THIRD PERSON'S POV Kinabukasan ay sumama ang mga magulang ni Cym upang bisitahin si Aiden sa hospital. Naging maayos ang pakikitungo ng mga ito at kinamusta ang kalagayan Niya Bago magtanghalian ay nagpaalam na ang dalawang matanda. "Pasensya na ha, Lagi Kang nariyan para bantayan at alagaan ako." hinging paumanhin ni Aiden, masuyo nitong hinaplos haplos ang kamay nito habang nanghihingi ng paumanhin. Alam Niya ang mga naging sakripisyo ni Cym para sa kanya nitong mga nagdaang araw. Hindi ito nawawalan ng pag-asa at hindi siya nito sinukuan kaya Sa kanya ito kumukuha ng lakas upang makalakad ulit. "Huwag ka mag-alala, I'll always be there. Hinding hindi kita iiwan." pinisil nito ang kamay ni Aiden at buong lambing na ngumiti rito Mula sa cabinet ng side table ay kinuha ni Aiden an

