LIAM'S PoV Nagising ako mula sa init ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Pag-upo ko ay kaagad kong naramdaman ang sakit ng aking ulo. Para itong binibiak at medyo nahihilo pa rin ako. Nilinga linga ko ang paligid at agad nagtaka ng nasa aking kwarto na ako. Iba na rin ang suot kong damit at wala na rin ang suot kong slacks maging ang sapatos. Agad akong napabangon sa aking higaan. Nagpunta ako sa banyo para maligo, pakiramdam ko kasi ay mababawasan ang hangover ko kapag naligo ako. Pagbukas palang ng pinto ng aking kwarto ay naamoy ko na agad ang mabangong sinangag na nagmumula sa kusina. "Kuya Liam, gising na po pala kayo. Nakapagluto na po ako ng almusal." nakangiting bungad ni Rica ng mapansin ang amo na kakarating palang galing sa kwarto nito. "Bigyan mo ko ng kape."

