Chapter 19

1129 Words
Hindi naman lingid kay Eloisa na hindi talaga siya gusto ni Erin magmula ng ligawan siya ni Philip. Marami ng naging kasalanan sa kanya ang babae na pinalagpas niya noong una hanggang sa lumalaban na nga siya ng pakikipagsagutan kay Erin para lang maipakita niya na hindi siya pumapayag na api-apihin lang siya ng kung sino. Alam niyang mainit talaga ang dugo ni Erin sa kanya, kahit wala siyang ginagawang masama rito, hindi naman niya kasalanan na mas lutang ang ganda niya kaysa kay Erin.. Knowing na pinagseselosan naman talaga siya ni Erin, ngunit hindi naman niya inakala na may inggit rin ito sa kanya. Kung tutuusin naman ay nasa babae na ang lahat at wala siyang maapuhap na dapat na ikainggit sa kanya ng anak ni mayor. "Alam mo Erin, ang laki ng problema mo sa utak! dahil lang sa selos nagawa mo kong siraan sa lalaking minahal ko. Hindi mo ba naisip na kung may gusto rin ako noon kay Philip at totoong nagkarelasyon kami ay hindi ko na kailangan pang mag entertain ng ibang manliligaw na hindi rin ipipilit ni Philip ang sarili niya sa akin at hindi siya mangungulit ng mangungulit noon para lang pansinin ko siya. Dont tell me na iniisip mo noon na kaya ko lang nilalayuan at nirereject si Philip ay dahil sa natatakot ako sayo!? Kahit kailan Erin hindi ako natakot sayo dahil lang sa mayaman kayo at anak ka ng mayor, dahil wala naman akong pakialam sa estado ng buhay mo. Hindi porket gusto mo siya noon ay magugustuhan ko rin siya. Philip is a good catch! pero kailanman ay hindi siya ginusto ng puso ko." naiinis na saad ni Eloisa kay Erin. "Yan ang sinasabi mo palagi, pero iba ang nakikita ko noon. Kaya bwiset na bwiset ako sa iyo noon Eloisa, dahil panay ang tanggi mo na hindi mo gusto si Philip pero madalas ko naman kayong makita na magkasama." ani pang saad ni Erin na ikinatapik ni Eloisa sa kanyang noo. "Dahil ng maospital si Philip noon ng magtangka siya na tapusin ang buhay niya matapos ko siyang bastedin ng paulit ulit, nakiusap ang parents niya sa akin na pakiharapan ko na muna ng maayos ang anak nila habang gumagawa sila ng paraan na mailayo si Philip sa akin. Wala kang alam sa lahat ng mga ginagawa ko Erin. Lahat ng akala mo ay mali. Kakainis kang talaga!" paliwanag niyang nanggagalaiti kay Erin. "And for your information, hindi iyon ang naging dahilan ng break up namin ni Edgar. Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa ipinakita mong video sa kanya." dugtong pang pahayag ni Eloisa. "Matagal ng nangyare yun, Wala na si Philip dito at pareho na kayong may mga sariling pamilya. Ang tahimik sana ng buhay ko pero dahil sa inyo gumugulo ang paligid ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ibigay sa iyo ang hinihingi mong kapatawaran Erin, pero dahil na rin sa wala naman na akong magagawa dahil nangyare na nga at gusto kong mag move on na tayong lahat, hayaan na natin ang nakaraan at isipin ang kinabukasan. Hindi man ngayon Erin, alam kong mawawala rin ang inis at kabwisitan ko sayo." seryosong litanya ni Eloisa na tahimik na pinakinggan ni Erin. "Sorry Eloisa, pangako hindi na uli kita lalapitan pa at ito na ang huling pakikipag usap ko sa'yo. Hiling ko na sana ay magkabalikan kayo ni Edgar at kayo pa rin ang magkatuluyan. Bukod sa paghingi ko ng tawad sayo at kay Edgar na rin, hangad kong maitama ang pagkakamaling nagawa ko sa inyo. Eloisa, mahal ka pa rin ni Edgar. Nagalit lang siya sa'yo dahil sa kagagawan ko, pero mahal ka pa rin niya sa kabila ng pag aakala niyang niloko mo siya. Nasabi ko na nga rin pala ang katotohanan sa kanya, galit siya sa akin at hindi niya ako mapatawad. Nauunawaan ko naman, kasalanan ko eh! susubok na lang uli siguro ako sa paghingi ng tawad kapag humupa na ang galit niya." mahabang litanya ni Erin na ikinapikit ng mga mata ni Eloisa. "Bakit parang kulang ata ang isang sampal sa iyo Erin!?" aniya sa babae dahil pinainit na naman ni Erin ang ulo niya. "Hinayaan ko ang isang sampal Eloisa, dahil alam kong deserve ko yun. Sapat na ang isa, kung uulitin mo pa babawiin ko ang paghingi ng tawad sayo! Nagpakumbaba na ko sa inyo kung hindi ninyo matanggap, bahala na kayo sa buhay n'yo" matapang na asta ni Erin sa kanya na ikinangiti ni Eloisa kaya napangiti na rin si Erin hanggang sa natawa na silang pareho. "Okay na ba tayo!?" seryosong tanong ni Erin kay Eloisa pagkatapos nilang magtawanan. "Ang sabi ko nga di ba, nangyare na ang nangyare at ang tanging magagawa na lang natin ay itama ang mga pagkakamali natin. Natutuwa ako na nalagpasan mo na ang pagiging obsess mo kay Philip, Erin. Maswerte ka at hindi ka sinukuan ni Julius kahit na alam niya ang pagkahimbang mo sa kaibigan niya. Gumagabi na Erin, baka hinahanap ka na ng asawa't mga anak mo at mahaba na rin ang pag uusap natin. Salamat sa ginawa mong pag amin ng kasalanan mo atleast ngayon alam ko na kung saan talaga nanggagaling ang galit na ipinapakita sa akin ni Edgar. Huwag mo ng pakaisipan pa ang tungkol sa amin ni Edgar, kung kami talaga ang para sa isa't isa gagawa ng paraan ang maykapal para mangyari 'yon." aniya kay Erin na sumang ayon sa kanya. "Salamat Eloisa, aalis na ko at tama ka, baka nga hinahanap na ko ng mga bata at ni Julius. Sana kapag kinausap ka ni Edgar pakinggan mo siya Eloisa. Hangad ko na rin ang kaligayahan ninyong dalawa." mula sa pusong wika ni Erin at bago umalis ay hinawakan pa muna ang kamay ni Eloisa. Pumasok na sa loob ng gate nila si Eloisa at nakasalubong na sa kanya ang kanyang nanay. "Anong pinag-usapan ninyo ng anak ni Mayor, Eloisa?" pang uusisa agad ni aling Susan sa anak. "Humingi ng sorry 'nay sa mga kalokohang ginawa niya sa akin. Umamin ng kasalanan niya!" aniya. "Bakit, anong kasalanan ang ginawa niya sayo!?" curious na tanong ni aling Susan. "Siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Edgar nay, mahabang kwento eh! basta siniraan niya ko kay Edgar kaya yung lalaking yun naman napraning, naniwala agad sa mga pinagsasabi ni Erin sa kanya. May papili-pili pa siyang nalalaman, hindi pa niya sinabi sa akin ang totoo. Gagu rin eh!" aniya sa ina. "Dumating na si tatay at sina Raegan?" pag iiba niya ng usapan. "Kanina pa dumating!, nandiyan na sa loob at nag iinuman na nga sila! ginawa na nga ring pulutan ng tatay mo yung binili mong inihaw na manok." sagot ng ina niya. "Ah, ang gagaling naman!" komento niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD