Maaga pa lang nasa pantalan na sina Edgar. Inihatid niya ang Lolo Edgardo niya at ang kapatid na si Margaret. Sasakay ng ferry boat ang mag lolo hanggang sa makarating sa kabilang pantalan, sa parola at sasakay ng cab patungong Ilo-ilo airport pa manila.
Isinama ni Don Edgardo pa manila ang kanyang driver para may umalalay sa kanya. Hindi naman kailangan ni Edgar ang driver at alalay. Puro habilin ang iniwan ni Don Edgardo sa apong lalaki na hindi na masyadong pinapansin ni Edgar dahil napag-usapan naman na nila kagabi ang lahat at inuulit lang ng abuelo niya sa kanya.
"Kuya, mag iingat ka rito ha!" bilin ni Margaret.
"Syempre naman, kayo rin! tawagan mo ko Gret ng time to time para hindi ako mag alala sa inyo. Mapapanatag lang ako kapag nasundo na kayo nila Dad at Mom sa manila airport." aniyang bilin din sa kapatid.
"Manong, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang lolo ko at kapatid ko. Alam n'yo na ang gagawin, Ingat din po kayo!" aniya naman sa driver ng lolo niya.
"Ako pong bahala sa lolo ninyo at kay senyorita. Makakaasa po kayo senyorito." sagot naman ni manong sa kanya.
"Lo, ikumusta mo kina Dad at Mom, huwag kang lalayo kina Margaret okay!" habilin naman niya sa abuelo.
"Oo na, sige na, bumalik ka na sa manggahan at gawin ang mga dapat mong gawin. Paalis na ang ferry, thank you apo!" wika naman ni Don Edgardo sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Bye kuya! sana pagbalik mo ng Maynila kasama mo na si Eloisa." nakangiting saad ng kapatid ni Edgar.
"I will make sure na mangyayari yun,, Margaret!" seryoso niyang sagot sa kapatid.
Kahapon nasabi niya kay Margaret ang napag- usapan nila ni Erin. Ipinagtapat niya ang lahat sa kapatid, ang tungkol sa kanilang dalawa ni Eloisa.
Pagkabalik kase nila sa mansyon at nang iwan sila ng kanilang lolo Edgardo para magsiyesta ay kumuha ng alak si Edgar at inaya ang kapatid na samahan siyang uminom. Naramdaman ni Margaret na may problema siya kaya sinamahan siya nito at hindi iniwan kahit na medyo pagod din ang dalaga. Pinilit siyang magsalita ni Margaret at dahil sa gusto rin niyang ilabas ang nasa loob niya isiniwalat niya ang ginawang pangloloko sa kanya ni Erin na kaibigan ng kanyang kapatid.
Hindi mapaniwalaan ni Margaret na kayang gawin ni Erin ang bagay na nagawa nito sa kuya niya at kay Eloisa.
Bago pa man tuluyang malasing si Edgar pinayuhan ni Margaret ang kuya niya. Sinabi niyang dapat na gumawa na ng move ang kuya niya habang single pa rin si Eloisa. Pinalakas pa nga niya ang loob ng kapatid sa sinabi niyang baka kaya hanggang ngayon kaya wala pa ring nagiging boyfriend si Eloisa dahil hinhintay siya ng babae na balikan niya ito.
Napaisip si Edgar dahil maaari ngang tama ang kapatid niya. Lumiwanag ang mukha niya ng marealize niya sa sarili na hindi pa huli ang lahat pwede pa siyang makabawi kay Eloisa. Malaya pa rin siyang mahalin ang dalaga, kailangan lang niyang humingi ng tawad at pagkatapos non ay ligawan muli si Eloisa.
Balak sana ni Edgar na puntahan si Eloisa pero hindi siya pinayagan ni Margaret dahil nakainom siya at amoy alak na. Pinaalala rin sa kanya ng kapatid na may videocall sila ng pamilya nila pagkagising ng kanilang abuelo para sa magiging byahe nila Margaret at ng lolo nila kaya hindi na niya itinuloy ang balak na pag alis. Tinulungan na lang siya ni Margaret ng diskarte para mapadali ang pagbabalikan nila ni Eloisa. Sa dami ng idea ni Margaret ay hindi na niya alam ang kung ano ang susundin niya kaya napailing na lang siya at natawa sa mga pinagsasabi ni Margaret sa kanya.
Paalis na ang ferry boat ng magpasyang umalis na rin si Edgar sa pantalan. Napadaan siya sa bilihan ng bulaklak naisip niya si Eloisa kaya bumili na rin siya ng white roses. Naalala niya ang sinabi ni Margaret sa kanya na dapat ay kumilos agad siya dahil baka mainip si Eloisa sa kanya at sumagot na ng manliligaw nito. Alam niyang tinatakot lang siya ng kapatid pero may posibilidad ang sinabi ni Margaret.
Dahil maaga pa naman at alam niyang tulog pa ang dalaga ay dumiretso na muna siya sa manggahan at ginawa ang kailangan niyang gawin roon. Madali lang naman ang ginagawa niya nagsusupervise lang naman siya sa manggahan at katuwang niya roon si Mang Berting. Naroon din naman si Michelle na anak ni Mang Berting na administrative assistant ni Don Edgardo sa manggahan. Hindi nga lang ito buong araw na naroon dahil nagtuturo din si Michelle sa public school sa lugar nila. Sa umaga lang ang pasok ng babae sa manggahan dahil sa umaga madalas ang angkatan ng mga mangga at sa tanghali ay si Mang Berting o si Don Edgardo na ang bahala.
Malapit ng magtanghalian ng lapitan ni Edgar ang anak ni mang Berting. "Paalis ka na ba?" tanong niya sa babae.
"Maya maya pa senyorito Edgar, bakit ho!?"
"Magkakilala kayo ni Eloisa di ba? narinig kong sinabi mo yun kay Margaret."
"Ah, magkaibigan kami ni Eloisa nung mga bata pa lang kami, hindi nga lang kami masyadong naging close pero okay naman kaming dalawa. Bakit n'yo natanong senyorito?"
"Huwag mo na akong isenyorito Michelle, Edgar na lang, hindi naman ako ang amo ninyo." aniya sa assiatant ng lolo niya.
"Apo pa rin ho kayo ni Don Edgardo, kaya natural lang sa amin na magtrabahador ninyo rito na igalang din kayo. Pero kung nais ninyong name basis na lang wala naman pong problema sumusunod lang kami sa inyo."
"Naunawaan ko. Ang sabi mo bata pa lang kayo magkakilala na kayo ni Eloisa, E di alam mo ang naging relasyon ko sa kanya?"
"Naging mag on pala kaya ni Eloisa, ang pagkakaalam kase namin ay nanligaw lang kayo noon sa kanya pero hindi naging kayo."
"Ah, naging kami pero may mga nangyari kung bakit hindi nagtagal ang realsyon namin. Sa atin na lamang ito Michelle."
"Wala pong problema, marunong naman akong mag zipper ng bibig ko, lalo na kung ang sasabihin ko ay hindi naman kailangan ipaalam pa sa iba."
"Salamat! actually kaya ko nasabi sayo kase may gusto lang akong alamin. Bukod ba sa pagiging busy ni Eloisa sa negosyo niya, may iba pa ba siyang pinagkakaabalahan like ibang trabaho?"
"Dati siyang nag work sa banko bilang bank teller, ilang taon din siya sa trabahong yun hanggang sa umalis na nga siya at sinimulan ang negosyo niya. Malakas ang mga kakanin niya rito at hands on talaga siya roon dahil siya at ang nanay lang niya ang gumagawa ng mga kakanin. Bakit mo naman naitanong?"
"Balak ko kaseng dalawin siya sa kanila mamaya, ang kaso nahihiya pa akong harapin sina Mang Nelson at aling Susan dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Eloisa noon. Wala pa akong lakas ng loob na muling makausap ang mga magulang niya." pagtatapat niya kay Michelle.
"Ah balak mong ligawan uli si Eloisa at gusto mong tulungan kita?" reaksyon naman ng babae.
"Okay lang ba sa iyo na humingi ako sayo ng pabor? gusto ko sanang makausap si Eloisa mamayang hapon. Pero sa ibang lugar na muna sana, siya lang muna ang kakausapin ko kapag okay na kami, haharap muli ako sa parents niya." seryosong saad ni Edgar.
"Seryoso ka na ba kay Eloisa? baka paglaruan mo lang ang damdamin ng kaibigan ko, tapos iiwan mo lang din siya uli. Wala namang problema Edgar, madali kitang matutulungan kung talagang gusto mong makausap ng sarilinan si Eloisa, hiling ko lang na sana hindi mo namasaktan ang kaibigan ko." aning wika ni Michelle sa kanya.
"Matagal ko ng mahal ang kaibigan mo Michelle, kung wala lang nanggulo noon sa amin baka matagal ko ng pinakasalan si Eloisa, mag asawa na kami at mayroon na kaming mga anak ngayon." aniya sa babae na napangiti sa kanyang sinabi.
"Sige, gumawa tayo ng plano ngayon kung saan at paano natin mapapapunta si Eloisa ng siya lang mag isa." pagsang-ayon na ni Michelle kay Edgar na mabilis na nakipagkooperasyon sa ginawang plano ni Michelle.
Ibinigay ni Edgar ang phone number niya kay Michelle dahil hiningi iyon ng babae upang mayroon daw silang maging contact mamaya sa binuo nilang plano. Si Michelle na ang bahala sa lahat, maghihintay na lamang si Edgar ng tamang oras kung saan nito papupuntahin si Eloisa para makapag usap silang dalawa.