THIRD PERSON'S POV " Kamusta si Liam?" tanong ni Victor ang tatay ni Cym Nasa hapag sila ngayon at kumakain ng hapunan. Kakauwi lang ni Cym galing Hospital, Halos buong araw itong nagbantay doon dahil ito ang araw ng operasyon ng paa ni Aiden. Napatingin si Cym sa ama na busying busy magpakain sa anak. "He gave me his resignation letter. Gusto niyang magresign." paliwanag nito habang nagsasandok ng ulam. "And? tinanggap mo?" nakataas ang kilay na Sabi ng ina nito "Of course not! Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging mas kilala ang Majeste Ngayon.Malaki ang naging bahagi ni Liam doon." "Mabuti naman, Akala ko ay tinanggap mo. Paniguradong hindi ka makakauwi dito Charles." dinuduro pa ng ginang ang kanyang anak gamit ang tinidor Hindi makaimik si Cym at nakikinig lang sa usapan

