo naman best, ano ka ba! kahit hindi mo na ako ihatid okay lang. Sige na Janet, mauna ka ng umuwi sa akin, bibili pa kase ako ng inihaw na manok para makatikim naman sina Justin at Raegan ng masarap na inasal ni Mang Juan. May dumadaan namang tricycle doon kaya dun na rin ako sasakay mamaya. Mag ingat ka sa pag uwi!" "Thank you best, sige alis na ko! ingat ka rin best sa pag uwi! punta ako sa inyo bukas, isasama ko ang mga bata. bye best!" at patakbong lumabas ng supermarket ang kaibigan niyang si Janet. Bagsak ang balikat na tinignan ni Eloisa ang mga pinamili niya. Madami-dami rin kase iyon at medyo mabigat, tapos bibitbitin pa niya ang mga yon sa ihawan ni Mang Juan na malapit lang naman sa labas ng supermarket. Sa ihawan ng manok ni Mang Juan ay hinihintay ni Eloisa ang binili niyang dalawang manok na naihaw na at kasalukuyang tinatadtad pa lamang ng tindero. Abala siya sa pagtingin kung paano tinatadtad ang binili niyang manok ng may babaeng lumapit sa kanya at kinalabit ang braso niya. Hindi inaasahan ni Eloisa na muli siyang lalapitan ni Erin pagkatapos ng ilang taon. Alam niyang ikinasal na ang babae sa kaibigan ni Philip, kaya wala na siyang alam na dahilan para kausapin pa siyang muli ni Erin. "Ano na naman ang problema mo Erin!? bakit ka nangangalabit? huwag mong sabihin na trip mong makipag away ngayon at ako na naman ang nakita mo kaya mo ko nilapitan!?" pagsusungit ni Eloisa sa babae. "Pwede ba kitang makausap? kahit saglit lang Eloisa, Please!" pakiusap ni Erin sa kanya. "Nice ha!,marunong ka din naman palang mag please!" nang-uuyam niyang sambit kay Erin. "Nagbago na ko Eloisa! nais ko sanang humingi ng sorry sa'yo sa mga nagawa ko noon. Please, Eloisa kausapin mo 'ko o kahit pakinggan mo man lang ako kahit sandali." muling pakiusap ni Erin kay Eloisa. "Ako, gusto mong makausap? for what!?" nagtatakang tanong ni Eloisa sa kaharap. "Pwede bang sa ibang lugar na lang tayo mag usap?" request ni Erin na halatang hindi komportable sa kinatatayuan nilang dalawa at panay ang pag ngiti at tango sa mga napaparaan sa harap ng ihawan ni Mang Juan. Napatingin sa paligid si Eloisa at nakuha naman niya ang nais iparating ni Erin kung bakit ayaw nitong doon sila mag usap. Maraming tao ang napapatingin sa kanila dahil kilala si Erin na anak ni Mayor Bustamante. "Sige, pero tulungan mo 'kong bitbitin ang mga pinamili ko." aniya kay Erin. Mabilis namang kumilos si Erin at tinulungan nga si Eloisa na ipasok sa loob ng kotse ang mga pinamili nito. Hawak hawak naman na ni Eloisa ang binili niyang manok na iniabot sa kanya ng tindero ni mang Juan bago pa siya pumasok sa sasakyan ni Erin. "Saan tayo?" tanong ni Erin kay Eloisa. "Bahala kang mag isip kung saan, basta hindi tayo lalayo rito sa bayan, Erin!" pagmamaldita pa rin ni Eloisa sa babae. "Gusto mo bang ihatid na lang kita sa inyo at doon na lang tayo mag usap sa labas ng bahay n'yo?" suhestiyon ni Erin na ikinataas ng isang kilay ni Eloisa. "Pabor sa akin ang suhestiyon mong 'yan, sigurado ka!?" aniya kay Erin. "Siguradong sigurado ako, Eloisa." seryosong sagot ni Erin sa kanya. Ilang minuto lang ay nakarating agad sila sa bahay nila Eloisa. Sakto namang nasa labas ng bahay si Michael na nakikipaglaro sa kaibigan nito at kapitbahay din nila. Nagpatulong na muna si Eloisa sa kapatid niya na kunin ang lahat ng mga pinamili niya na nasa loob ng kotse ni Erin. "Gusto mong pumasok tayo sa bahay o dito na lang tayo?" mahinahon ng tanong ni Eloisa. "Dito na lang, hindi rin naman ako magtatagal. Actually, galing na ako rito sa inyo kanina at nakausap ko ang nanay mo sinabi niyang nagpunta ka ng bayan kasama ang kaibigan mo. Pauwi na ko ng mamataan kita kanina na tumawid mula sa supermarket at nakita ko ngang bumili ka ng manok kaya itinigil ko ang sasakyan ko upang lapitan ka. I think na hindi lang nagkataon ang nangyare, inihadya na ng maykapal na magkausap tayo ngayong araw Eloisa." "Ano ba ang gusto mong sabihin Erin!?" kunot noo niyang tanong. "Patawarin mo ko Eloisa, sorry kase ng dahil sa akin naghiwalay kayong dalawa ni Edgar?" "Ano naman ang kinalaman mo sa paghihiwalay namin ni Edgar, Erin!? alam mo ba kung ano ang dahilan ng hiwalayan namin? sinabi ba sayo ni Edgar?" naguguluhang tanong ni Eloisa. "Yes Eloisa, nakausap ko si Edgar noon sa labas ng school, nakita ko siyang naghihintay sayo para sunduin ka. Ipinakita ko sa kanya ang nirecord kong video ninyo ni Philip ng huling gabing puntahan kanya dito. Sa sobrang selos ko gumawa ako ng kwento para isipin ni Edgar na niloloko mo lang siya, na bukod sa kanya ay nobyo mo rin si Philip at pinagsasabay mo silang dalawa. Madali kong napaniwala si Edgar ng mapanood niya ang nakuhanan kong video ninyo ni Philip na nagyakapan kayong dalawa at hinayaan mong hagkan niya ang noo mo." pahayag ni Erin na ikinaawang ng bibig ni Eloisa. "Nakita ko sa mga mata ni Edgar ang galit at poot sa'yo ng mga oras na yon. Alam kong nagtagumpay ako sa ginawa kong pagsira sa relasyon ninyo ni Edgar ng umalis siya sa labas ng school at hindi ka na niya hinintay pa. Im so sorry Eloisa, nagawa ko ang bagay na 'yon dahil sa selos at inggit na rin. Patawarin mo ko Eloisa, nalaman ko ang katotohanan sa pagpunta ni Philip sayo ng gabing 'yon ng sabihin sa akin ni Julius na last goodbye na pala sa iyo ni Philip iyon dahil aalis siya papuntang America kasama ang mga magulang niya." Pagpapaliwanag pa ni Erin kay Eloisa. PAK! malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang ibinigay ni Eloisa kay Erin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD